The Unexpected (Brandon)

72 7 1
                                        

Brandon's POV

"Brandon, puntahan mo naman si Mr. Dean at paki abot to. Salamat ha!" Utos sakin ni Maam. Takteng yan! Na-home boy pa ko a-_-

Naglakad naman ako para ibigay nga to sa pesteng Mr. Dean na yan. Habang naglalakad ako ay nakita ko ung lokaret na babaeng nakita ko sa canteen noong isang araw.

Lagot ka sakin.

"Uy! Nagkita nanaman tayo. Kamusta?" Tugon nya sakin ng nakangiti. Wow! Di na pala to nabwisit sakin. Pwes! Bwisit pa din ako sakanya.

"We aren't close. Wag kang feeling diyan." Sabi ko. Gusto ko syang asarin ngayon.

"Eh, alam ko, syempre kakakita palang natin nung isang araw e. Gusto ko lang naman makipag friends. Nabaitan kasi ako sayo." Sabi nya pa.

Wow! Ang bilis namang humupa ng inis nya at gusto nang makipag kaibigan sakin ngayon. Well, baka may gusto sakin to.

Iba na talaga pag gwapo

Bulong ko pa sa sarili ko.


"Friends? Sorry, di ako nakikipag friends sa mga gusgusin."

"Hoy aba! Wait, may nunal ka. Kaya pala e! Ikaw yung monggoloid na nasa canteen. Kala ko pa naman yung isa kang walang nunal, ay ewan!" Sabi nya pa na parang nalilito.

Nagkita na siguro sila ni Bradley at napagkamalang ako si Bradley. Narawa tuloy ako bigla sa reaksyon niya.

"Well, ayoko makipagkaibigan sayo!" Sabi nya sakin.

"Oopppss! Sinabi mo na kanina e. Wala ng atrasan. Babaan mo na din kasi pride mo. May gusto ka sakin noh?" Nilapit ko ung mukha ko sakanya para kiligin naman tong babaeng to.

Tas biglang...


*pak*




"Aray ko! Bakit mo ko sinampal?" Inis kong tanong sakanya.

"E, bat mo kasi nilapit ung mukha mo?!" Bwisit na sagot nya.

"Arg! Peste ka talaga. Nagkamark tuloy." Sabi ko at hinimas himas ko ung pisnge ko.

"Hays, o sige na nga, sorry. Akin na nga." Sabi nya kaya lumapit sya at hinawakan ung pisnge ko. Masakit naman talaga kasi yung tumama pa e ung singsing nya.

Dugdug.

Takte! Bat tumutunog to? Wala ba tong stop o snooze man lang? Ang lakas!

Halatang namula ako sa ginawa nya kaya di ko alam ung gagawin kong reaksyon. Di ko aakalain na gagawin nya un.

Putspa alam kong parang ang bakla. "U-uhmm, o-okay na naman." Nanginginig ko pang sabi para lumayo sya.

"O sige, sorry a! Bati na tayo?" Sabi nya at ngumiti pa na sobrang angelic ung mukha. Shet!

"A-ah, sige. Basta wag mo na kong sasampalin a." Sabi ko naman sakanya.

"Hahaha! Sigee. Babush na muna a." Sabi nya at naghiwalay na kami.

Totoo ba to?


Nagkakagusto ako sa babaeng hindi ko aakalain na magugustuhan ko.

❤❤

Author's Note:

Hello guys! I'm back. New story ko po ito. Iba sainyo iniisip kung sino ba ung mapipili kasi parehas naman silang bida.

Well...

Di ko rin alam kung sino yung mapipili HAHAHAHA!

Pagpatuloy lang po. Madaming secrets and revelations dito.

Follow me on my accounts:
Twitter: frnchscpdln
Instagram: itsmefranchesca23

Thank you! Please vote and comment. Nakaka touch po ung mga positive comments*^O^*

Thank you!

Love, FP!

❤❤

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon