Chapter 10

7.8K 212 1
                                    

"HERE, drink this." Julian handed her a cup of hot coffee.

Asar na kinuskus niya ang nangangating ilong dahil kanina pa siya bumabahing. Binalingan ang lalaking sanhi nang paghihirap niya ngayon. "Kasalanan mo ito, buwisit ka. Kapag ako hindi na gumaling---"

"Sassa, sipon lang 'yan," kalmadong saad nito saka humigop ng sarili nitong kape.

Pakialam ko!

"Kailan tayo babalik?" tanong niya habang inaayos ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Nilamig na kasi siya pagkaahon nila mula sa ilog. "Hinahanap na marahil ako sa trabaho ko."

"Wala kang trabaho, Sassa."

"Meron."

"Well, not in the present at least."

"Gagu..."

"Alam ko."

Lumipad ang tingin sa gawi nito at pinakatitigan bago ngumisi. Umangat din ang kamay niya upang haplusin ang makinis nitong pisngi. "You weren't kidding when you said you want me back?"

Magkasalubong ang mga kilay na tumingin ito sa kanya. "I don't kid, you know that."

Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi nito, clicking her tongue. "Hindi gano'n yun kadali, kabayan. At alam mo yan."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. He even mimicked her. Ayun nga lang at tuktok ng ulo niya siya nito tinapik. He was like tapping a dog's head. Pinalis niya ang kamay nito. "Sinabi ko bang puwede mo akong hawakan?" sikmat niya.

Ibinalik nito ang kamay sa hawak na kape ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Nakakainis!

Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka tinungo ang pinto palabas.

"Where are you going?" tanong nito.

She opened the door. "Out."

"Madilim na, Sassa."

"So?"

"May mga halimaw na gumagala sa gabi rito," pananakot nito.

Nilingon niya ito. Siyet! Ang guwapo! "Ha-ha. Patawa," wika niya saka asar na tumawa bago ibinagsak pasara ang pinto.

Agad na sinalubong siya ng malamig na hangin nang nasa labas na siya. Tiningala niya ang buwan na siyang nagbibigay ng munting liwanag sa paligid. Sumandal siya sa saradong pintuan saka kinawayan ang buwan.

"Amazing," bulong niya. "Haring buwan, puwede mo bang---Ay, kalapati!" tili niya nang biglang bumukas ang pintuan. Namalayan nalang niyang nasa mga bisig na siya ni Julian. Agad na kumawala siya dito at saka hinampas ito sa dibdib. "Ano ba ang problema mo?"

"Ikaw," amused na sagot nito.

Sassa rolled her eyes then once again turned her back on him. "Ba't ka ba laging nakasunod?"

"I just want to make sure you won't try to escape. Baliw ka pa man din mag-isip."

Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya rito. "Sapakin nalang kaya kita?"

Julian just shrugged his shoulders. Ngayon ay ito na ang nakasandal sa pinto at akapamulsa. "Halika," sabi nito.

"Ano?"

"I said come here."

Humakbang siya palayo. What the hell is he talking? "Ba't ko naman gagawin iyon?"

He sighed then stood straight then started walking near her. "A-ano'ng balak mo?" nauutal na wika niya. "Hoy, Julian, ha! Sinasabi ko sayo--" Hindi niya naituloy ang mga sasabihin nang makalapit ito nang tuluyan sa kanya at inayos ang kumot sa katawan niya. Nakatitig lang siya sa mukha nito habang ginagawa yun. Ang lakas na naman ng tibok ng puso sa simpleng gesture nito.

In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon