Lyndon's POV
"Samantha, sorry im late dumaan pa kasi ako kay lola"
"Tss.. palusot ang sabihin mo sinadya mo syang paghintayin.. KAPAL"
Mahinang sabi ng babaeng kasama ni Sam.. peru rinig ko pa din..Sinadya nya sigurong marinig ko. Di ko namalayang may kasama pala si Sam. Naka high heels kasi si Sam kaya di ko sya masyadong makita.
"Insan tumigil ka nga baka marinig ka eh"
"Paki ko totoo naman"
"Ah.. insan si Lyndon boyfriend ko. And bhabe si------"
"FAYE ?"
bakit siya andito? bakit niya kasama si Sam?"Magkakilala kayo ng pinsan ko bhabe?"
"Oh? kilala nya ako"
"Panong hindi ko siya makikilala....."
eh! siya yung natatanging babae sa mundo na nagpapatibok ng puso. Ang babaeng alam kung kahit kelan di ko maaabot. Ang babaeng nakakapagpalabas ng vulnerable side ko. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. At ang babaeng labis na minamahal ng isang "LYNDON KIM".syempre! Hindi ko sinabi yun sa harapan ni Sam.. Kahit gustong-gusto kong sabihing mahal ko siya peru di pa pwdi dahil di pa tapos sa mission ko.
"Paanong hindi ko siya makikilala.. eh matalino sya."
"ahhhh"
"Schoolmates pala tayo! heeeheh di pa kasi kita nakikita sa school"
Please Faye! dont smile like that cause my heart may fall on the ground..
"Tara!! lets watch sine nag buy na ako ng ticket for three"Sam
"sige kayo nalang para makapag-solo kayo"Faye
"No, you should come with us" hinawakan ko yung wrist nya...
Tinignan nya yung pagkakahawak ko sa kamay nya kaya binawi ko yung kamay ko at baka ano pang isipin ni Sam"Ah.. i mean you should come with us kasi sayang yung ticket" bawi ko sa sinabi ko..
"Sige na insan sama ka na lang.."
"sige!! peru ibili mo kung popCorn"
di pa din sya nagbabago sya pa din yung nakilala kung babae na mahilig sa popcorn.
Flashback:
Lyndon's POV
Naglalakad ako nun kasama ang pinakamamahal kong si Amanda ,tapos biglang may humarang na tatlong lalaki. Kinwelyuhan ako ng isa sa mga lalaking yun.
"Ito ba ang gusto mong lalaki Amanda? weirdo, mukhang baliw at di man lang marunong mag-ayos sa sarili" hawak nya parin ang kwelyo ng uniform ko kahit kinakausap nya si Amanda.
"Rheyvin?" ani ni Amanda
So? Rheyvin ang pangalan ng basagolerang unggoy na to.