(POV parin po ni Gelo)
"Gelo! Teka!" sigaw niya.
"Gelo! Uy! Saan mo ba ko dadalhin?!" sigaw parin niya.
Nakakatawa talaga to. Kung makareact kala mo kinidnap eh. o kinidnap ko nga? XD
"Basta! tumakbo ka nalang! haha." sagot ko
"Eh, pano sila Riza? hinihintay nila ako!"
"Nakapagpaalam na ako sa kanila tsaka nasa labas na tayo ng school. di kana pwede bumalik :P"
"Ewan ko sayo!"
Nginitian ko lang siya. Natutuwa talaga ako. Ang sarap ng feeling na kasama mo yung gusto mo. hawak mo yung kamay niya. kasama mo tumakbo. ang bakla. tae.
................................
"Playground?" tanong niya sakin nung nakarating kami.
"Ano gagawin natin dito?Maglalaro? Ano tayo, bata?" patawa na sabi ni Lia
Nginitian ko siya at dumiretso sa swing. umupo ako don at tumingin sa itaas.
"Nung bata ako, pag umiyak ako o malungkot. Dito ako lagi dinadala ng mama ko. Siyempre bata mahilig maglaro..."
Tumingin ako sa kanya. Nakaupo na siya dun sa swing na katabi ko.
"Isang beses, nung umiiyak ako dinala niya ako dito. Pinaglaro niya ako. Tapos nung tinutulak niya ako sa swing may sinabi siya sakin. Tumingin lang daw ako sa itaas, sa langit. Ipikit ang aking mga mata at irelax ang isipan. Syempre bata, masunurin pa. Pumikit ako, iba ang pakiramdam. yung hangin ramdam ko tapos wala akong iniisip. relax na relax yung utak ko. pakiramdam ko lumulutang ako. ang bakla. haha. pero tama ang mama ko, hindi ko naisip pa kung bakit ako umiyak nung araw na yon... "
Nilingon ko siya.
Ngumiti ako dahil nakapikit siya at nakatingala. Ibinalik ko yung tingin ko sa taas..
"..Pero ngayon mag isa nalang ako pumupunta dito.."
"Bakit? Nasan mama mo?"
"She passed away. Colon cancer..."
"I'm sorry" tumingin siya sakin.
"It's okay. pag tumitingin naman ako sa taas pakiramdam ko kasama ko pa din siya. I can feel her presence."
"Buti pero creepy ha. nararamdaman mo ba siya ngayon? ha?!" natatarantang tanong ni Lia
"Ang galing mo naman. nararamdaman mo ba? hm. siguro, gusto ka ni mama. Dyan sa swing na yan kami lagi eh."
"Eeeeeh?! Gelo naman! wag mo kong takutin!"
"Hahahaha. Joke lang."
"He! hmp *pouts*"
"Joke lang. wag kana magalit, please?"
"Hmm. Okay kung itutulak mo tong swing ko."
"Haha. Yes, boss!"
Tumayo ako at pumunta sa likod niya. Sinimulan ko nang itulak siya ng mahina.
"Di ka ba nagtataka kung bakit kita dinala dito?"
"Hmm. gusto mo nang kasama sa pagpunta mo dito? ay, wait. edi may problema ka?"
"Haha. Wala, wala. Napapansin ko kasi yung nangyayari sa inyo. Kaya dinala kita dito."
"........."
"Okay lang kahit ayaw mong sabihin. Pero sana hindi kita nakikitang malungkot. Di kana nasabay samin ngayon. Nalulungkot rin kami no. Parang si Zach lang ang hanap mo. Masakit!"
BINABASA MO ANG
Twist of Fate: It just so happens (On hold)
Teen FictionYou'll never know when those sparks tingle to your bone. You'll never know that he/she's the one. You just felt an emptiness inside to which you could not relate. In the end, you'll realize it was brought by a simple Twist of Fate ;)
