Faye's POV
karamihan talaga sa magaganda, pikon !
napipikon na ko
Sa totoo lang napipikon ako sa ginawa ni Rheyvin, peru kinikilig naman at the same time. Ang problema lang nandun sa harapan namin si Dice, baka isipin pa niyang may boyfriend ako tapos ma-turn-off siya sakin. Pero wala namang pakialam sakin si Dice, diba? Tss. Niligawan nya nga si Jelly sa harapan ko. Hayst neverminD! Nakakashit eh.
"Uy, ikaw? Anong kashitan naman yung ginawa mo kanina"
"Ayaw mo ba?"
"Ewan ko sayo!"
"Bhabyboo..."
"Haist itigil mo nga yan! Nakakadiri kaya"
"Pasensya ka na kanina"
"Ano??"
"Pa-diba kasi yung lalaking kumanta kanina kala mo kung sinong gwapo"
"Ah, so ginamit mo ako para lang marecognize ng mga tao dun yang kagwapohan mo?"
"Oo"
"Ano?? Langya ka talaga"
"Hindi ang totoo nyan ginawa ko yun para di ka mapahiya dun sa harapan"
"Ganun ba?"
"Faye??"
"Hmpfe?"
"Nagka-boyfriend ka na ba? Tapos sinaktan ka lang??"
"Hindi pa"
"Ganun ba?"
"Alam mo nasaktan na din ako! May mahal kasi ako, peru iba yung mahal niya, yun yung mas masakit kasi hindi naman naging kami, peru nasasaktan pa din ako. Ang tanga lang kasi umasa akong baka gusto nya rin ako"
"Faye?"
"Hmpfe?"
"Umiiyak ka ba?"
"Huh?"
Naku- di ko man lang namalayang tumutulo na pala yung mga luha ko.
"Sige, rheyvin alis na ako baka hinahanap na ako nina mama at kuya"
"Okay ka lang ba?"
"Hindi talaga magiging okay! Lalo na ngayon! Dahil dun sa ginawa mo, malamang nakarating na yung eksena kanina kay mama"
"Sasamahan kita, magpapaliwanag ako"
"Naku, wag na!"
"Sige ikaw bahala!"
"Ba-bye"
O_oPaano ba naman kasi bigla nya akong hinila at niyakap.