Alice Kim Point of view
Nag-iimpake nako ng mga gamit ko dahil mamaya na ang alis namin. Yes, i lied. Sabi ko bukas pa pero ang totoo mamaya na talaga. Pagkatapos mai-chat si Hermes na tuloy ang plano mamaya.
It's already 1:00 am in the morning at gising parin ako.
Bakit ganun? Bakit ganun siya?
"Bakit hindi manlang niya ako hinayaang magpaliwanag? Bakit?" Sabi ko sa sarili ko habang nagiimpake.
Alam kong magiging maayos ang surprise mamaya para sa kanya. Sayang, dahil sasagutin ko pa naman sana siya para hindi na siya maagaw ng iba ang kaso lang...
Mukang hindi na mangyayare yun.
Tangina mo bes, ikaw yung mahal ko eh, tangina mo talaga travis mahal na mahal kitang lalaki ka...
***
Lali Manoban Point of view
Alice Kim
active 9 hours ago
Lali: ALICEEEEEE!
Lali: nasan kana? pupunta ka diba?
Lali: dapat nandito ka! Alice!
Lali: alice... nasan kana ba?
I turned off my phone. Nasan naba siya? any minute now darating na si Travis eh bakit wala pa siya dito?
"Hermes nasan ba si Alice? Bakit wala pa siya?" Tanong ko kay Hermes na matabi ko ngayon.
"Hindi siya makakapunta, basta tuloy 'tong surprise kahit anong mangyare." Sabi niya. Napanganga nalang ako.
What?! Hindi siya makakapunta? Eh siya nga nagplano ng lahat nang 'to tapos siya wala dito?! Aish.
"Andiyan na sila!" Sigaw ni Rosie. Naghanda na kami ni Hermes. Kinuha ko yung tab ko at yung remote.
Sa sobrang effort ni Alice ewan ko nalang kung hindi pa si Travis dito kingina niya.
Naghanda kasi si Alice ng isang engrandeng party, but syempre para sa kanila dapat ni Travis pero mukang para samin na.
There's a big screen sa stage tapos puro bulaklak ang paligid namin, may red carpet pa. May mga pagkain sa gilid at may mga lamesa, akala mo naman ikakasal sila dahil sa concept ng lugar na'to. May music pa.
Nang makarating na sila dito ay nakita naming naka blindfold si Travis, nung makarating sila sa gitna ay nagsilayo sila kay Travis at nandito kami sa gilid.
"Wag mo munang tatanggalin ha. Si Alice ang nagplano ng lahat ng 'to. Sila ni Hermes." Sabi ni Jaeso. Napansin kong nag clench ang kamao niya.
"Nung isang araw, nagkita sila ni Hermes sa park para pag-usapan ang lahat ng 'to at nung nakarating kami doon umiiyak si Alice, we asked her kung anong problema pero sabi niya wala, then sinabi na nila samin ang plano." Paliwanag ni Rosie.
"Sabi ko nga lagot siya dahil magkayakap sila ni Hermes pero tumawa lang siya, siguro kung ano yung kasama niya yayakapin ko din siya dahil ayokong nakakakita ng isang cute na babaeng umiiyak." Sabi naman ni Casper.
Huminga ako ng malalim. Pinindot ko yung nag-iisang button na nandito sa remote.
A song played at tinanggal niya yung blindfold niya. biglang niyang nabitawan yung panyo.
Nag-stop yung music at nag play yung video.
"Hi Travis ko! Hahaha. Siguro nagtataka kung bakit may ganito kaming pakulo no? Alam mo kasi mahal na mahal kita kaya ko ginawa 'to. Magkasama naman tayo kaso nahihiya ako eh, tanda mo paba yung mga araw na lagi mokong inaasar dahil nahulog ako sa taguling nun? Hahaha tapos yung french lesson natin, tapos yung tampuhan natin, alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nahulog sa taguling nun? kasi ayaw mong mawala sa isip ko at iniisip ko na tama ba yung nararamdaman ko para sayo, pero masaya ako dahil mahal mo din ako. Travis, alam ko wala pang isang buwan ang panliligaw mo sakin pero ayoko kasing maagaw kapa ng iba sakin kaya......" nahinto yung video dahil siya mismo dapat ang magsasabi nung huling part.
Napatingin kami sa kanya. Napayuko siya bigla. Teka, parang may mali eh.
"Teka nga travis, nag-away ba kayo ni Alice?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sakin. Mukang oo.
"Inaway ko siya, may nasabi akong hindi maganda sa kanya, hindi ko siya hinayaang magpaliwanag, ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!" Sabi niya. Nagulat kami nung bigla siyang tumumba sa sahig. Sinuntok siya ni Hermes.
Pinigilan nila si Hermes at tinulungan nilang tumayo si Travis.
"Oo ang tanga mo! Alam mo bang... alam mo bang may sakit siya?! Alam mo bang baka hindi na siya makabalik?! Syempre hindi! Kasi hindi mo siya hinayaang magpaliwanag sayo! Ano bang problema mo ha?! Dahil ba sakin?! Pinalaya ko na nga siya dahil mahal na mahal ka niya eh! Wala ka bang tiwala sa kanya? Ang laki mong gago!" Sigaw ni Hermes kay Travis.
"Nasan si Alice? Nasan siya?!" Sigaw ni Travis.
"Nasa bahay nila. Tsk." Binitawan na nila Taeil oppa si Hermes.
"Wala na si noona sa bahay nila." Sabi ni Jisung. Napatingin kami sa kanya. Kumunot ang noo namin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong namin sa kanya.
"Nakaalis na yung eroplanong sinasakyan ni noona, papunta na siyang london." Sabi niya.
Napatingin ako sa malaking screen, yung muka niyang nakangiti at masaya...
Alice naman eh... bigla kang nangiiwan.
***
BINABASA MO ANG
alice ➵ lee taeyong
Short Story❝mahuhulog ka nalang sa taguling pa, edi sana sakin ka nalang nahulog sasaluhin pa kita.❞ - Travis taeyong x jennie | 081416-091616 | nct chat series [ COMPLETED ] 🌸BOOK II - dear travis (COMPLETED) epistolary | narration
