--Isang Araw ni Darwin

363 0 0
                                    

Nako. Siguradong walang pera si Mama pang-ulam namin mamayang tanghalian. Nakakahiya naman kung hihingi pa ko kay Jen ng pera. Pano kaya 'to?

"Punta tayo dun. Tara." pagyaya ko kay Jenica.

"Sige. Go!" sagot niya.

Nakarating din kami. Minasdan ko sa mga nakasabit kung ano ang pinakamalaki para maraming mailuto mamaya.

"Teka. Kumakain ka ba ng upo?" tanong ko.

"You mean, bottle gourd? Oo naman. Aling Berna used to cook that for me." nakangiti niyang sagot.

Bottle gourd? Yun pala english ng upo? Galing ha. Di ko alam yun.

"Ahh. Sige. Pili tayo ng malaki. Magluto tayo mamaya." sabi ko habang namimili sa mga upo na nakasabit sa balag.

"Wait.." sabi niya sabay baba ng basket na puno na ng bulaklak ng kalabasa.

Naghiwalay kami.

Nasa kabila siya. Kitang-kita ko siya habang hinahawakan ang bawat upo na nakasabit.

Hindi ko akalain na isang araw, mamimitas ako kasama ng isang babae, bukod kay Mama.

"Huh?" sabi niya habang nakatingin sakin, hawak pa rin ng mga kamay ang upo na napili niya.

"Ay. Y-y-yan na ba yung gusto mo?" sabi ko bigla.

Di ko na namalayan na napatitig na pala ako sa kanya. O.O

"Tingin mo ba ayos na 'to? Malaki naman siya di ba?" tanong niya sabay salubong ng kilay.

"Ha? Oo. Anlaki na nga niyan. Kaya nang magpakain ng 40 katao niyan eh. HAHAHAHA" biro ko.

"Hahahahahaha.." tawa niya.

"O. Kunin na natin yan. At marami pang gagawin ang isang Darwin na katulad ko." sabi ko sabay kindat.

Pinitas ko na tapos nilagay sa basket niya. Dinala na namin ang mga basket kay Aling Rita.

"Aling Rita, eto na po oh. Kay Mama po." sabi ko sabay baba ng basket. Kinuha ko rin ang basket ni Jenica tapos inabot kay Aling Rita.

"Aba. Sino naman yang kasama mo Darwin? Maganda siya ah." bulong ni Aling Rita sakin tapos ngiti.

"Wala po. Kaibigan ko lang ho." sagot ko.

"Iha.. Anong pangalan mo? Ngayon ko lang kasi nakita tong si Darwin na may kasama mamitas eh." pag-usap ni Aling Rita kay Jenica na tinitingnan ang bawat sulok ng kubo.

"Po? Jenica po." pagpapakilala niya pagkaharap kay Aling Rita.

"Bagay kayo Darwin! Ang ganda ganda niya." pang-aasar ni Aling Rita.

"Haay. Anu ba naman Aling Rita, nakakahiya oh.." sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa baba.

Lumapit sakin si Aling Rita. Bumulong..

"Darwin, namumula ka. Crush mo siya noh?!"

"Po?"

Ako namumula? Malamang. Kahit sino naman pag inasar ng ganun, mamumula at mapapangiti. Wala lang to. No hard feelings.

Nakatingin samin si Jenica. Nangungusap ang mga mata niya na parang nagtatanong kung anong pinaguusapan namin.

"Ay. Sige po Aling Rita. Dun lang po kami saglit." paglilipat ko ng usapan.

"Oh sige. Balikan niyo to maya-maya ah." bilin ni Aling Rita.

"Opo." sabay naming sagot ni Jenica.

Pumunta kami sa maluwang na parte ng bukid. 

"Ay oh! Ang cuuuuuuuteee." sabi niya sabay turo sa malayo.

"Ang Pamana Ni Tatay"Where stories live. Discover now