A/N: Here's the new update. Thanks for reading. As much as I want to reach on you guys, pero wala na yung chat. HAHA In case you have some message for me. Iwan niyo nalang sa message box or sa inbox. Thanks!
***
Yun na ata ang pinakamahaba kong dinner sa tanang buhay ko. Tss Wala kasi ako bumanat, sinira ko yung mood. Alam mo yung ayos na, nandun na e. Pero wala. Tae
After sa KFC, lumabas na kami. Supposedly, ang plano ko. Makipagkwentuhan muna sa kanya, sabay maya maya pa kami uuwi. Pero dahil sa galing ko at sinira ko yung atmosphere, ito kami ngayon, naghahanda na palabas. Ang awkward namin.
One word conversation, yes or no. Kanina pa akong nanggigigil na kausapin siya. Itanong kung sino yung lalaking kasama niya sa ground floor. Pero feeling ko kapag tinanong ko yun, lalo kong sisirain yung pagkakataon ko.
“Ang mga babae, manloloko yan” Tss. Krios. Pumasok na naman yung sinabi niya. Tinignan ko si KG.
Sa pagtingin ko sa kanya, napangiti ako. Hindi ko lubos maisip na itong babaeng to. Na napaka-amo ng mukha. Na sobrang cute sa liit, ay magagawa akong lokohin.
Pero di ko alam kung ano dapat kong isipin. Andiyan si Niko, kahit balibaligtarin natin ang sitwasyon at kahit ayoko siyang nasa sitwasyon, hindi maiiwasan yun. Dahil masakit man, nagging parte na siya ng buhay ni KG.
Sabay pumasok pa yung lalaki kanina sa eksena. Yung yakapan nila, o kung ano man yung ginagawa nilang harutan sa hallway.
“KG. Ano ba talaga ako sayo? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Gusto mo bang paglaruan nalang din kita simula ngayon?” Yan na yung mga tanong na tumatakbo sa isip ko habang nakatitig ako sa kanya
“Bat ka nakakatitig? In love ka na sakin ano?” then she smiled. Ugh. Nabura lahat ng nasa isip ko sa ngiti niyang yun.
“Ngiti lang Red, nagpatalo ka agad. Wag ganyan!!” sabi ko sa sarili ko. Hindi na ako nagsasalita. Dahil wala naman ako masabi. Occupied ako sa mga thoughts na naglalaro sa isip ko.
Kung ano ba dapat kong gawin.
Bakit kasi ganun? Kung kalian, magseryoso na ako. Kung kalian, sisimulan ko na ang lahat, tsaka nagkalokoloko.
“huy!” nagising ako sa boses niya, kumapit siya sa braso at ngumiti ng pagkatamis tamis. “tara na?”
Bat ka ba ganyan?! Di kita maintindihan?! Lahat ban g lalaki na kasama mo, kinakapitan mo ng ganito?
Lahat ba sila, nginingitian mo nito? Gusto mo ba talaga ako? O ako lang ang may gusto sayo?
Nababaliw na ata ako. Kung ano anon a nasasabi ko. Kung ano anon a iniisip ko.
“Ikaw ata in love sakin e” Nasabi ko nalang. Di na nagana utak ko. Pero yun nalang lumabas sa bibig ko.
“Ano?” Sabi niya na nakadilat yung mga mata niya. Isa pa yan. KApag ginagawa niya yan ang cute niya, dahil may pagkasingkit siya. Nagmumukha tuloy siyang bagong gising tuwing nilalakihan niya mga mata niya.
“Sagot ko yan sa kanina. Hindi ako in love sayo. Ikaw ang in love sakin” sabi ko sa kanya. Narandaman ko nalang na humigpit yung kapit niya sa braso ko. Dahil dun, napangiti ako. Possible. Possible pa!
May gusto siya sakin. |Diba?! Nagreact siya e! Humigpit kapit niya, ibig sabihin may
“Hindi kita gusto.” Napatigil ako sa pagiisip ng narinig ko yun?
“Huh?!” natatawa ako sa sarili ko, ako naman siguro yungnanlaki yung mata. Di ko napigilan yung sarili ko na magreact agad.
“I have to go. Una na ako.” Bumitaw siya sakin sabay tumawid na at sumakay sa jeep.
Ako ito. Nakatulala. What the hell. Anong nangyari dun?!
*End of Red’s POV*
*KG’s POV*
Uggggh! Kairita! Ano nangyari! What to do! What to do!
Andito ako ngayon sa jeep. Anong ginawa ko. San nanggaling yun?!
AAAAAAAHH! Naasar ako. Naiirita ako!
“Iha, ayos ka lang ba?” tanong sakin ni lola. Hindi ko napansin, nakatingin na pala sakin lahat ng pasahero sa jeep. Habang ako, nakahawak ako sa buhok ko at sinasabunutan sarili ko
“Ah eh. Ayo slang ho., medyo Makati lang ulo ko” sabay ayos sa buhok kong nagulo.
ARRGGGHHH!
Isa lang masasabi ko. I ruined it. Sinira ko. Ako na naman may kasalanan!
KILL ME NOW!
BINABASA MO ANG
Semestral Love [On Hold/Editing Whole Story]
RomanceThis story is about the love felt in short period of time, how love struggles and breaks the promises from the past and how true love exist. This story is based from true happenings, characters names are changed due to privacy. Hope you enjoy this s...