Humarap ako ulit sa dinadaanan ko.
Tumabi siya gawing kanan ko, mga isang dipa ang layo sa akin.
Nagpapakiramdaman kaming dalawa.
Tumingin ako ng bahagya sa kanya. Isang saglit na sulyap lang.
Magkahawak ang kamay niya sa likod. Ginagalaw-galaw niya ito palikod. Nakatingin lang sa harap. Palinga-linga sa mga bahay na nadadaanan namin.
Tahimik na hangin.
Maya pang onti.
"I'm.." sabay naming sabi paglingon sa isa't isa.
"Ay.." at isa pa.
"Me first okay?"
"Sige."
"I'm Jen--"
"You're Jenica, right?"
"Wait.. I should ask first di ba?"
"Oh. Sorry.."
"And you are?"
"Darwin Lester. Darwin na lang." sabay abot ko ng kamay ko.
"Ahh. Darwin.." inabot niya rin ang kamay ko.
Pagkatapos ng maiksing shakehands na yun, nagpatuloy siya sa pagsasalita. Pero ngayon, nakatingin ng mabuti sa mga mata ko.
"Can't you remember me? Somewhere else or kanina? Hmmmmmm.." kumunot ng onti ang noo niya at tinaas ang kilay ng kaliwang mata. Nakapamewang siya.
Anu namang meron kung nakita ko siya kanina? Tsaka bakit ganito siya ka-confident para kausapin ako? Nakakakutob ako ng masama.
"Ahmmmm.. Kanina? Oo. Nakita kita. Just right behind my back. Sa may highway.."
"At ano ang muntik mangyari sayooo?"
"A-a-ano??" pagtatanong ko pa.
Tumahimik siya saglit. Tila ba bumebwelo sa sasabihin niya.
"You're right in the nick of death! Kung hindi ka pa nahatak kanina, you'll be there carried by a stretcher into the ambulance." habang inaakto pa ang paghatak.
So ano naman ngayon kung nakita niya akong muntik masagasaan? Ano namang pakelam niya?
"Oo nga. Muntik na akong masagasaan. At salamat sa humatak sakin. Kung sino man siya, sana napasalamatan ko. Handa kong gawin ang anumang sabihin niya sakin makabayad lang ako.." sabi ko nang may pagpapakita ng lubos na pasasalamat.
"Talaga? Is that a word of a man? Saying na gagawin niya ang kung ano mang sabihin ng savior niya??" pagtatanong niya habang magkalapat ang dalawang kamay at nakapwesto sa pisngi na parang natutulog.
"Ha? Lasing ka na ata Miss eh." sagot ko.
"Hoy! Hindi ako mabilis malasing noh! I just drank a bit at hindi yun sapat para mawala ako sa katinuan ko noh." pagmamayabang pa niya.
Ba't ba ganto makipag-usap to? Eh parang mas matanda naman ako sa kanya? Tinawag pa nga niya akong Kuya kanina ah. Hindi porke't maganda siya eh magfe-Feeling close na siya sakin.
"........"
"Huy! Ang sabe ko.. kung totoo ba yung sinabi mo? Na gagawin mo ang sasabihin ng nagligtas sayo?" pangungulit niya sabay kalabit sa balikat ko.
"Ate Beck, yelo nga po.. Tatlo." sabi ko sa tindera na kanina pa pala nanonood sa amin. Inis yata sa tagal naming nakatayo sa harap ng tindahan niya at nag-aabang sa kung ano ang bibilhin namin.
"Kuya Darwin! Kuya Darwin!" pangungulit niya at paulit na kalabit sa balikat ko.
"Ano ba?! Sandali lang. Bumibili ako. Kala ko ba may bibilhin ka?!" sabi ko sa medyo inis ng boses.
YOU ARE READING
"Ang Pamana Ni Tatay"
FanfictionMay kwentong pag-ibig na kailanman ay hindi nabatid., naisulat pero hindi narinig...