Schneider Acosta in the Multimedia
Chapter 1
--
Eina's PoV
"Teh, ano na plano mo sa buhay mo? You're already 27 frickin' years old! Wala ka paring asawa!" Reklamo ni Esther sakin. Tsss. Eto nanaman tayo.
"Masisisi mo ba ako? For that frickin' 27 years wala manlang magtangkang manligaw saakin! What do you expect me to do? Lumandi sa mga lalaki na hindi rin naman ako magugustuhan? You know me, ayaw na ayaw ko ng ganun." Irap ko kay Esther sabay asar na sumubo ng pagkain ko.
Andito kami ngayon sa Restaurant niya. Kasama pa namin ngayon ang iba pang mga kaibigan namin. We're all College friends.
And you know what? Ako nalang ang single sa aming lahat. Walo kaming magkakaibigan. Ewan ko ba, nakatali na din ako sa mga kaibigan kong mga 'to.
Haist, napapabuntong hininga nalang ako habang iniisip ang namumulaklak nilang mga lovelife na ipinagkait sa akin. Psh.
Si Esther, may asawa na at may anak na din. Siya dati ang naging kasama kong NBSB noon, lagi kong karamay na single lady. Not until she met her husband. Si Pio ang asawa niya. Nagkakilala sila mula sa isang kaibigan ni Pio. Nagsimula ang kwento nilang dalawa ng minsa'y inasar namin silang dalawa. Hanggang sa napunta sa seryosohan ang pang-aasar namin sa dalawa at nauwi na nga sa kasalan.
Si Faye, matagal na sila ng boyfriend niya at may plano na silang magpakasal. Si Faye ang pinaka maganda saaming magbabarkada. Maraming nagkakagusto sakanya during our college days actually, pero kahit na maraming nagkakagusto sakanya hindi niya pinansin ang lahat ng ito dahil sa sobrang inlove siya kay Ashton na isang varsity sa Uni namin noon, umaasa siyang mapansin siya nito. And in the end, napansin nga siya ni Ashton at inalok na din siya ng kasal.
Si Melai, may dalawa ng anak. At ang college sweetheart niya ang napangasawa niya. Naalala ko pa noong college days namin, sila ang laging magkasama kahit na meron kaming kaibigan niya. Ang sweet talaga nila sa isa't-isa. Laging nagsasabihan ng I love you. Not until they broke up for some reason. Pero sinuyo siya ni Jake ng ilang linggo, nagmakaawa din siya na magbalikan sila hanggang sa nagbati na nga silang dalawa. Si Melai ang pinaka-unang nagpakasal saaming magbabarkada.
Si Antoinette, may asawa na din at balak na din na magkaanak. Sa una, ayaw na ni Nette na pumasok sa isang relasyon dahil na trauma na ata siya dahil sa ginawa ng ex niya sakanya, nakabuntis lang naman ang gago niyang ex nung naging LDR sila. But it all changed when she met Rivas, kaklase namin sa isang Algebra subject noong college din kami. Si Nette ang naging tutor nito ng math at sa huli nagka-inlove-an ang dalawa dahil masugid na din na panliligaw ni Rivas.
Si Bevs, Asawa na din niya ang long term boyfriend niya. Siya naman ay nagsimula ang lovestory niya nung minsa'y napagtripan naming magkwentuhang magkakaroon kami ng Civil Engineer na boyfriend or asawa, at nakahanap nga siya ng isang Civil Engineering student sa university namin si Jonelle. Na love at first sight siya kay Bevs, nanligaw at yun na nga at naging silang dalawa. And Jonelle is a licenced Civil Engineer today.
And finally si Rina, na may anak na din sa asawa niyang foreigner. Si Rina ang pinaka mahilig sa foreigner saamin kahit pa noong college days namin. Mahiyain siya noon, pero naging approachable na din nung simulang napasama sa grupo ng mga foreigner. Hanggang sa nakahanap na din siya ng isang gwapong Arabian na humantong sa kasalan.
At ako? Ito, hanggang ngayon, single parin. Worst. Mas matanda ako lahat sakanila! Except kay Nette. Mas matanda siya saakin ng isang taon. But that's not the point here. The fact na mas bata sila saakin. Sila pa ang mas maagang nagpakasal, nagka-asawa at nagka-anak. Saklap. Sadlayp. Pighati.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Babies
General FictionCOMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STORY. READ AT YOUR OWN RISK! -- Have you ever tried doing the craziest stuff? Like looking for a damn g...