Chapter 7: The result

2K 20 0
                                    

Chapter 7 > The result

Annika's POV / 

"Annika Hija?" Ginigising ako ni Nay Lida. Bat kaya?

"Oh Nay bakit ho?"

"E bakit dyan ka natutulog sa sofa? Pumanik ka na sa kwarto mo at dun mo ituloy ang tulog mo. Hindi na kita napansin kagabi kasi maaga akong nakatulog. Hindi ba't dito rin natulog si Ahya?" Oo close din sila ni Ahya, madalas din kasi si Ahya dito kaya eto si Nay, bumabagets dahil sa amin. 

"Eeeeh, aaaah ano nay kasi .." Hala anong sasabihin ko kay Nay Lida neto? Ayoko naman sabihin na dahil sa umiyak ako kagabi dto sa living room kaya nakatulog ako.

Kung alam ni Nay Lida yung tungkol sa nakaraan namin ni Jayden? Oo. Madalas si Jayden dito sa amin nung kami pa, kaya kilala sya ni Nay.Nakikita nya rin akong naiyak nun at dahil wala akong msabihan ng problema ko na nakatatanda sa akin, sinasabi ko kay Nay Lida. 2 yrs old pa lang ako at hindi pa pinapanganak si Alexa nung dumating si Nay Lida dito. At nung nanganak na si mom kay Alexa, after a year nagpunta na sila mom and dad sa Texas. Since then, bihira sila umuwi. Kaya ang parents ko ni hindi alam kung anong favorites namin ni Alexa. Ni favorite color or food hindi nila alam kasi lumaki kami ng wala sila. Uuwi sila Once in 2 years. 16 years na kaming sanay ng wala sila.

"Aaaaah ksi nay.. Ehhh. Ah! Nannuod ako ng teleserye dito sa baba e nakatulog ako. Tama! Nannuod ako." May palusot lang.

"E bat nangingitim yang paligid ng mata mo?"

Hala oo nga. Napuyat kasi ako, di ako makatulog kagabi kakaisip dun sa tnanong nila Ahya at Alexa kagabi.

"Kaya mo na bang palayain dyan sa puso mo si Jayden at magmahal ulit?"

"Kaya mo na bang palayain dyan sa puso mo si Jayden at magmahal ulit?"

"Kaya mo na bang palayain dyan sa puso mo si Jayden at magmahal ulit?"

"Kaya mo na bang palayain dyan sa puso mo si Jayden at magmahal ulit?" 

Nagpapaulit-ulit sya sa utak ko kaya ayun, nahirapan ako makatulog.

"Ah kasi nga nanuod ako ng teleserye kagabi e halos madaling araw na nung natapos. Kaya ayun."

"Annika hija walang teleserye na umaabot ng hanggang madaling araw. Wag mo ko lokohin. Anong problema anak?"

Patay. Eto na nga ba sinasabi ko eh, iniiwasan ko nga matanong eh.

"Kilala kita hija."

Ayoko ng maabala pa pati si Nay Lida kaya di ko na lang sasabihin.

"Ah onga pla Nay, may bagong newspaper na po ba?"

"Haaay anak. Sige kung ayaw mo sabihin. Fine."

"Naks! UmiEnglish kna ngayon Nay ha." Level up! haha

"Haha. Oo, may bagong deliver na. Kukunin ko ba? Handa na nga pla ang almusal maghilamos ka na at kumain."

"Sila Alexa at Ahya po ba tulog pa din?" Ano na kaya ginawa nung 2 yun kagabi nung umalis ako?

"Ay hindi ko pa natitignan sa kwarto." 

"Ay sige ho ako na lang ang aakyat."

Pagkaakyat ko para icheck yung dalawa .. 

O____________O

Bakit ganto kagulo ang kwarto ni Alexa? At tulog mantika pa yung dalawa.

Kumatok ako sa pinto.

"Alexa, Ahya" Ginigising ko sila, buti na lang hindi ako nahirapan gisingin.

"Oh ate?"

"Bumaba na kayo, ready na yung breakfast." 

Tumayo na ako at lumabas ng room para maghilamos. Then after nun bumaba na ako, pagkababa ko nakain na yung dalawa.

Alexa's POV /

"Ang bilis ah, basta pagkain talaga." Ayun nakababa na si ate.

"Naman! GoodMorning Ate Nic!" Bati ni Ahya kay Ate. Bungisngis? Haha. May pagtaas pa ng kamay ang loka. (^o^)丿

"Okay ka lang kagabi ate?"

Bigla akong siniko ni Ahya. And i was like, what's wrong with you? Pero huli na nung narealize ko na ayaw na pala ipaOpen ni Ahya yung nangyari kagabi nung Spin the bottle. 

"Okaaaay." Yun na lang ang nasabi ko.

"Ah ate Nic, how's your sleep?"

"Mmm, okay lang. Kayo anong oras na kayo nakatulog?"

" 2 am? Nagpillow fight pa kasi kami neto ni Alexa eh."

"Ah kaya pala napaka kalat ng room"

Ako nman deadma nlng, nagbabasa na lang ako ng newspaper habang nakain.

"Alexa paabot nman ng isang newspaper." Sabay abot ko kay ate nung dyaryo habang nakatingin pa rin sa newspaper.

Habang iniinom ko yung hot choco ko ..

O____________O

"Bwogsh!

Bigla ko nman nadura yung iiniinom ko. 

"Huy Alexa! Ano ba yan, iniimpersonate mo na ba ang fountain kaya nabuga ka na ng hot choco?"

Nakatulala pa rin ako sa nabasa ko.

"Huy Alexa! Ano ba yang binabasa mo at para kang magician dyan na nagbubuga ng apoy."

Hindi ko pa rin sila pinapansin.

Paano ba nman kasi nagulat ako sa nabasa ko.

List of new CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT. Board exam result.

300 din yung nakalista dun.

10. MS. ANNIKA KIRSTEN RAMIREZ

Manhater's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon