KANINA pa siya hindi mapakali sa kinatatayuan niya sa labas ng opisina ni Julian. Ngatngat ang daliring susulyap-sulyap sa may pintuan. Hindi niya alam kung kakatok ba siya o papasok nalang. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Daig pa niya ang teenager na ngayon lang makikita ng personal ang taong matagal nang hinahangaan.
Buong gabi niyang pinag-isipan ang magiging hakbang para sa kanila nang binata. Ano ba'ng magagawa niya? Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi na niya ito mahal. So she came up with the decision to give them another try, to give their love a chance.
Hindi na siya magpapaka-hard to get pa dahil ang puso na niya mismo ang nagsusumigaw ng pangalawang pagkakataon. She's gonna go for it and she'll make sure that this time no one will ever tear them apart. Siya lang at si Julian ang para sa isa't-isa. Period.
Lumakad siya at tumayo sa harap ng pinto. Humugot muna siya nang isang malalim na hininga bago kumatok.
"Come in," came out his voice from the other side of the door.
Pinihit niya ang sedura at dahang-dahang pumasok. Hindi siya agad nagsalita ng makita ang pagkaabala nito sa mga papeles sa harap ng mesa nito. Ni hindi ito nag-angat ng mukha para tingnan kung sino man ang pumasok sa opisina nito. Hindi naman nakatulong sa kaba niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. She walked towards his desk and cleared her throat.
Julian slowly looked up, bumalatay ang pagkabigla sa mukha nito nang makita siya.
She awkwardly smiled and waved. "Hi."
Ibinaba nito ang hawak na pen at sumandal sa upuan nito. Pinakatitigan siya nito pagkatapos ay kumunot ang noo nito. "Sassa?"
"Puwede ba kitang makausap?" untag niya.
Sinulyapan nito ang mga papel. "Tungkol saan?"
"Sa ati----"
"Sir, start na po ang meeting in five minutes," turan ng sekretarya nito kaya hindi niya natapos ang sinasabi. Ngali-ngali niyang sugurin ang babae pero trabaho lang din naman nito iyon. Sana huwag iyong pabigla-bigla!
Julian took a quick glance on his wristwatch before looking at her.
"Maghihintay ako," agap niya nang akmang magsasalita ito.
"Sigurado ka?"
"Uh-huh," she said, taking a seat on the couch. "Dito lang ako."
May pagtataka man ay tumango na ang din ito bago binitbit ang laptop at lumabas. Napabuntong-hininga siya. Parang gusto na niyang umurong. Parang hindi naman ito nasiyahan nang makita siya. Hmp!
May ilang minuto na siyang naghihintay nang muling bumukas ang pinto ng opisina nito. Sean came in. Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siyang nakaupo roon at nagi
-iisa."Hey, what are you doing here?"nakangiti nitong wika. "Kailan pa kayo nagkabalikan?" Tiningnan siya nito at humalukipkip. "Gano'n na lang 'yon? Hindi man lang naghirap si Enteng?"
"Enteng?" kunot ang noong tangong niya ngunit agad ding napailing nang ma-realize na si Julian ang tinutukoy nito.
Ngumisi rin ito. "Nasaan ang mokong na 'yon?" He sat on Julian's desk. "Iniwan kana naman niya."
Bahagya siyang natawa sa sinabi nitong huli. "May meeting daw, eh."
"So ano pa ang ginagawa mo rito?"
"Naghihintay," nagkibit-balikat siya.
Pumitik ito. "I knew it!"
Huh?
BINABASA MO ANG
In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)
عاطفيةA sequel of Her Boss' Number One Rule Boss Series #1 Book 2 Things change. Shit happens. In some seemingly successful love stories sometimes started with weird beginnings. And some have ended with madness and anger. Now, how to really heal a broken...