Chapter 6

8.1K 271 8
                                    

"Some people say that love don't come easy, pero bakit gano'n, sa sandaling nakasama at nakilala kita ay nagawa ng puso kong mahalin ka agad?"


"ANG boss mo?"

Umangat ang ulo ng sekretarya ni Julian sa kanya. "Kayo pala Ms. Sassa, nasa conference room po."

Napatango-tango siya. "Pakisauli nalang itong susi ng sasakyan niya." Inilapag niya ang hawak na susi sa mesa nito. "Salamat."

"Ikaw ang humiram ba't hindi ikaw ang magsauli?"

Napatigil siya sa tangkang pagpihit nang marinig niya ang boses nito at nangtatanong ang mga matang tiningnan niya ang sekretarya nito. Nang manatili itong tahimik ay muli niyang dinampot ang susi bago ito hinarap. Her breath was caught up in her throat as she took in his oh-so-fresh-handsome-rugged-look-in his-suit. Hindi niya maiwasang mapalunok sa hitsura nito. Anak ng sinampalokan talaga! Bakit ang hot nito?

She mentally shook her head and tried her best to remain neutral. Initsa niya ang susi na agad namang nasalo nito. "There are your keys. Maraming salamat sa pagpapahiram ng kotse mo. At sana hindi na kita makita pang muli. Aalis na ako. Bye."

"Samahan mo akong kumain."

She stopped on her track and stared at him like a buttered robbot. Ayaw nga na niya itong makita tapos sasamahan niyang kumain?

Nang mainip siguro ito sa paghihintay sa sagot niya walang paalam siya nitong hinila palabas ng opisina.

"Teka!" Hinila niya ang braso mula rito.

"Ano na naman ba'ng problema mo?" Tumigil ito sa paglalakad at namaywang.

She mimicked his stance and rolled her eyes. "Hindi ako kakain kasama ka."

"Oh yeah?"

"Oh, yes."

Suddenly he looked frustrated. Bumuga ito nang hangin. "Fine," ani nito sa tinungo pabalik ang opisina.

"Julian?" tawag niya rito.

He looked back. "What?"

"Akala ko ba kakain ka?"

He opened his office door. "Hindi na." With that, he went in. Naiwan siyang nakanganga sa labas. Ano'ng problema no'n? Napailing nalang siya.


NAPAANGAT ang ulo ni Julian nang isang pinggang punong-puno ng pagkain ang tumambad sa harapan nito. Sassa's amused face is looking down on him. "Kumain ka na. Pinaghirapan kong dalhin 'yan hanggang dito sa opisina mo," wika niya.

Ibinaba nito ang hawak na sighning pen. "We need to talk."

Her eyebrow shot up. "Okay. Pero kumain ka muna."

Hindi na ito nakipagtalo at isinantabi lahat ng mga papel saka ibinuhos ang atensyon sa pagkaing dala niya. Mataman lang siyang nakamasid.

"Alright," ani niya nang matapos ito. "Ano'ng pag-uusapan natin?"

Huminga muna ito nang malalim at sumandal sa upuan saka siya pinakatitigan. "Were you the one who got into an accident three years ago?"

Natigilan siya at umawang ang mga labi niya. She's not ready with the question but what the hell?

"Ikaw nga ba, Sassa?"

Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito pagkaraan ng mahabang sandali. "Ano naman ngayon kung ako nga?"

Tumigas ang panga nito. Even his stare intensified. "Lumapit sa akin noon ang nanay mo---"

"Diretsuhin mo na ako," putol niya sa sasabihin nito.

Matagal siya nitong tinitigan bago huminga nang malalim. "Sa akin na nakapangalan lahat ng lupa ninyo sa---"

"That's it!" Tumayo siya saka tinapunan ito nang nanunuyang tingin. "Magkano?"

"Hindi ko ipagbibili 'yun---"

Lumipad ang bag niya rito. "Sassa, calm down!"

"Calm down?!" Ibinato niya ang nahagip na ballpen dito. "Pagkatapos ng lahat, sasabihan mo ako ngayon ng calm down?! Ha?! Do you fucking hear you self, Julian?"

"Patapusin mo muna kasi ak---Aray! Crap! Will you stop it?!" Hinawakan nito ang balikat na tinamaan ng pen holder nito.

Hindi siya nakinig dito at dinampot niya ang photo frame sa may mesa nito saka hindi nagdalawang isip na pinalipad sa direksyon nito.

It freaking went straight to his face. Bull's eye! Julian cursed and hissed out of pain. Ngunit agad na nginatngat ng kaba ang dibdib niya nang makitang dumudugo ang mukha nito. From his left eyebrow, it ticked down the side of his face. Tarantang nilapitan niya ito. Iniiwas nito ang mukha nang tangka niyang hawakan. She forcibly cupped his face. "Sira ka ba? Bakit hindi ka umiwas?"

Mas lalo siyang nataranta nang hindi ito magsalita. "Nasaan ang first aid kit?"

"Cabinet."

Dali-dali niyang hinanap sa mga cabinets. "Nasaan? Hindi ko---"

"Sa baba ng coffee maker."

Pabalang niyang binuksan ang cabinet at laking pasasalamat niya nang makita ang hinahap. She quickly went back to Julian, to his hand, made him sit on the couch and started na do his cut just about his eyebrow.

Pinunasan niya nang bulak ang dugo sa mukha nito bago nilinisan ang sugat. She's so focused on attending his cut she didn't notice the kind of look he was giving her. Napa-aray ito nang madiinan niya nang hindi sinasadya ang sugat nito. Hindi rin siya na napansin na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha nito. When she's done, she looked at him. Napakagat-labi siya nang makitang may mantsa ng dugo sa puting long sleeved nito. Nanghihina siyang naupo sa tabi nito.

"Ayokong mag-sorry," ani niya sa maliit na boses.

She heard him sigh. "It's fine."

"Kasalanan mo naman, eh," she said then chuckled darkly. "Hindi ka umiwas. Ang tanga mo rin."

He didn't comment on that. The four corners of the room fell into a deep silence and just when she thought she could steal a nap, Julian spoke.

"It was stupid of me to bring that up." Napabaling siya rito. Nakatingin ito sa kisame na waring ang layo nang naabot ng mga mata nito.

How ironic! Kahit gaano pa kasakit ang nagawa nito noon sa kanya, still, he's the only man that could make her heart beat fast like she's just been to a race. Ito lang!

"I know I've caused so much pain...but would it be too much if I will ask for a second chance?"

Umawang ang mga labi niya. Paano napunta sa gano'n ang usapan?

"Julian?"

"Hmmm?"

"Mahal mo ba ang buhay mo?"

"Oo. Bakit?"

"Kung gano'n ay 'wag mo akong tatanungin ng ganyan kundi gigilitan kita nang leeg."

Nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi nito na naging dahilan naman ng mas lalong pagbilis ng tibok ng puso niya. Mabilis siyang tumayo. "Aalis na ako," saad niya saka tinungo ang pinto.

"Sassa?"

"Oh?"

"Have a date with me..."

"Tanong ba 'yan?"

"Hindi."

Binuksan na niya ang pinto. "Kung gano'n ay hindi ako payag." Then she closed the door quietly, ignoring the stare of his secretary.

Napangiti siya. What a handsome disaster!




Love lots,
Realice

In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon