< Chapter 3 > Ate's DAKILANG EX
"Ate tara na! Bilis!" Bigla kong hinila si ate paalis ng pila. Pero mukhang hindi pa rin nya npapansin si Jayden kasi busy sya masyado sa phone nya.
"Oh bakit ka ---" Hindi na natuloy ni ate yung sasabihin nya kasi pagkatingin nya, nsa harapan na namin ang pinakamamahal nyang ex.
"Oh hi A-annika.K-kamusta ka na?" Natatae ba to or what? Bat sya nauutal? At isa pa, kapal nman ng mukha nya pra kamustahin pa ang ate ko pagkatapos nyang iwan.
"You!!! How dare you! Fvckyou!" Grabe! Bigla akong sumabog sa galit. Bumalik nanaman yung mga alaala na nangyari kay ate.
*Flashback*
"Ate! ate! May good n--" Papasok pa lang ako ng pinto ng bahay namin nang makita ko si ate na humahagulgol. 3rd year highschool pa lang ako nun at si ate nman 2nd year college.
"Huhuhuhuhu" ( !_! )
"Ate what happened?"
Hindi kumikibo si ate at patuloy pa ring naiyak.
"Ate! Speak up! Anooo?" Halos nagpapanic na ako kasi clueless talaga ako kung bakit naiyak si ate.
"I-iniwan nya na ako Lexa. Ayaw nya na sa akin. Huhuhuhu" Hala bakit kaya?
"Bakit daw?"
"Yun nga eh. Iniwan nya ako ng walang dahilan. Kaya di ko maiwasang magconclude kung bakit nya ako iniwan, kasi wla nman syang pinapaliwanag sa akin."
"Haa? Ang gulo ate."
"Yun nga eh. Nkipagkita lang sya sa akin kanina, may sasabihin daw syang importante. Ayun, ang huling salita na lang na narinig ko sa kanya, IT'S NOT YOU ANNIKA, IT'S ME. THEN I THINK, THIS IS GOODBYE tapos ayun iniwan nya akong nakatulala."
"Eh ate gasgas na yang line na yan eh."
"Huhuhuhuhuhu" Patuloy pa rin umiiyak si ate. Haaaaay. naawa ako sa kanya.
Di ako makapaniwala na magagawa ni Jayden yun. 3 years sila ni ate. Oo 3rd year highschool pa lang yata nun si ate nung naging sila. Mahal na mahal ni ate si Kuya Jayden tapos first boyfriend pa nya yun. Nagawa na nga syang lokohin nun dati eh. Nung nagkahiwalay sila ng school nung nagcollege sila, may nakilala daw si Jayden sa university nila at nahulog daw ang loob nya dun sa babae at sinubukang makipaghiwalay kay ate pero hindi ito pumayag kahit alam nyang patalikod syang niloloko nito, yun ang kwento sa akin ni ate. Pero nagawa pa nyang patawarin si Kuya Jayden kahit iyak sya ng iyak ng ilang gabi nun. Yun nga lang, naging cold daw sa kanya si Jayden pero kinakaya nya yun.
"Ate try mo kayang kausapin? Malay mo may di lang pagkakaintindihan?" Ayokong sanang maniwala kasi naging mabait syang kuya sa akin nung sila pa ni ate. Sya yung natulong sa akin pag may project ako mahirap. Lagi syang nadalaw sa bahay at pag nagddate sila ni ate, lagi akong inuuwian ng Burger and Fries, favorite ko kasi yun.
"Sinubukan ko na pero ayaw na nya talaga. Ang sakit sakit Alexa. Kinakaya ko lahat pra sa kanya pero bakit ganun?" Ate kung kaya ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo ginawa ko na. Kasi sya na rin ang tumayong magulang ko dahil sa busy nga sila mom and dad sa work. Kaya lumaki kami ng hindi naghihiwalay.
" Sige ate iiyak mo lang tapos matulog ka na ha? Bukas pag gising mo mababawasan na yang sakit." Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kitchen pero pagbalik ko nakatulog si ate, siguro dahil sa sobrang pagod na yung mata nya kakaiyak, ung utak nya kakaisip at ang puso nya, pagod na pagod na.
"Sige ate tulog ka na. Bukas magiging okay ka din" At kiniss ko sya sa noo. Tapos kinuha ko na lang ng blanket sa room nya then kinumutan ko sya kahit sa sofa na lang sa living room kasi ayoko na sya istorbohin.
*end of flashback*
"Alexa watch your words! Tara na umuwi na tayo." Hinawakan na ni ate ang kamay ko at hihilahin na sana pero bigla syang hinawakan ni Jayden sa braso.
"Annika."
"Let me go!" Nagpupumiglas si ate kaya binitiwan na sya nito.
Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Di ko alam kung maawa ba ako sa kanya o maiinis sa galit dahil sa ginawa nyang pag-iwan kay ate.
*Uuwi na kami at habang nagdadrive si ate ay may tumutulong luha sa mga mata nya. Alam ko galit at lungkot ang nararamdaman nya pero nandun pa rin ung pagmamahal nito para kay Jayden.

BINABASA MO ANG
Manhater's First Love
Fiksi RemajaFinding the RIGHT PERSON is actually the biggest challenge one ever faces in the name of LOVE. What will happen if a MANHATER and a HEARTBREAKER will collide? Can they change each other's perspective about LOVE?