Saan ako kukuha ng mga salitang pupuno sa istorya ko? Saan ako
kukuha ng mga ideyang papasok sa isip ko para maging makulay ang mga likha ko,
kung 'di ko pa sinanay ang sarili sa init ng bubong na gumigising sakin sa umaga ;
kung kailangan kong tanggapin na wala akong makitang magagandang bagay, kundi ang
bundok na basura sa tapat ng bahay namin. Paano ako susulat ng magandang kwento
kung ang naaabot ng mga mata ko ay ang kaypangit na paligid ng iskwater? Paano ko
maipapabatid ang bawat sulatin ko kung kailangan kong kitain ang kinse pesos na
pangrenta ng kompyuter? Paano na lang kung hindi ko isinulong ang pangarap kong
makapagsulat? Malamang, hindi niyo mababasa 'to. Naging tambay na lang siguro
ako at nakikipagbuno sa marahas na mundo.
-GinoongRedCrab
Babala! :
Paalala na ang kwento na ito ay hango lamang sa kathang isip ng manunulat. Pinapapaalalahanan ang ilan na mayroon din itong maselan at di kaaya-aya na bahagi na maaring hindi angkop sa mga batang mambabasa.
Kung mayroon mang hawig ito sa realidad, AKO lang ang nakakaalam nun. HAHA :))
Author's Note! :Ito po ang kauna-unahan kong isasapublikong sulat.. kaya sana naman po ay magustuhan ninyo.
Pagpasensyahan niyo na po kung hindi ako ganun kagaling magsulat. Tumatanggap naman po ako ng mga komento. Comment lang po at magrereply ako. :))
And I quote, "Dalawa ang mata ko at dalawa ang mata mo. Kung ipapakita ko sayo ang nakikita ko at ipapakita mo sakin ang sayo, mas maganda kasi lalawak ang mundo ko -- ang mundo mo. Kaya kung may kwento ka diyan sa isip mo.. ISULAT MO!. Walang mawawala. Hindi lahat ay maikwekwento mo sa mga kaibigan mo. :))"
YOU ARE READING
"Ang Pamana Ni Tatay"
FanfictionMay kwentong pag-ibig na kailanman ay hindi nabatid., naisulat pero hindi narinig...