Her POV :) 😃
🎤🎤Pinilit kong limutan ka
Nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimot na kita
Sa buhay kong mag-isa
Ngunit bakit ngayon
Ikaw parin ang hinahanap ko🎤🎤Libangan na talaga nila ate at mama ang kumanta... Nagkakasundo sila pag kantahan ang pinag-uusapan pareho naman kasi silang maganda ang boses. Katunayan, sabi ni mama nong kabataan nya raw lagi daw syang nanalo sa mga singing contest. Si ate naman nag champion din sya nung isang taon sa amateur don sa bayan. Kung ako naman ang tatanungin nyo wala talaga akong kahilig-hilig sa pagkanta. Simply at mahiyain kasi ako. Di ako magaling sumayaw, wala naman akong alam gawin kundi kumain 🍔🍰🎂🍦... wala talaga akong ka talent-talent ... ano bang silbi ko ?? wala akong talento... bat pa ako nabuhay sa mundo??
😭(EMO)😭
nagsisinte!! ang ewan ko talaga....maiba tayo, so yun nga, wala akong talento kasi naman kagandahan lang ang merun ako
🌴Bumabagyo yata.. ramdam ko kasi ang lakas ng hangin🌴
Kung sa bagay kahit di sumang-ayon ang kalikasan at ako lang ang naniniwalang maganda ako ... ok lang atlis proud ako sa sarili ko ...
"Bunso...."
gravi talaga tung bunganga ni ate parang naka mega-phone dinig ng buong baranggay ang sigaw nya
"Ano ba ate? bat mo ba ako tinatawag? anong kaylangan mo sa akin?
pasigaw kong sagot kay ate.. andito kasi ako ngayon sa kwarto ko .. Nakasanayan ko na din kasi na tuwing weekends eh magkulong dito.. manuod ng tv .. o kaya pumunta sa bahay nila Sab.. peru wala akong planung mag lakwatsa ngayung araw kaya nagkulong nalang ako dito sa kwarto ko at buong araw nakaharap sa PC 💻.
"Lumabas ka nga muna dyan"
"ano ba ate! May ginagawa ako"
"halika ka muna dito, sandali lang tu"
"ate busy ako wag mo muna akong esturbuhin"
"ah sige ikaw bahala ansarap .....
Di ko na pinatapos ang sasabihin ni ate sapagkat takam na takam na ang utak ko habang iniisip ang masasarap na pagkain. Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ... halos madulas na nga ako sa hagdan sa pagmamadali ... hingal na hingal ako ng makarating sa kusina eh...
"Naku.. sayang naman busy pala si bunso .. ipapakain ko nalang siguro sa aso ang mga tu"
tsss.. kainis tung si ate umarte pang di nya ako nakita ...
"Ohh, bunso andyan ka pala akala ko ba busy?"
"ah.. eh.. hehehe di ka naman mabiro ate"
"sus.. palusot ka pa! Kanina busy.. nakarinig lang ng ansarap halos mamudmod yung mukha sa sahig sa kakamadali"
"ate naman Eh,"
"ikaw huh diet-diet din pag may time sige ka tataba ka"
pananakot ni ate sakin
"Pag tumaba ka .. wala ng mag kakagusto sayo .. tatanda kang dalaga.. sige ka di mo talaga magagamit yang matres mo"
"tseee.. wala akong paki, san ba yung pagkain?"
"at sinong may sabing may pagkain?"
"diba sabi mo ang sarap........
Bigla kong naalalang wala naman palang binanggit na pagkain si ate... tss.. pahiya may face...
"Oh ano?"
"ah .. eh.. wala naman, sige may gagawin nga pala ako"
Di maipinta ang mukha ko ng lumabas ako sa kusina parang maiiyak na ako dahil sobrang taas ng expectation kung may pagkain wla naman pala kaya.. sobrang nakakalungkot...
Napansin siguro ni ate ..."Bunso, na-miss kung mag mall, tara kain tayo don tapos nuod narin tayo ng sine"
"sigurado ka ate?"
biglang bumalik ang sigla ko ...
"Magbibihis lang ako ate"
"sige bilisan mo bago pa magbago isip ko"
at bago pa nga mag-bago ang isip ni ate nagmadali agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis naka skinny black jeans lang naman ako at naka plain white longsleeve... at suot ko ang flat silver sandal ko .. nagpolbo ng konti tapos sinuklay ang buhok ko... medyo na tagalan ako sa pagsuklay dahil mahaba ang buhok peru sing ganda ko naman ang mga ito... (hahahahaaahaaaha)
"Done"
"ok let's go sissy"