Chapter 15

174K 3.1K 212
                                    

Chapter 15

--

Eina's PoV

I was in the passenger seat of Schneider's car. Papunta na kami ngayon sa Baguio, imbes na maexcite ako, nandito ako't nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang siya ang nagmamaneho.

"Hey, are you still not going to talk to me?" Panimula ng ugok na nasa tabi ko ngayon.

I side eyed him, nakita ko naman siyang nakangisi. 'Yung nakakainis na ngisi niya. Pasalamat siya nagmamaneho siya or else I would have made that mocking face of his to an agonizing expression.

Bahala siya sa buhay niya, kainis talaga tong mokong na 'to.

"You're still angry about that underwear thing that happened?" Natatawang tanong niya saakin.

I hissed. Puta! Pinaalala nanaman niya!

Sinong hinayupak na tao ang maglalagay ng gamit na brief niya sa bag ng ibang tao? That would be Schneider Acosta.

What happened last week was one of the most embarrassing thing that ever happened to me. And it's all thanks to this asshole sitting next to me!

All my friends, including their husbands and boyfriends put me in the hot seat. Kesyo kanino daw yung brief na yun, kung siya ba yung nakadilig saakin, kung siya ba yung ama ng dinadala ko at kung ano-ano pang mga tanong na nagpabaliw saakin noong gabing yun.

I tried my best not to spill the beans, hindi nila pwedeng malaman na kay Schneider yun. Never. If that happens. Then all my plans would be ruined.

Kasalanan niya lahat ito! Bahala siya sa buhay niya talaga, hindi ko siya papansinin! And I've been doing that to him for a week now. Although it was torture for me since siya nga ang pinaglilihian ko, kahit gusto ko siyang lapitan mas nangibabaw parin ang pagkainis ko sakanya.

"C'mon, I know you like it. Dapat pala sinali ko na din yung boxers ko dun." I gasped. Isa nalang talaga masasakal ko na to.

Hinga ng malalim Eina, Calm your nerves. Exhale.

"Or you don't like the brand kaya ka nagagalit sakin?" Argh! Enough with the underwear thing.

Gosh! Mapuputulan ko na talaga ng hininga ng wala sa oras itong ama ng mga dinadala ko.

"So? What brand do you like-"

"Ugh! Would you stop it?!" I finally spoke, glaring at him.

"Finally, pinansin mo na din ako." Tuwang tuwang saad pa niya.

Inirapan ko nanaman siya.

He chuckled. "This won't do." After that he parked the car. He unbuckled his seatbelt at lumabas ng sasakyan niya.

Tinignan ko siyang patakbo papunta dito sa passenger's seat. Pinagbuksan niya ako.

"Why did we stop?" Kumunot ang noo ko.

"Giving you some fresh air and peace of mind, hindi yung buong biyahe natin bugnot na bugnot ka." He shrugged and extended his arm to me.

Inabot ko naman ang kamay niya at hinila na niya ako palabas sa kotse. Nang makalabas na ako, tinignan ko yung paligid. All I see was trees on the left side and on our right was a beautiful sight of mountains.

The sky was beautiful, I see mountains pati na din yung mga ulap sa tuktok ng mga bundok, it was a breathtaking view.

Mas nakadagdag sa paggaan ng loob ko ang simoy ng hangin, since ang nakapaligid saamin ay mga puno at iilan lang mga sasakyang dumdaan, it was a whole lot different sa hangin na lagi kong nalalanghap sa siyudad.

The Playboy's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon