< Chapter 6 > Truth or Dare
~ Alexa's POV ~
"Okay Ahya, truth or dare?" Tanong ko sa kanya.
"Mmm. Dare nlng." Ano kayang magandang ipagawa dito?
"Ah! Ako may suggestion!" Biglang sumabat si ate. "Wait lang ha." Lumabas si ate ng room ko at bumaba.
Pagbalik ni ate ..
"Ate Nic ayusin mo yang ipapagawa mo ha." Natatawa ako kay bessy, halatang kinakabahan sya sa ipapagawa sknya ni ate. HAHAHA
"Oo naman. At dahil mahal kita Ahya, eto" inabot ni ate yung shot glass na may lamang vinegar.
"HAHAHAHAHAHAHA." Grabe! nakakatawa yun ah. "Mukhasim ka na nyan bessy. Nice one ate!"
"Ate Nic bat ganyan ka? Sige di na kita sasamahan manuod ng mga teleserye." Nkapout pa ang lips nya. Paawa effect? Haha
"O wag kna magdrama. Inumin mo na yan."
"Eto naman si bessy, may choice ka nman kung truth or dare eh. E kaso dare pinili mo. Ayan napala mo. Bleeeh!" Ang sarap asarin minsan ni Ahya. haha
At ininom na nga ni Ahya yung vinegar ng dire-direcho.
"And that's it! Oh ako na magsspin ha."
At pinaikot na nga ni ate yung bottle. At tumapat ito sa akin.
"TRUTH!" Pinangunahan ko na sila bago pa sila makapagtanong.
"Woaah. Wla pa nga kaming tinatanong eh. Haha. Okay ako naman magtatanong bessy!"
"Go ahead" sabi ni Ate.
"Kelan mo balak magboyfriend?"
"Mukha talaga kayong boyfriend ni ate!"
"Wag ka na magreklamo! Sagutin mo na lang." Isa pa tong si ate, ginatungan pa si Ahya.
"Next question!" KJ ko ba? haha
"Sasabunutan kita o sasagot ka?" Ang brutal ng bestfriend ko ha. Bestfriend ko ba talaga to?
"Sasagot na. Nagpapapakipot lang. Haha. Actually, wala akong balak. As in WALA." Oo, wala talaga. Ganun ako kagalit sa mga lalaki.
"Sis. Expect the unexpected. May mga bagay na kahit ayaw natin, tadhana talaga ang nagawa ng paraan. At once na tumibok yang puso mo, believe me. Nagiging tanga tayo. Dahil ang puso, tinuturuan tayo kung pano maging masaya at ang utak, tinuturuan tayo kung ano ang tama. Kaya't kung sakaling dumating man yung araw na hindi mo alam kung ano ang susundin mo sa dalawa, timbangin mo ang nararamdaman mo."
"Tama si ate Nic. Follow your heart sabi nga nila pero hindi sa lahat ng oras ha? Kasi ang utak, pinoprotektahan lang ang puso natin. Pero kung puro utak naman, hindi ka sasaya nyan."
SPEECHLESS ako dun. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila sa akin ang mga bagay na yan e hindi pa naman ako nagmamahal, at wala akong balak.
"Sis, kaya lang namin sinasabi ang mga to kasi alam namin dadating yung araw na magmamahal ka. Pinapayuhan ka lang namin, kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Malay mo pagnatuto ka ng magmahal, wala na kami ni Ahya sa tabi mo."
"Ateee!! Ano bang sinasbi mo?" Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni ate...
"Alam ko yang iniisip mo Alexa. Wala akong sakit gaga! Hinding hindi kita iiwan."
"Ang sinasabi lang namin ni ate Nic, hindi habambuhay nasa tabi mo kami."
"Tumigil na nga kayo! Pagbubuhulin ko mga buhok nyo eh" Nagbiro na lang ako kasi konti na lang maluluha na ako.
"Oh ako naman mag-iikot!" Inikot na nga ni Ahya yung bote.
"Ate Annika!" Sya ang tinapatan ng bote.
"Truth or dare?" Sabay naming tanong ni Ahya.
Ang tagal bago sumagot ni ate. "Truth na lang, baka bawian ako ni Ahya eh. Haha"
Nagbulungan kami ni Ahya.
"Huy! Bat kayo nagbubulungan?" Medyo worried na si ate sa itatanong namin. (・o ・;)
"Oh ate Nic eto na ang tanong namin. Kaya mo na bang palayain dyan sa puso mo si Jayden at magmahal ulit?"
Hindi nakibo si ate. Pero kami ni Ahya, nakititig lang sa kanya pareho at hinihintay ang sagot nya.
(・_・;)Ako
(・_・;)Ahya
Mahigit 5 mins. na kaming naghihintay sa sagot nya.
(・_・;)Ako
(・_・;)Ahya
Biglang tinignan ni ate yung wrist watch nya.
"Ay 7:30 na pla! Tara Ahya yung favorite teleserye na natin! Sa baba na lang ako mannuod, mas gusto ko yung TV sa living room kesa dito sa room ni Alexa eh."
Tumayo na sya pero kami sinusundan namin sya ng tingin pero nung nakarating na sya ng pinto bigla nya kaming nilingon.
"Hindi ko pa alam kung kaya ko pang magmahal ulit. Mahal ko pa si Jayden. Mahal na mahal."
At bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ni ate.
Tapos lumabas na sya at sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
Manhater's First Love
Ficção AdolescenteFinding the RIGHT PERSON is actually the biggest challenge one ever faces in the name of LOVE. What will happen if a MANHATER and a HEARTBREAKER will collide? Can they change each other's perspective about LOVE?