Ang Ikalawang Sulat - "Apatnapu't Anim na Natitirang Utos"

409 2 0
                                    

May nag-uusap. Dalawang babae. Si Mama ata. Eh sino yung isa?



"Ahm. Hintayin ko na lang po siguro siya magising." sabi nung isa.



"Ay ganun ba. O sige. Labas lang ako ha? Sino ka nga pala ulit?" sabi ni Mama.




"Jenica po." sabi nung isa.




"Ah. Alam mo ba? Hindi pa nagdala ng babae yan. Ikaw pa lang. Oo nga pala. Tita Racquel na lang itawag mo sakin Jenica." sabi ni Mama na tuwang-tuwa ata.



J-E-N-I-C-A? Halaa?! Nasa bahay siya? 




Dahil sa mga narinig ko, tinapik ko na ang tulog kong katawan. Sakto naman sa tunog ng pinto paglabas ni Mama.




"Haaaaaaa.." paghikab ko.




"Hahahaahahahahahaha.." pilit na tawa ng babae.




Gumulong ako patagilid. Nakadapa na ako ngayon. Unti-unting lumilinaw ang mga mata ko.




Hinanap ko kagad kung san nanggagaling ang paimpit na tawa.




"JEEEENIICAAA??" malakas kong sabi habang kinukusot pa ang kaliwang mata.




"Ssshhhhhh.. Wag ka ngang maingay. Tulog pa sila oh. Hahahahaha." pabulong niya na bilin sakin.




"Ha?"



Tumingin ako kaliwa't kanan. Tulog pa nga ang lima na miyembro ng malaki naming pamilya. Wala si Papa. Pumasok na siguro.




Teka? Tulog pa sila? Anung oras na ba?




Tumayo ako kagad. Bumaba ako mula sa papag naming higaan na nakataas sa sahig ng apat na 

metro.



Pumupungas-pungas pa, hinarap ko si Jenica.




"Teka.. Anong oras na ba?" tanong ko sa basag na boses.




Kinuha niya ang cellphone niyang sa tingin ko pa lang ay ubod na ng mahal.




"It's almost 4:30AM." sabi niya sabay ngiti ng malaki.




Anoooo? Alas-kwatro ng umaga?! Grabe. Anong balak nito?




"Ano namang nakain mo at ang aga mo? Wala ka bang pasok?"




"Wala. Hindi naman ako pumapasok eh." sabay pasok niya ng cellphone sa shoulder bag niyang dala.



Hindi pumapasok sa school?




"Ahh. Okay." sabi ko sabay talikod.




"Maghilamos lang ako."




"Hindi ka ba magpapalit?" sabi niya na halos patawa na.



Tumingin ako sa suot ko. Pantalon. Black t-shirt. Parehas pa rin ng suot ko kahapon. Parehas?



"Ay... Siyempre! Pagkatapos ko maghilamos." palusot ko.



Kinuha ko ang maroon na tuwalyang nakasampay. Lumingon ulit ako sa kanya. Tinaas ko ang kanang kamay ko na nakaharap ang palad sa kanya, sinasabing teka lang.



Dumiretso na ako sa banyo.




Kinuha ko na ang tabo at sumalok sa drum na puno ng tubig.




Naka-tshirt siya, shorts, slippers, shoulder bag na medyo malaki, naka-pony ang buhok, at walang make-up.




Mas maganda pala siya pag ganto.




Pero parang may plano 'to. Bakit ganto suot niya? Sosyalera 'to eh.  




"Magpalit lang ako ha. Sandali lang." balik ko at kumuha na ng damit sa lalagyanang styrofoam.



Kumuha ako ng short at t-shirt. Dumiretso sa banyo.




"Ayos na ba ako? Parang ang dumi ng suot ko.. Okay na nga yan." sabi ko sa sarili ko.




Bumalik ako sa harap niya. Nakaupo siya sa isang mahabang puting monobloc.




