Chapter 14

179K 3.3K 245
                                    

Chapter 14

--

Eina's PoV

Maaga akong ginising ni Scheider para daw bumili na kami ng mga gamit na kakailanganin namin kapag pumunta na kami sa Baguio.

He said that we'll be there for two weeks, sabi niya din saakin na magbabakasyon na din kami doon.

"Saan ba tayong mauunang pupunta?" Tanong ko kay Scheider ng nasa mall na kami.

"We'll buy your clothes first, since your belongings most especially your clothes were caught on fire. "After that, hinila na niya ako papasok sa isang shop.

"Good Morning Mr. Acosta!" Bati agad ng mga sales lady dito sa shop, halos magtulakan pa silang lahat dahil gusto nilang sila ang mag-assist sakanya. Tumawa lang si Schneider, halatang gusto naman ni gago.

Psh. Landi pa more. Baka nakalimutan na niyang may kasama siya.

"Girls, let's not fight okay?" Ngiting asong saad niya. Mas lalo akong naiinis sa pinagkakagawa niya ngayon.

Itong mga haliparot naman na mga ito, pacute pa sila hindi naman sila pretty. Grrr. qiqil niyo si ako!

Well, whatever, ano pa bang bago kapag kasama ko siya.

Para hindi na ako tuluyang magalit kay Schneider, nagtingin tingin nalang ako ng mga damit na kakailanganin ko.

There are many clothes I wanted to buy, but damn. I gasped. Ang mamahal! That's why I never wanted to buy clothes in a shop like this. Hindi lang damit ang kailangan ko ngayon, now that I also have expenses needed for the reconstruction of my apartment, lahat ng ipon ko mapupunta lahat dun.

Lalong lalo na at dalawa ang aalagahan kop ag lumabas na sila.

Thinking about my future financial makes my head hurts.

"What's wrong?" Biglang tanong ni Schneider na nasa tabi ko na pala.

"Ah it's nothing." Binalik ko na yung damit na tinitignan ko kanina.

"You like that?" Tinignan niya yung binalik kong damit.

"Ah, h-hindi." Sagot ko nalang. Baka kasi ipakuha niya saakin, nakakahiyang sabihin kong hindi ko afford yung damit. And if he would pay for the clothes I will choose, magmumukha akong gold-digger.

I can already see it through the malicious gazes from the sales lady here.

Tinitigan lang niya ako, after that kinuha niya yung damit. "Try it on." Abot niya saakin.

"Huh? I thought I said I don't like it." HIndi ko tinanggap yung inaabot niya saakin.

"I can see right through you. Pili ka lang ng gusto mo dito. I'll pay all of it." He casually said then sat down on a couch. He would pay all of it?

I bit my lower lip. "No. Schneider, okay lang talaga." Ibabalik ko na ulit sana yung binigay niya saakin kaso nagsalita ulit siya.

"Pipili ka ng mga damit mo at ako ang magbabayad o ako ang pipili ng mga damit mo at ako mismo ang magsusuot ng mga yun sayo?" Seryosong saad niya saakin. Then suddenly ngumisi siya.

Tumayo na siya at lumapit saakin. "On second thought, I like my second suggestion." Abutin na sana yung damit pero nilayo ko sakanya.

"Hindi! Ako na! Kaya kong damitan ang sarili ko." I panicked then rushed towards the fitting room.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng fitting room and my face is red as a tomato. Nyeta kasi siya, nakakahiya pinaggagawa niya.

Hinga ng malalim Eina, don't fall for his charms, it's not like you're the only one who he acts like that.

The Playboy's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon