Yes, merong special chapter. Hehe.
Realice
"JULIAN!" nakasigaw na tawag niya sa asawa. Kanina pa siya paikot-ikot nang bahay ngunit hindi niya ito makita kahit anino man lang nito. Napangiwi siya nang bahagyang sumakit ang may kalakihan na niyang tiyan dahil siguro sa mahabang paglalakad-lakad. Walong buwan na ang ipinagbubuntis niya kaya naman hindi na dapat siya galaw nang galaw pero naiinis na kasi siya dahil hindi mahanap ang asawa. "Aray, punyemas! Julian! Manganganak na yata ako!" sunod-sunod na sigaw niya saka hapong naupo sa sofa.
As if on qeue, her husband appeared at the doorway. May bitbit itong mga kahoy sa mga kamay na agad namang binitiwan nang makita ang estado niya. Mabilis pa sa alas kuwatrong nakalapit ito sa kanya. Pero ang herodes ay nakatanga lang sa kanya harap hirap na siya sa sakit na nararamdaman. Tumaas yata ang blood pressure niya.
"Dalhin mo na ako sa ospital, Julian!" sigaw niya saka binato ito nang nahagip na throw pillow. "Move!"
Waring nagising naman ito sa realidad dahil tumalima naman agad ito. "Right."
"Julian! Saan ka pupunta?!" bulyaw niya nang malapit na ito sa pinto. "Baka gusto mong buhatin ako, mister?!"
Nanlaki ang mga mata nito at nagmura. Binalikan siya at binuhat. Hindi pa yata nito naisara ang pintuan nang bahay sa pagkataranta nito. Gusto niyang matawa ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya.
"What do I do?" she heard him say nang nasa kalsada na sila.
Hawak ang tiyan na nakapikit siya. "Just drive. At siguraduhin mong makakarating tayo nang ospital nang buo at matiwasay."
Napahiyaw siya nang maramdamang pinasibad nito ang sasakyan pero hindi na siya nagkomento dahil masakit na talaga ang tiyan niya.
Her face contorted in pain at halos magdugo ang labi sa pagkakakagat niya. Alam niyang masakit ang manganak pero wala sa hinuha niya na ganito pala katindi ang sakit. Nanunuot hanggang dulo nang living cell niya.
"Hold on. Nandito na tayo," narinig niyang wika nito ngunit naging malabo na ang dating niyon sa kanya dahil unti-unti na siyang hinihigop nang kadiliman.
"CONGRATULATIONS! Masuwerte ang mag-ina dahil pareho silang nakaligtas. Your baby is a bouncing baby boy," Dr. Agcaoili's voice rang in his ears.
Julian couldn't keep help his self to tear up as he stare at his sleeping son in the operating room. His son. He's a father now.
"Mr. Soriano, puwede na rin po ninyong puntahan ang asawa niyo sa recovery room," wika nang OR nurse sa kanya. "Gising na ho siya."
Simple niyang pinunas ang luha sa gilid nang mata saka sinundan ang nurse patungo sa asawa niya. Sassa's pale lips broke out into a soft smile when she saw him. Namumutla pa rin ito. "Hey." He kissed her forehead. "Thank you," buong puso niyang saad.
Sassa just hummed then once again closed her eyes.
"HINDI ganyan ang tamang paghawak nang bata, Khyryu. Sinasakal mo, eh."
"Huwag mo nga akong turuan, Ulap, dahil mas hindi ka marunong sa akin. At anong sinasakal? Caress ang tawag diyan, dude, caress."
"Ang ingay ninyo. Kapag umiyak 'yang anak ko sa kaingayan ninyo, idedemanda ko kayong lahat."
Ang sagutan nang mga ito ang nagpagising sa tulog na diwa ni Sassa. Unti-unti siyang nagmulat nang mga mata at bumugad agad ang guwapong mukha nang asawa. "Good evening," bati nito.
"Hello, Sassa.. Ang cute naman nitong si Henniken, manang-mana sa sa akin."
"Henniken?" naeeskandalong untag niya. "Utang na loob, Khyryu. Wala akong balak isunod sa alak ang pangalan nang anak ko."
"At hindi mo siya kamukha. Ako ang tatay niyan," nakakunot naman ang noo na dagdag ni Julian.
Ngumisi lang ang huli. "Ang sungit naman nang mga magulang mo sa tito pogi mo. Huwag mong gagayahin iyon, ha? Bad iyon," kausap nito sa bata.
"Ano ba ang magiging pangalan niya, pare?" singit ni Cloud.
"Kent Sebastian," nakangiti niyang sabi.
Lahat nang mata ay nakatutok sa kanya. "Bakit? Pangit ba?"
"Oo. Bakit hindi nalang Cloud Sebastian?"
Julian whacked Cloud's head. "Hey, I'm only suggesting."
Natatawang ibinaba ni Khyryu ang anak nila sa baby's warmer saka binalingan silang mag-asawa. "Maligayang bati sa inyong dalawa. Nakapagdagdag na naman kayo nang isang pogi sa Pilipinas."
Cloud seconded. "Uh-huh. Congratulations!"
That's when the door opened. Iniluwa niyon ang sugatang si Sean, kasunod nito ang ever tahimik na si Zero. "Congrats! Mabuti naman at umabot pa kami," nakangiting wika nito Sean na napunta sa pag-ngiwi nang mabinat ang mukha nitong may bandage.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya.
"Heto. Nasabugan."
"Ng?" untag niya.
"Nothing. Work related."
Nagtatanong ang mga matang bumaling kay Julian. "He's a soldier," saad nito.
"Oh," wika nalang niya.
"Congratulations," Zero handed her an envelop. Binuksan niya iyon at gayun na lamang ang panlalaki nang mga mata niya nang malamang trust fund nang anak niya ang nasasaad doon.
"Ang laki naman nito, Zero," namamanghang wika niya.
"Barya niya lang iyan," ani Cloud. "Iyong magiging anak ko rin, pare ha? Nang matuwa naman ako sa'yo."
"Hindi ka kasali sa listahan ko."
"Ako nalang," singit ni Khyryu.
"Mas lalo ka na."
Natahimik silang lahat nang umungot ang anak niya. Mabuti n lamang hindi tumuloy sa pagiyak. "Magsilayas na nga kayo," wika niya.
"Puwede ba akong dumito muna?" untag nang nakapagtatakang tahimik na si Sean.
"Sa kabila ang kuwarto mo," sita ni Zero.
"Boring doon."
Naiiling na lang siya na nginitian ang asawa. "Kahit kailan talaga, ang gugulo nang mga kaibigan mo, ano? Ang sarap nilang pagumpog-umpogin. Nakakagigil."
Julian matched her smile. "Huwag mo silang pansinin. Matatahimik din ang mga iyan kung matatagpuan na nila ang kanilang The One."
"Cheesy!" sabay na wika nina Sean, Cloud at Khyryu.
"Ikaw, Zero, ano'ng say mo?"
He shrugged. "I already found her."
Ay, alam na this!
Super thank u for reading! Sana ay na-enjoy ninyo ang kuwentong ito. Thank u again. Also, please check out my other stories here on wattpad. God bless...
Love lots,
Realice
BINABASA MO ANG
In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)
Roman d'amourA sequel of Her Boss' Number One Rule Boss Series #1 Book 2 Things change. Shit happens. In some seemingly successful love stories sometimes started with weird beginnings. And some have ended with madness and anger. Now, how to really heal a broken...