Faye's POV:
Kabaliwan #14
kung makatitig kay crush wagas
Peru pag si crush tumingin todo iwas."Uy! Zhed ano pala yung sinabi mong ililibre kita ngayon?" Tanong ni kuya kay zheddy.
"Hahaha..." (Zhed)
Oh? Anong nakakatawa baliw ang isang to."Pre. Si Miss Secretary nakuha ko na hahaha" (zhed)
"Talaga! Sinong niloko mo?"
(Kuya zeus)Nakaka-OP kayo guise ah ipapa-salvage ko na talaga kayo.
"Bat ba ayaw mong maniwala? totoo sinasabi ko. Gusto panuorin? vinedeo ko para may proweba."
"Vinedeo mo? Gago ka talaga pre. Tss. Di nga? Halika panuorin natin" (xian)
Ang KJ ni Dice habang nag-uusap ang tatlo siya naman mag-isa lang don sa tabi gusto ko sana siyang abutan ng sandwich at tubig saka pahiran ang pawis niya kaso di ko magawa eh. Haisst why so pogi??
"FAYE!!" tawag sakin ni kuya! Nagpapantasya na sana ako.
"Ano?"
"Bumili ka nga muna ng maiinom natin"
"YOKO KO NGA! nakakatakot kayang maglakad mag-isa"
tss.. Punyemas talaga tung si kuya gawin ba naman katulong. Ano ba kasi yung papanuorin nila at kailangan pa akong umalis.Dice POV:
Hindi naman torpe yung mga lalaking di marunong manligaw, minsan gusto talaga nilang may ligawan kaso natatakot lang silang mabusted at masaktan.
Tuwing weekends nagpapractice kami ng tropa ko magbasketball.
"Insan pupunta ka ba ngayon?" Tanong sakin ng pinsan kong si xian
"Pupunta ba si Zeus?"
Walang malisya ah baka sabihin nyong may gusto ako kay Zeus! Di ako bakla (defensive)... Tinanong ko lang kung merun si Zeus. Kasi kapag meron siya malamang merun din si Faye!
Since grade school crush ko na talaga siya! Simple lang kasi siya eh! Nag-aaral nga akong mabuti para lang maging kaklase ko siya matalino kasi siya at sa Smart section siya na belong kaya nagsusumikap talaga akong mag excel sa class ko para maging classmate ko na siya ngayong pasukan."Merun syempre"
"Ok! Bihis lang ako"
Pagdating namin dun di nga ako nagkamali kasama nga ni Zeus si Faye! Nagpractice lang kami. Para nga lang tung laro para sa aamin.
Ewan ko ba ganun na nga yata kami mahilig sa laro-laro lang. Ay! Mali sila lang pala! Seryoso kaya ako!
Kung ano-ano lang naman ang pinag-uusapan ng mga barkada ko. Di ko naman pinakinggan yung pinag-usapan nila. Yun lang yung nakuha daw ni Zhed yung class secretary namin, tapos may video bilang proweba. Langya! Di pa ako nakikinig sa lagay na yan ah! Pano ba naman kasi ang lalakas ng boses ng mga barakong tu. Di ba nila inisip may kasama silang babae tapos! YUNG TUNGKOL SA ANO! YUNG ANO! ALAM NYO NA KUNG ANO YUNG ANO! haisst ano ba talaga yung ano! Nakakagulo na yung ano! Ah basta di nila dapat pag-usapan yung Ano!