Chapter 3

9.3K 281 17
                                    

VAGUELY opening her eyes, she closed them again in an instant. Nasilaw siya sa liwanag. Nagpalipas muna siya nang ilang segundo bago binuksan muli ang mga mata. But she was startled to see a pair of grey eyes intently looking at her.

"Julian?" she croaked. Hinawakan niya ang lalamunan dahil medyo maga iyon.

He didn't move. Okay. Maybe she's just dreaming. She studied his face. Ang perpekto talaga nang mukha nito. Her brows furrowed when she noticed the cut on his lower lip. Instinctively, her finger touched it. Nanlaki ang mga mata niya nang ngumiwi ito. Napamura ito nang madiinan niya ang sugat.

She's not dreaming? Shitty shit!

Naitulak niya ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?" untag niya saka inilibot ang mata sa paligid. "At nasaan ako?"

"Hospital."

"Why am I in a hospital?" Gosh! Ayaw na niyang makapunta o makaapak man lang ng ospital habang nasa bakasyon siya.

She heard him sigh then studied her. "How did you get it?"

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

He motioned her knee. "Your knee injury. It's pretty bad," wika nito saka mataman siyang tinitigan.

Flashes of the accident came back to her, making her winced at the memory. Pumikit siya at hinilot ang kanyang sintido. "Wala ka na ro'n."

"You had an operation..." Seryoso ang boses nito.

"Yeah. So?"

"Bakit hindi ka nag-iingat?"

"Hindi ko obligasyon na ipaliwanag sa'yo ang mga bagay na nangyari o nangyayari sa akin kaya puwede ba? Huwag ka nang tanong ng tanong dahil wala kang makukuhang matinong sagot mula sa akin."

Ilang segundong binalot sila nang katahimikan bago niya ito muling narinig na nagsalita. "How have you been, Sassa?"

That question again! Sampalin nalang kaya kita?

"Fine." Iniwasan niya ito nang tingin.

Again, a deafening silence. Wala siyang balak makipagkumustahan dito. Bitter na kung bitter. Ayaw niyang maging plastik! Nakatingin lang ito sa kanya. Nakipagtagisan siya nang tingin dito. "Umalis kana. Hindi kita kailangan dito dahil kaya ko ang sarili ko."

"Sa---"

"Pinapaalam ko lang pala sa'yo na wala ka nang karapatang tawagin ako sa pangalan ko." Umiling-iling siya.

Umawang ang mga labi nito. Sinubukan niyang i-bend ang nasaktang paa pero masyadong masakit.

"Don't move," pigil nito nang pilitin niya.

"Bakit ba?" Pinandilatan niya ito nang akmang aalalayan siya. "Like I said, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"What are you doing?" napalakas na untag nito nang maupo siya sa kama ngunit hindi na ito nagtangka pang tumulong.

Inikot niya ang mga mata. "Getting out of this freaking hospital."

"No."

"Ano'ng no?"

He frowned at her. "Yes no."

"Gusto mong sipain kita ngayon sa balls?"

"You can't walk..."

"I can perfectly---" Natigilan siya at nag-panic. No. No. No. Tapos na siya sa gano'n. Ang sabi nang doktor noon ay wala nang problema. "Ano ba'ng sinasabi mo? Sisipain talaga kita sa balls," pagsusungit niya upang mapagtakpan ang kaba niya sa dibdib.

In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon