'Dati'

46 5 0
                                    

Bradley's POV

"Oh ano na nga nagyari sa 'dati' na pinagsasabi nyo?" Tanong samin ni Harley.

"Ganto kasi yun...

Nagkagusto kami sa iisang babae nung grade 6 kami, pangalan niya si Sandy. Isa syang maganda, simple at mabait na babae-- tulad ni Zeminah.

Nung nalaman ni Bradley na may gusto ako sakanya ay nagsimula syang manlamig sakin, lalo na ung pakikitungo nya.

Nakipagkunpitensya sya sakin. Malakas talaga kasi ung tama nya kay Sandy e. Minsan pa nga pag nagseselos sya samin e, sinusuntok nya pa ko.

Naisipan kong lumayo kay Sandy dahil hindi ko kayang makufa ang kapatid ko, nagagalit sakin dahil sa isang babae.

Pero...

*flashback*


"Sorry Brandon pero mas gusto ko si Bradley." Tugon ni Sandy sa harap namin ni Brandon.

Nakita kong tumiklop ung kamao ni Brandon. Natatakot ako. Natatakit ako dahil baka magaway pa kami dahil sa isang babae.

Sinuntok ako ni Brandon sa mukha. "Sige! Magsama kayo. Ikaw naman lagi Brandon e! IKAW UNG MAGALING, IKAW UNG MABAIT, IKAW UNG MATALINO AT LAHAT LAHAT! BAKIT AKO HINDI MAPURI HA? BAKIT IKAW NA LANG LAGI YUNG NAKIKITA, YUNG NAAPRECIATE..." Nagsimulang tumulo yung luha nya.

"Hindi totoo yan Brandon. Maraming nagmamahal sayo pero hindi mo lang nakikita--"

"WALA AKONG PAKE SA ANUMANG SASABIHIN MO!" Tumakbo sya palayo. Susundan ko sya. Wala kasi sila Mama at Papa dahil nasa trabaho. Yung lola naman namin ay namalengke kaya walang umaawat samin.

Noong tatawid si Brandon...

"AAAAAHHHHH!" Sigaw nya ng bumusina ng napakalakas yung trak pero...

Ako yung sumalo. Tinulak ko sya paalis at ako yung nasagasaan.

Ako yung nadisgrasya.

Nawalan ako ng malay.

Mga ilang araw ay nagising ako na nasa hospital at nakapalibot sakin ang mga magulang ko at kamag anak. Hinanap ko si Brandon pero wala sya...

"Anak!" Naiiyak na tugon nila Mama. "Ano bang mangyari sainyo ha? Grabe ung pagaalala namin sainyo."

"Ma, sorry."

"Ano ba kasing pinagawayan nyo? Kasi naman e." Tugon naman ng Lola ko.

"Asan po si Brandon?"

"Andon sya sa chapel anak, pinagdadasal kang gumaling at magising na."

"B-bradley?" Nanginginig pang tugon ng lalaking pamilyar ang boses na pumasok sa kwartong aking hinihigaan.

"Bardley, sorry! Sorry kasi ikaw pa yung napahamak dahil sa kadramahan ko. Sorry di na mauulit." Sabi niya sakin.

"Oh, aalis muna kami lahat para magkausap kayo at magkabati na." Sabi ni Papa samin at tuluyan ngang umalis.

"Sorry talaga Bradley!" Ilang beses na pagmamakaawa nya sa harap ko. Nginitian ko sya.

"Wala yun. Hindi ko kayang makita yung kapatid kong umiiyak ng ganyan."

"Ikaw pa tukoy ung nadisgrasya. Buti nga napahinto ung nagmamaneho ng trak kaya hindi ka tuluyang napuruhan. Sorry talaga!"

"Shh, okay lang Brandon." Tugon ko naman sakanya.

"Bradley, gusto ko sanang mag deal tayo."

"Ano yun?"

"Mag-promise tayo na hindi na muli tayo magkakagusto sa iisang babae.

"Promise."

*End of Flashback*

"Pre, ang drama pala ng storya nyo dati." Inupakan ko naman si Jed.

"Pero, pano yan? Nagpronise pa jayobg di na kato magkakagusto sa iusang babae at ngayon bumabalik nanaman yung nagyari sainyo noon."

"Hindi ko alam Klein." Tanging sagot ko lamang.


❤❤

Author's Note:

Hi mga bes!😂 Baka maging busy ulit sa mga susunod na araw kasi may pasom nanaman.

Please VOTE AND COMMENT! Isang pindot lang naman sa vote para sa ikakatouch lang ng puso ko na "May nagbabasa pala ng story ko." Sapat na yun sakin. Mwah!

Mahal ko kaya guyz.
-FP

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon