Chapter 10:

5 0 0
                                    

"Manhid"

Sila yung mga taong halos isampal mo na sa kanilang mahal mo sila peru deadma lang.
Yung taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba.

Hayst sa Monday pasukan na! Di naman ako excited!
Hayst may family outting kami ngayon! Hehehe susulitin ko talaga tung outting natu kasi sa pasukan magiging stress na naman ako masyado.

Andito kami sa resort nila Tita Myrna.
Lels! Akala ko ba family outting lang, Bakit andito sina Lyndon at Sam, si Xian at si Mickey, tapos andyan din si Dice at yung babaeng kasama niya sa Mall nuon!
Hayst pano naman ako mag-eenjoy kung andito sila.
Syempre dahil andito si Sab andito din si Zhedy. Hindi ko pa pala natatanong kay Sab kung may nangyari na ba talaga sa kanila:

"Zeus! Pre! Ang hot mong tingnan"

"Uy! Zhed bakla ka ba? Wag mong sabihing nagkaka-interest ka na sakin"

"Phew!"

"Ano to? Bat di niyo sinabing may dala pala kayong partner.. Edi sana dinala ko yung pusa ko"

"Hahaha! Kalog ka talaga pre"

"Sinabi mo pa" nakuha ko yata ang attensyon ng lahat nung magsalita ako.

"May problema ba?" tanong ko sa kanila, ah! Alam ko na! Tss.. Minsan lang kasi ako mag-short. Tss.. Di ko naman kasi alam na andito sila. Kung alam ko lang edi nag two piece nalang ako.. Hahaha.. Joke lang*

"Wala naman" sabay nilang sabi..

"Ano? Lets go swimming? Hooh excited na akong maligo eh" xian

"Tara!!" Sabay na sabi ni Zeus at Zhedy.

Di ko nalang pinansin si Dice andyan naman girlfriend niya. Tss
Hayst Faye! Nagsisimula ka na naman.
Para di ako mag mukhang ampalaya. Nag presenta nalang ako kay Tita Myrna at mama na ako nalang magluluto ng barbeque.

"Anak! Ikaw na muna dito ah! Maliligo lang kami"

"Opo"

Hayst! Mas mabuti natu keysa naman makita si Dice dun. Pagkatapos maluto yung mga barbeque naisipan ko munang maglakad-lakad..

Ah! Alam ko na magboboy haunting nalang ako*
Ayiee.. For sure andaming gwapo dito ngayon! Pumunta ako malapit sa may pool.

Hayst! Wow ang ganda naman ng butterfly na yun sinundan ko yung direksyon ng butterfly. Di ko na napansin yung nilalakaran ko. Hanggang sa may nabangga akong lalaki at pareho kaming nahulog sa pool! Hayst sapul talaga yun! Grrr... Nabasa na tuloy ako*

"Ikaw?" sabay naming sabi

"Tss.. Ang malas ko talaga pag nakikita kita"

"Ah, wag kang mag-alala! Ganun din ako pag nakikita kita"

Umahon ako mula sa pool. Ka imbyerna ang isang tu.

"Huy! Miss! Miss Atittude ka talaga! Di ka man lang mag-sosorry! Uy! SORRY HUH?" sarcastikong sabi nung lalaki baHala siya sa buhay niyA.

"Anak! Bat basang-basa ka yata?"

"Nahulog po ako sa pool"

"EXPECT THE UNEXPECTED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon