--Birthday ni Jomar

950 1 0
                                    

"O pare!" salubong na bati sakin ni Jomar sabay alok ng apir.

"Happy Birthday pare!" nag-apir kami at binigyan ko naman siya ng kaibigang-yakap.

"Buti dumating ka. Akala ko i-indianin mo nanaman ako eh." sabi niya ng may halong biro.

"Hindi lang naman ako nakarating nun kasi may lakad ako." pagtatanggol ko.

"Oo nga siguro. On the go ka naman lagi eh." sagot niya.

"Siyempre naman. Ako pa." pagmamayabang ko.

"Muntik pa nga 'ko hindi makarating dito ulit. May nangyari kasi kanina." paglilipat ko ng usapan.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya sakin ng may pagtataka.

"Wala. Mahabang kwento." sagot ko para maputol na ang usapan. Naisip ko na baka pagtawanan lang ako nito pag sinabi kong muntik pa akong mabangga.

"O pano? Pasok na tayo sa loob." wika niya sabay hawak sa balikat ko. Niyakag niya ko papasok ng bahay nila.

Nagulat ako nang buksan ko ang pinto. Andaming tao. Kung hindi ako nagkakamali, gabi pa ang celebration ah?

Tumingin ako sa wall clock nila na Spongebob ang design. Alas-tres pasado pa lang. Ang aga naman nila, este.. namin pala.

May tatlong babaeng nagreretouch sa mahabang sofa. Meron namang dalawang gay na naghaharutan sa isang green couch sa tapat ng nakapatay na TV. 

Dalawang lola naman ang busy na busy sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesang natatakpan ng pulang mantel. Rinig ko naman mula sa taas ang apat na lalaking nagtatawanan sa loob ng kwarto ni Jomar.

Kapwa hindi ko kilala silang lahat bukod kay Carl na nakaharap sa computer at naglalaro ng DoTA. Si Carl ang bunsong kapatid ni Jomar.

Dalawa lang silang magkapatid kaya ganun na lang siya naispoil. Dapat sana'y tumutulong siya sa paghahanda pero eto siya naglilibang.

Napatingin sila sakin.

"Good Morning po." magiliw kong bati sa lahat sabay yuko. 

"Ayy.." mahina kong sabi nang mapansin kong naka-tsinelas pa pala ako.

Hinubad ko ang tsinelas ko. Akma ko ng pupulutin ang mga ito nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Wag mo na hubarin yan iho. Hindi ka naman kaiba rito."

Tumingala ako. 

Hindi ako nagkamali. Boses nga iyon ng Mama ni Jomar na ngayo'y nasa tapat ng pinto ng kusina, katabi ni Jomar. Marahil ay tinawag siya ni Jomar na kanina'y pumasok sa kusina.

Tumayo muli ako ng diretso at tinungo na ang mag-ina.

"Pare, kaya nga pala kita pinapunta ng maaga kasi kailangan ni Mama ng tulong. Eh alam ko naman na ikaw lang ang maaasahan pagdating sa pagluluto sa mga katropa natin. Di ba Ma?" pagpuri niya sakin.

"Siyanga iho. Pwede mo ba akong tulungan? Marami-rami rin kasi itong ihahanda ko." pakikiusap ng Mama ni Jomar.

"Ok lang po. Gusto ko po talaga tumulong. Ano po bang gagawin?" sagot ko ng may halong pananabik.

Hilig ko rin kasi ang magluto. Nakakaramdam ako ng sobrang saya pag nakikita kong nasasarapan yung pinagluluto ko. Worth it ang lahat ng pagod at pagtapat sa mainit na kalan.

Tumalikod na ang Mama ni Jomar. Pumunta siya sa kusina. Naghahanap pa yata siya ng apron. Napansin niya siguro na puti ang damit ko at baka marumihan ako.

"Pare, nasan ba sila?" tanong ko kay Jomar. Alam niyang tinutukoy ko ang mga katropa namin.

"Siguradong naglalaro pa ang mga yun sa computer shop. O baka naman nasa kanya-kanya pang bahay. Pero sinabi naman nila na pupunta sila sabay-sabay mga alas-sais pasado." paninigurado niya.

"Ang Pamana Ni Tatay"Where stories live. Discover now