Epilogue

258K 5.1K 623
                                    

Epilogue

--

Eina's PoV

Tahimik ang buong paligid. Hindi kami nag-iimikan ni Schneider. Magkaharap kami ngayon sa sofa pero walang gustong magsalita.

"So you got her pregnant?" I asked, breaking the silence. Pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.

"I-I'm sorry." Yun lang sinabi niya. Kanina pa, yan nalang ang kanina pa niyang sinasabi saakin.

Pero yung dalawang salitang kanina pa niya inuulit, parang libo libong saksak sa puso ko.

"Akala ko ba mahal mo ako?" Wala na, hindi ko na mapigilan ang pagluha ko.

"Mahal naman kita eh." Tumingin siya saakin, ang mga mata niya ay puno ng hinanakit.

"Pero ano? Alam kong may pero jan sa sinabi mo." Bakit kailangan ko pang alamin? Masasaktan lang ako sa sasabihin niya.

"P-pero mas mahal ko siya Eina." Napayuko siya. "Mahalaga ka din saakin, pero mas mahalaga siya." Tumawa ako, hindi dahil natutuwa ako.

Tumatawa ako habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. "So siya ang pinipili mo? Hindi mo ako ganun kamahal kaya siya ang pinipili mo?" Sobrang sakit. Naniniķip na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

"I'm sorry." Yan nanaman tayo sa I'm sorry niya. Sawang sawa na akong marinig.

Kita kong tumayo na siya.

Kita kong inalis niya ang wedding ring niya.

He held my hand, nilagay niya doon ang singsing niya.

"Mas kailangan niya ako Eina. And she's waiting for me outside." Huling sabi ni Schneider at tumalikod na siya.

Tinalikuran na niya ako, tinalikuran na niya ang mga pinangako niya saakin. Ang pagsasamahan namin.

"Schneider!" Sigaw ko sakanya. Ang sakit. Hindi na siya lumingon saakin. Hanggang nawala na siya sa paningin ko.

Wala na. Iniwan na niya akong luhaan. "Schneider!"

Tuloy tuloy ang pag-iyak ko hanggang sa naramdaman kong may yumuyugyog saakin habang sinisigaw pangalan ko.

Suddenly I opened my eyes. The first thing I saw was the ceiling.

Ramdam ko ang luha ko sa mukha ko.

"Eina!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Schneider.

My hand automatically went to his cheeks. I gave him a pretty nice slap in the face.

"What the?!" I was breathing heavily, inis ang nararamdaman ko.

Pero nawala ang inis ko at nagsimula akong umiyak.

I wailed and kicked my feet like a kid.

"Manloloko ka! Bakit mo ako iniwan?! Gago ka! Tarantado! Hampas Lupa! Lahat lahat na!" Sinubsob ko ang mukha ko sa nga palad ko at tinuloy ang pag-iyak. "Akala ko ba mahal mo ako?"

I cried out loud.

Inalis niya ang mga kamay ko sa mukha ko at hinarap ako ng seryoso. Then hugged me tightly sabay inaalo. "Ano ba yang pinagsasabi mo? Ano ba yang panaginip mo at ganyan ka maka-iyak at manghampas saakin?" I stopped.

Panaginip?

Kumawala si Schneider sa yakap niya saakin para harapin ulit ako. "Itong baby damulag ko talaga oh." Pinunasan niya ang ilan pang luhang tumulo sa mata ko.

The Playboy's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon