piptiieyt [Narration]

663 43 8
                                    

Alice Kim Point of view

Nagkita kami ni Hermes dito sa may Park sa likod ng School namin.




"So anong plano alice?" Tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim at ngumiti.




"So ganito, kailangan natin yung tulong ni iba pero sayo ko muna sasabihin, first......." Paliwanag ko sa kanya. Tango lang siya ng tango. After kong maipaliwanag ang lahata hinatak niya ako bigla at naupo kami sa bench.




"You know what? Travis is really lucky to have you, ang effort ng plano mo ha." Sabi niya. Napangiti ako.






"Syempre, Si Alice Kim yata 'to, ang nagiisang babaeng nahulog sa taguling dahil sa kaaisip sa bestfriend niya." Sabi ko habang nakangiti.






"Teka, Si Travis ang dahilan kung bakit ka nahulog sa taguling?!" Gulat na tanong niya sakin. I nodded.





"Alam mo kasi, that time, iba na ang feelings ko kay Travis, i was thinking kung tama ba yung nararamdaman ko, tama ba na mahalin ko bestfried ko o tama ba na angkinin ko siya tapoa hindi ko napansin na may taguling na pala sa harap ko kaya ayun nahulog ako, hindi ko naman alam na nakita ako ni Travis nun.. pero dahil sa pang-aasar niya mas lalo akong nahulog sa kanya, ang cute niyang mainis at mang-asar, kaya nung sinabi niya saking mahal niya din ako natuwa ako nun eh, tuwang tuwa ako..." Kwento ko sa kanya.



Siguro kung di dahil sa pagkakahulog ko sa taguling nayun hindi kami magkaka-aminan ni Travis..






"Pero, Hermes, may malaki kasi akong problema at hindi ko alam kung makakaya ko pa, ayokong iwan so Travis eh, ayoko." Sabi ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.






Pinapatahan niya ako pero wala talaga. "You can talk to me alice, hindi ko ipagsasabi kahit kanino." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at tumango.







"Diba lagi mong napapansin na puro pasa ako pero hindi naman nasali sa mga sports sa school, hindi rin ako nakikipag-away, napansin narin ito nila Jaeso eh kaso ang sabi ko sa kanila natamaan lang ako ng bag at saktong meron ako pero ang totoo.... may sakit ako.." Sabi ko sa kanya. Nanlaki bigla ang mga mata niya.




Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.





"Sakit? Anong sakit? Kaya kaba aalis kasi magpapagamot ka? Magpapagaling ka?" Sunod sunod na tanong niya. Yumuko ako at umiyak ng umiyak.






"Sana nga gumaling pako, sana nga makabalik pako, sana hermes sana... pero mukang hanggang sana nalang ako.." Sabi ko sa kanya, bigla niya akong niyakap. Umiyak lang ako ng umiyak.



----


"Malandi kang babae ka, may Travis kana may Hermes kapa! Akin lang si Travis! Sisirain ko kayong dalawa!" Sabi ng isang babae habang pinipcturan sina Hermes at Alice.



Mawawala karin sa landas namin ni Travis, Alice.

***

alice ➵ lee taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon