Girl's POV
Ako si Zeminah Patrimonio, 17 years old din at mag 18 na sa October. Nag aaral sa isang sikat paaralan.
Masiyahing tao ako at hindi ko ibibababad ang sarili ko sa mga bagay na nakakalungkot dahil para sakin maikli lang ang buhay.
Isa akong ampon. Oo, alam ko na at tanggap ko. Sabi nila ay wala na daw ang mga magulang ko at kahit minsan, di ko nakita yung mga mukha nila. Wala pa daw kasing camera noon.
Nangyari iyon dahil sa car accident. Habang nililisan daw nila ang probinsya para makapagtrabaho sa Maynila ay nahulog sa bangin ang bus na sinasakyan nila Mama at Papa.
Pero hindi ko na iyon masyado tinitignan, naluluha lang ako.
Sabi nila may kapatid daw ako...
Kambal ko.
Hindi ko alam kung buhay pa ang kapatid ko dahil wala na rin sakanyang balita.
Noong nakita ko nga sila Brandon at Bradley at nalamang kambal sila ay natuwa ako. Naaalala ko ung kapatid ko, siguro ganon din kami kung magkasama kami.
Pero...
May weird na feeling akong nararamdaman.
Di ko kasi masabi pero parang...
Gusto ko silang dalawa?
❤❤
Author's Note:
Aba! Isang two-timer na Zeminah at kambal pa talaga naisip mo?
(Zeminah: Nyeta ka! Ikaw kaya yung nagsusulat)Nagta type kasi di ba? Gusto mo patayin agad kita e-_-
(Zeminah: Wala namang ganyanan. F na F ko na yung role ko e)O baka magkaroon pa kami ng pagtatalo ng sarili ko. Balik sa normal!
Please VOTE and COMMENT! Thank you very much! Mwah.
Love, FP

BINABASA MO ANG
Twin Hearts
Fiksi RemajaDalawang magkapatid ng ipinanganak ng sabay. Lahat ng saya, lungkot, galit, inis, kalokohan pinagdaanan nila ng sabay. Pero paano kung iisa din ang kanilang babaeng magustuhan? Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang pipiliin? Twin Heart...