"Bat ka ba andito ng ganto kaaga? Sumabay ka pa sa tilaok ng manok.." biro ko.




" I will live for a day like you." sabay kindat.




"Ha?" pagtataka ko sa sinabi niya.




"And my second command.. Pumitas tayo ng gulay sa bukid." sabay ngiti. Tumayo ng diretso at iniwan ang bag.



Dumiretso sa pinto. Binuksan ito at lumabas.



Whaaaaaaaaaaaat?! Tama ba yung narinig ko? Mamitas ng gulay?



Sigurado ba siya? Mahirap ata maging ako kahit isang araw lang! 



Mali siya ng pinasok.



"Mwahahahahhhhahaha." 




Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nagpacute ng onti.




Lumabas na ako at sumunod na sa kanya.




Inabutan ko siya na nag-iistretching. Nakatingin siya sa malawak na bukid sa harap namin.




"Sure ka? Parang baliktad eh. Ikaw ata yung kinommand ko."




"Hindi ko sasabihin yun if I can't." sabi niya kahit patuloy sa pagwawarm-up.




"If that's so.. Tara!" sagot ko pabalik. Tinapik ko siya sa balikat. Tumakbo ako sa daan na gawa ng hinawing mga damo.




"Waaaaaaait!"




"Hahahahahaahhaa." tawa ko habang tumatakbo pa palayo sa kanya.




"Stooooooop! That's my third command!"



O di ba? Isang bonus na command. Ayos. HAHAHA.



"Osige." pagkahinto ko sa ibabaw ng pilapil.



Hinintay ko siya. Magkatabi na kami ngayon.




"Mauna ka. Susunod ako. Wag mo kasi akong iwan!" sabay palo sa likod ko. Mahina lang naman.




"Oo na oo na." 




At nagsimula na nga kaming maglakad sa ibabaw ng pilapil.




Nililingon ko siya. Nakakatuwa. Halatang hindi sanay. Nakagilid ang braso niya na parang lumilipad at nakatingin sa baba. Binabalanse ng maigi ang katawan niya.



"Oh. Andito na tayo."



"Dito?"



Huminto kami.




"Anong tawag dito?" sabi niya habang nakaupo at sinisiyasat ang kulay orange na bulaklak na hawak niya.



"Bulaklak yan ng kalabasa.."




"Bulaklak ng kalabasa? Kinakain ba 'to?" tingin niya sakin.




"Oo naman. Pipitasin ba natin yan kung hindi kinakain."




"Ang weird lang. Bulaklak e. I can't imagine eating a flower. Hahahahhaha."




"At dahil hindi mo ma-imagine. Totohanin natin mamaya. HAHAHAHHAHAHHA"




"Nooooo! Ambad mo!" pagkabog niya sa dibdib ko na para bang ginagawa ng isang tao 'pag sinarhan ng pinto.



"Joke lang. Joke lang.." sabi ko habang pinipigilan ang mga kamay niya.




"Tara na.. Mamitas na tayo." pagyaya ko.



Namitas na nga kami.



Nilalagay namin 'to sa dalawang basket na kinuha ko dun sa may-ari ng bukid. Ipapakilo namin kasi mamaya ang lahat ng napitas namin saka babayaran.


"Look oh! Anlaki nito!" ngiting-ngiti niyang sabi habang pinapakita ang napitas.


Ayan nanaman yang ngiti nyang yan. Ngiting kahit istatwa eh hindi matitiis.



"Anlaki nga nyan! HAHAHAHA. Ang galing.."



Nakakatuwa naman talaga 'to sobraaaaa!



Napapangiti niya ako, na bihirang magawa ng ibang tao sakin bukod sa tropa ko. 



Teka, 'di ba dapat mainis ako kasi nanghimasok siya sa buhay ko? Eh ba't ganto? 




^P.S. Eto po yung cellphone. Base sa nakita ko. Samsung Galaxy Ace 

"Ang Pamana Ni Tatay"Where stories live. Discover now