< Chapter 10 > Roommate?! Hell no!
\ Adrian's POV /
"Hangga't masaya ka, masaya ako para sayo. Wag mo lang sana ipagdiinan na hindi na ako yung mahal mo. Pinapamukha mo pa kasi na mas masaya ka sa kanya kesa sa akin eh."
Nandito ako ngayon sa garden ng school. Ano yan? Yan lang naman ang huling sinabi ko kay Vanessa at pagtapos nun ay tinigilan ko na sya at hindi na kami nagkita pa.
Hindi ko alam kung bakit ko ulit naiisip yang bagay na yan. Siguro dahil namimiss ko na sya. Dahil mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. I still love her that much kahit alam kong she's not happy with me anymore.
Siguro kaya nagflasback sa akin yang line na yan kasi sign na yan ni God para ako naman ang sumaya. Pag nakahanap kaya ako ng bago, magiging masaya na rin ba ako?
"Pst Adrian!" May kumakalabit sa akin. Hala. Baka eto na yung pinadala sa akin ni God na makpagpapasaya sa akin. Sino kaya ito? Hihi
"Uy!" Harap na kaya ako?
Eto na. Haharap na..
1..
2..
3..
O__O
Medyo nagulat lang ako.
Di ko kasi ineexpect kasi di naman kami close nito. Kahapon lang kami nagkakilala.
Kala ko pa nman si Alexa na.
"Oh bakit Ahya?"
"E bat parang gulat ka?"
"Ah wala. Oh bakit pala?"
"Wala, hahanapin ko lang sana sayo si Alexa, wala sa room nyo baka kasama mo kaya sayo ko hinahanap."
Oo nga. Di ko napansin si Alexa.
"After ng lunch break, di ko na sya nakita eh. Try mo icheck sa canteen, baka nagpapalibre. HAHAHA"
Bigla syang nagtaka. Ang cute pala niya, ngayon ko lang napansin.
"Ok sige. Una na ako ha. Bye!"
"B--" Hindi na nya ako pinatapos, umalis na agad sya.
\ Alexa's POV /
Andito ako sa library, natripan ko lang magbasa at mag advance study para sa next lesson namin. Mag-isa lang ako sa table na may apat na upuan.
Nagbabasa ako nang biglang may umupo sa tabi ko bsta-basta ng walang pasabi at nilapag yung libro nya sa table.
"Ah excuse me! Ang bastos mo nam--" Hindi ko na natuloy yung sinabi ko kasi pagharap nya ..
"I-ikaw yung playboy diba?"
"Sama naman ng term mo. Steven ang pangalan ko hindi playboy."
"Steven o playboy ganun din yun! Walang pinagkaiba. Tsaka ang bastos mo naman, bigla-bigla kang uupo ng hindi nage-excuse."
"Sayo ba yung upuan para magpaalam pa ako ha?" Aba ang yabang talaga!
"Whatever!"
"Alam mo ba na ikaw lang ang kaisa-isang babae dito sa SEU na sinusungitan ako? Lahat sila nagkakandarapa mapansin ko lang sila tapos ikaw ganyan ka sa akin?"
"Wala akong pake kahit buong mundo habulin ka! Leche!" Totoo naman eh, sino ba sya para habulin ko?
Pare-pareho sila! Tulad lang sila ni Jayden na nang-iiwan!
At aba! Infairness, may binabasa syang libro.
Yun nga lang Guinness Book of World Records ang binabasa. tapos nakatakip sa mukha nya.

BINABASA MO ANG
Manhater's First Love
Teen FictionFinding the RIGHT PERSON is actually the biggest challenge one ever faces in the name of LOVE. What will happen if a MANHATER and a HEARTBREAKER will collide? Can they change each other's perspective about LOVE?