sebentiiseyx | narration

732 49 4
                                        


Travis's POV

After nung post ko ng picture namin ni Alice hindi na siya nagparamdam sakin. Hindi narin siya pumupunta sa condo, buwan na ang nakalipas magmula nun. Sa maniwala kayo sa hindi bukas na ang kasal namin.. bukas na dapat pero hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam sakin.




Biglang nag ring ang phone ko at nung tinignan ko ang caller id. Si Nath ang tumatawag.

Hello?

Travis... Travis... Sorry..
(Sabi niya sa kabilang linya)

Nasan si Alice? Bakit hindi na siya nagpaparamdam sakin?

Nandito siya sa ospital, she's dying... She needs you..

Saang ospital yan? pupunta na ako!

Dito sa St.Lukes Hospital. Room 312 bilisan mo Travis... Bilisan mo..
(Sabi niya bago niya inend yung tawag. )

Nagmadali akong pumunta sa hospital kung nasan siya. Nung makarating ako ay hindi na ako nagtanong pa at sa may hagdan ako dumaan. Hingal na hingal akong nakarating sa floor kung nasan ang room niya, agad akong pumasok sa loob at nakita ko si Alice na nakahiga sa hospital bed at may nakakabit sa kanyang oxygen. Mas lalo akong nagulat nung makita ko ang suot niya.


She's wearing a white gown at ayos na ayos siya. Napatingin sakin si Nath. She bitterly smiled at me.


"She doesn't really want you you to know, before you came here in england she was writing letters, at kahit nung dumating ka, bawat gabi nagsusulat parin siya, i think she's writing letters for you. It's in here." Pagkasabi niya nun ay may binigay siya saking isang treasure box na kasing laki ng lalagyan ng car tools.



Dear Travis,

From Love Alice

Yun ang nakaukit sa harap ng treasure box. Napatingin ako kay Alice. Ang ganda niya, pero bakit nasasaktan ako? Ang sakit sakit. Binaba ko ang hawak ko at dahan dahan akong lumapit sa kanya.


"Kelan niya pa suot ito?" Tanong ko kay Nath.

"Ngayon lang, sabi niya kasi sakin, pag hindi siya nagising before ng kasal niya, isuot ko na sa kanya ang gown niya at ayusan na siya, hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun eh pero ginawa ko, ang ganda niya, sana magising na siya." Sabi ni Nath habang umiiyak.



Hinawakan ko ang kamay ni Alice at tinitigan ko siya. "Alice naman eh, bakit hindi mo sinabi agad? bakit hindi mo pinaalam sakin? Bukas na ang kasal natin eh. Bakit ngayon pa..." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.


***

Hindi ako umalis sa tabi niya hanggang mag-umaga. Nakasuot ako ng Suit ngayon kahit na nandito ako sa ospital, si Alice lang ang mahal ko. Siya lang. Hawak hawak ko ang kamay niya na may suot na singsing. Para sakin kasal na kami. Para sakin asawa ko na siya.



Habang nakatingin ako sa kanya hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Nagulat ako nung biglang dumilat ang mga mata niya at biglang nag kurba ng ngiti ang labi niya, dahan dahan siyang tumingin sakin.




"T-tra-vis... So-rry..." Sabi niya kahit nahihirapan na siya. Ngumiti siya. "I-- lo--ve... you... T-trav--is ko.." She said. Pinikit niya ang mga mata niya habang nakangiti parin siya.



Biglang dumiretso ang line dun sa monitor. Hindi na siya humihinga, hindi narin tumitibok ang puso niya.. Hindi!


Agad kong pinindot ang red button na nasa gilid ko. Hawak hawak ko parin ang kamay ni Alice. "Alice wag naman oh! please wag!" Sigaw ko. Dumating ang doctor at mga nurse. Pinalayo nila ako at ginawa nila ang lahat para lang mabuhay ai Alice pero walang nangyare. Wala na talaga siya. Napa-upo nalang ako sa sahig. Bakit ganun? Sobrang bilis ng mga pangyayare? Bakit ngayong araw pa? Sa araw pa mismo ng kasal namin? Bakit?







Alice? Bakit moko iniwan? Hindi ko kaya ng wala ka sa tabi ko. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita eh.

***
A/N: oo sige alam ko. Patayin niyo na rin ako. Sorry na. Huehue. Ito ang plot na nasa isip ko eh. Di bale may book 2 naman ito. Maikli lang at letter series naman iyon.

alice ➵ lee taeyongMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon