*tenenen-tenen-tenenen..
Rinig ko na mula sa malapit lang ang tunog.
Naalimpungatan ako at tinapik na ang natutulog kong katawan.
Kinapa ko sa papag kung saan nagmumula ang tunog.
Nang mahawakan ko, dumilat na ko.
*hikab
"Cellphone pala. Kala ko alarm clock namin.."
"Ce-cellphone??"
Oo nga pala. Yun nga pala ang signal ng Morse Code para sa SMS.
Nakalimutan ko. Binigyan nga pala ako ng cellphone ni Jenica kagabi.
Hindi ko maalalang nilagay ko 'to sa tabi ko.
Ang alam ko lang kagabi, iyak ako ng iyak sa di ko malamang dahilan hanggang sa makatulog na lang ako.
Hindi ko nga napigilan.
Hindi kaya ako basta-basta naiiyak. Ewan ko ba kung bakit ganun kagabi.
Pinindot ko na ang left soft key tapos ang "*" sign.
Bumukas ang backlight.
"ANOOOOO?!" sigaw ko sa sobrang gulat.
"52 messages?!! Watda.."
First time ko kaya gumamit ng cellphone tapos 52 messages kagad?
Kinlick ko muna ang Back. Nakakatamad pa magbasa eh. Andami-dami..
Bumungad sakin ang oras.
"2:37 PM.. Mag-aalas-tres?!"
Grabe naman.
Sabagay, madaling-araw na rin nung makatulog ako.
Bumawi lang yung katawan ko sa puyat.
Tumayo na ako at bumaba.
"Walang tao.."
Nilapag ko muna ang cellphone sa ibabaw ng lamesa naming gawa sa kawayan.
Sumilip ako sa siwang ng bintana namin. Wala ring tao. Nakasampay lang ang mga bagong labang damit.
Pagkatapos, dumiretso na ko sa kusina.
Sumalok ng tubig gamit ang tabo at nagmumog.
Nang matapos ay chineck ko kung ano ang ulam at kung may kanin pa.
Inangat ko ang takip..
"Yay.. Walang ulam. Kanin lang meron.."
Kawawang Darwin. Gugutumin nanaman.
Tiningnan ko muna kung ayos lang ang sarili ko sa salamin tapos lumabas na.
"DAN-DAN! DAN-DAN!" tawag ko sa kapatid kong pang-lima na naglalaro ng tumbang preso.
Tumingin siya at pumunta papalapit sa akin.
"Ba't wala kayong tinirang ulam sa akin?"
"Kumain ka na kanina di ba Kuya?
Kumain na? Eh kakagising ko lang ah?
"Di pa ko kumakain."
"Ginising ka kaya ni Mama kanina. Kumain ka tapos po natulog ka ulit.."
Ha?
Pinakiramdaman ko yung tiyan ko.
Hindi nga ako gutom. Sa isip ko lang yata to.
Siguro parang nagsleepwalk ako. Madalas nangyayari sakin yun eh. Yun bang gising na raw ako, tapos natulog ulit. Sinisisi ko pa nga si Mama kasi hindi niya ako ginising.
YOU ARE READING
"Ang Pamana Ni Tatay"
FanfictionMay kwentong pag-ibig na kailanman ay hindi nabatid., naisulat pero hindi narinig...