Travis

798 50 6
                                    

Dear Travis,

Siguro wala na ako sa oras na nababasa mo ito, sorry kung hindi ko sinabi sayo. Sorry kung iniwan kita. Basahin mo mga sulat ko sayo ha? Wag mo na ring aawayin si Aiki, napatawad ko na siya :) Travis, Sana kahit wala na ako maging masaya ka parin, sana makahanap ka ng panibagong wonderland mo at panibagong alice ng buhay mo. :) Travis Lee. Mahal na mahal na mahal ka po ni Alice Kim at ako yun. Sorry kung wala na ako sa tabi mo. Sorry Travis ko. I'll always be in your heart. Always... And forever. :) Travis... Sorry. I love you :)

Truly Yours,
Alice Kim

***

Napangiti ako sa nabasa ko. "Pabo, hindi kita ipagpapalit kahit na tumanda pa akong binata." Sabi ko habang hawak hawak ang sulat niya para sakin. Ito kasi ang nasa pinaka ibabaw eh.

Ilang buwan narin ang nakalipas simula nung mawala siya sakin. Nandito ako ngayon sa puntod niya.

"Alice Kim-Lee." Pagbasa ko sa lapida niya. Bago ka mawala hindi manlang kita nasagot.

"Alice, I Love you too. Mahal na mahal din kita." Sabi ko habang nakaharap sa puntod niya. Niyakap ko ang teddy bear na binigay ko sa kanya.

Hindi kita ipagpapalit sa iba Alice, Kahit na tumanda pa akong binata hinding hindi. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay..

Ngumiti ako at tumayo. "Yosh! Babasahin ko pa ang ibang letters na sinulat mo. Alice ko, alam mo bang isa palang ang nababasa ko? Ngayon ko lang binuksan ang Treasure box na binigay mo. Ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob eh." Sabi ko. Bago ako umalis sa puntod niya ay nag-iwan ako ng mga bulaklak. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.


Lagi akong babalik sa lugar na ito Alice, Lagi kitang dadalawin dito. Hindi ako titigil. Ikaw lang ang nag-iisang 'Alice' ko.

---

T H E  E N D

alice ➵ lee taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon