Brandon's POV
Nilapitan ko ang kambal ko. Ang kapatid ko na kasama ko magpasimulang bata pa kami.
Isang kapatid ko na nakahiga sa lapag at umaagos ang mga dugong natusok ng bubog ng salamin.
Kung kanina grabe ang iyak ko, mas grabe ngayon. Kasi hindi ko nanaman inisip yung kagaguhang ginawa ko. Ang kagaguhang pwedeng bumawi sa mahal ko sa buhay.
For the second time, nagsakripisyo sya para sa ikabubuti ko. Hindi ko maiwasang lumuha ng lumuha.
"Bradley, sorry!" Hindi pa rin tumitigil ung luha ko.
"H-haha. Shh! P-para k-ka namang b-bata e. P-parang y-yung dati lang. G-ginawa ko to dahil kapatid kita. Mahal kita kaya kahit buhay kaya kong ibigay..." Sabi niya at ngumiti sakin. Mas naiyak ako sa mga sinasabi nya. Naaawa ako sakanya.
"... B-brandon, i-ingatan m-mo si Z-zeminah ha? W-wag mo sya sasaktan kundi m-mumultuhin kita. A-alam mo bang a-ang pinaguusapan namin kanina ay iyong pagiwas namin ni Zeminah sa isa't isa para sa ikabubuti mo. H-eto pala yung regalo ko sayo sa birthday nating dalawa sa october 15, sa friday na..." May kinuha sya sa bulsa nya kahit hirap na hirap na sya at ako... Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak.
"Sorry a, nabasa kasi e. Paarawan mo na lang ha..." Inabot niya yung papel na naglalaman ng pirma namin sa promise namin noong bata pa kami.
"...Gusto ko kasing ipaabot sayo yan sa pamamagitan ni Zeminah para maalala mong sumunod ako kahit papaano sa promise natin. Brandon... Mahal na mahal kita bilang kapatid ko. Kasama ko sa buong buhay ko. Salamat! Salamat sa lahat." Unti unting pumikit ang mga mata niya.
"HHIIIINNNDDDDII! BRADLEY, GISING! PLEASE. SIGE NA NAMAN OH. KAKANTA NA KO NG 5 LITTLE MONKEYS TUWING GABI. MAGPAPA TRIP NA KO SAYO. PLEASE NAMAN OH, GUMISING KA JAN."
❤❤
Ako si Brandon Joshley Co. Isang tangang lalaking nagpadala sa pag ibig pero hindi inusip ang magiging kalagayan ng kapatid ko.
Naging makasarili.
Naging selosin.
Tinignan lamang ang mga problema sa buhay.
Naging isang kapatid na walang kwenta.
Nagsisisi ako sa mga bagay na nagawa ko-- sa lahat lahat.
Lalo na, sa isang iglap mawawala ang kapatid mo-- lalo na kambal ko pa sya.
Kambal na pinanganak ng sabay.
Kambal na magkasama sa lahat ng problema.
Kambal na nagraramayan sa hirap at ginhawa.
Kambal na hindi maipaliwanag ang kasiyahan kapag magkasama silang dalawa.
Ayan ang nararamdaman ko. Pighati at hirap. Lalo na masakit isipin na mawawala na ang kadugtong ng buhay mo.
Patawarin mo sana ako, Bradley.
In memory of
Bradley Joshua CoBorn: October 5
Died: October 3
"Brandon, will you choose Zeminah as your wife?" Tanong sa akin ng pari para tumigil ang isip ko sa pag iisip ng nakaraan.
"Yes, I do."
❤❤
Author's Note:
Yes tapos na! Thank you po sa pagbabasa. Please, I highly appreciate if you vote and comment!
I love you guys!
Love,
FP

BINABASA MO ANG
Twin Hearts
Fiksi RemajaDalawang magkapatid ng ipinanganak ng sabay. Lahat ng saya, lungkot, galit, inis, kalokohan pinagdaanan nila ng sabay. Pero paano kung iisa din ang kanilang babaeng magustuhan? Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang pipiliin? Twin Heart...