Chapter 22

169K 3.3K 318
                                    

Chapter 22

--

Eina's PoV

Pinanliitan ko ng mata si Schneider na para bang may kasalanan siya while he's not paying attention to me since he was too drawn on the lunchbox I brought for him na nilapag na niya sa table.

We were both sitting on the couch here in his office.

Kuminang yung mata niya nung nakita na niya 'yung ulam 'yan. "Menudo, nice!" Tumingin siya saakin at nawala ang ngiti niya.

"What did I do?" Takang tanong niya.

Mas lalo ko siyang pinanliitan ng mata. "'Yung secretary mo, may namamagitan ba sainyo?" I asked suspiciously.

He shook his head a little aggressively. "Wala. Why would you even conclude to that."

"Ayaw ko kung paano niya ako trinato. She was so unprofessional." I honestly said na naiinis at humalukipkip.

Muling sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "Don't mind her okay? Akala niya siguro lalandiin mo ako." Natawang sagot niya saakin.

I snorted sabay turo sa sarili ko. "Ako? Lalandiin ka? Sa suot kong ito sa tingin mo manlalandi ako ng isang tao? Maniniwala lang ako kapag suot ko ngayon ay kita kaluluwa ko." Sumandal ako sa couch.

Mahinang napatawa si Schneider. "Then will you wear something like that?" He asked playfully.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, gusto mo bang nakasuot lang ako ng shorts at spaghetti strap na sando ngayon?" I joked. But of course I won't do that. Sa lagay ko ba naman ngayon.

Napatingin pa siya sa kisame na parang may iniisip. And I saw how his face turned dark. "Don't ever wear something like that." Problema nito?

"Pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Kapag ikaw lumabas na ganun lang ang suot mo, ikukulong talaga kita sa kwarto natin." He growled.

I laughed at his behavior. "Kain ka na nga lang diyan!"

Sinunod naman niya ang sinabi ko at sinimulan na niyang kumain, paminsan minsan naman ay sinusubuan pa niya ako.

Okay. Ito nanaman ako, kinikilig at umaasa.

"Thanks for the food!" Schneider exclaimed when he finally finished his lunch. Uminom muna siya ng tubig sabay humiga siya and rested his head on my lap.

I looked at him while his eyes were close then I run my fingers through his hair. Hanggang sa naka-idlip na siya.

"Gusto sana kitang ihatid pero madami pa akong gagawin since madaming naiwang papeles dito nung nasa Baguio tayo." He pouted.

Hala, ang cute cute niya talaga. Parang gusto ko tuloy siyang halikan sa labi, kaso pinigilan ko ang sarili kong gawin 'yun.

Hindi ko alam kung paano ko napipigilan ang sarili, pero nagpapasalamat nalang ako na ganun ang kaso.

He held my hand. "Hatid nalang kita kahit hanggang sa labas lang ng building." Suhestiyon niya.

I smiled at him and shook my head. "Okay lang naman, alam ko naman sobrang busy mo ngayon, dito ka na. Kaya ko namang umuwi no, hindi na kaya ako bata." Sabay tawa ko.

Isang minuto din kaming pinipilit ang gusto namin at sa huli ako rin ang nasunod.

Lumabas na ako sa office ni Schneider, ramdam na ramdam ko naman ang mga titig nila saakin especially the secretary who's shooting daggers at me.

Umirap nalang ako dahil pagkalabas ko palang sa office ni Schneider ay mga titig at panghuhusga agad ang sumalubong saakin.

Mas minabuti kong hindi sila pansinin baka ano pang mangyari saakin kung papatulan ko sila.

The Playboy's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon