Brandon's POV
October 12
Isang napakahalagang okasyon ang gaganapin ngayon. Isang engrandeng debut ang gaganapin sa babaeng gusto ko-- gusto namin ng kapatid ko.
"Kaps, gwapo ba?" Tanong nya sakin na inaayos ayos pa yung necktie nya.
"Oo kaps! Nagmukha ka ng unggoy. Dati alien e. May improvement ngayon." Binatukan nya naman ako.
"Well, magkamukha lang naman tayo kaya wag kang ano jan." Pagliligtas naman nya sa sarili nya.
"O, ayos na ba kayo?" Tanong samin ni Mama.
"Opo, paalis na rin po kami." Lingon ko naman.
"Sige, mag ingat kayo a. Wag masyadong iinom baka mapano pa kayo sa daan." Bilin samin ni Mama.
"Opo! Sige ma, una na kami."
Sabi naman at sumakay na sa kotse. Si Brandon na yung nag drive dahil sya ang bihasa jan.
"Uy! Andito na pala sila Brandon!" Masayang bati samin ng nanay ni Zeminah.
"Ay tita, regalo po namin kay Zeminah!" Sabi ni Bradley na abot tenga oa ang ngiti.
"Grabe, ang laki naman nito. Sige, maupo muna kayo jan mga hijo a." Sabi naman nya.
After a minutes, the program begins.
"And I am proudly presenting, my one and only daughter... ZEMINAH PATRIMONIO!"
The girl in a blue dress started to go downstairs. Napakaganda ng gown nya. Unti unti naming nakita ang ganda ng mukha nya.
Mas lalo akong nafall p*ta! Tinignan ko si Bradley na hanggang ngayon ay nganga pa din.
Nagpalakpakan ang mga tao. Napakaingay pero ang tangi ko lang naririnig ay yung tibok ng puso ko at sya lamang ang nakikita ko.
Nagsimula na nga ung program at...
"18 roses na!" Excited na tugon ni Bradley dahil kasama kami sa 18 roses nya.
"Baliw! Hindi pa may 4 candles pa e." Sabi ko sakanya dahil di pa nga tapos ung candles.
Napansin kong lumapit ung nanay ni Zeminah samin. "Ahmm, Brandon pwede ba kita makausap. Wait lang Bradley a." Tumango naman si Bradley at bumalik sa program.
"Ano po yun?" Tanong ko.
"E kasi... Yung pang 18 rose ni Zeminah which is yung Daddy nya e nawawala. Bumili ata ng case. Malapit na kasing magsimula e. Pwede bang ikaw na lang yung pang 18th?"
"A-ah, kasi po si Brad--"
"Naku! Wag mo na isipin si Bradley pang 17 naman sya e. Kailangan lang talaga ng pang 18." Pagpapaliwanag nya. Wala na kong nagawa dahil umalis na rin agad ang mommy ni Zeminah.
Lagot!
... The program flows very well.
"16th rose, Angelo Ripulao." Announce ng mc.
"Bakit di pa tayo tinatawag dalawa?" Tanong sakin ni Bradley.
"Baka kasi--"
"Ibig sabihin maari akong maging 18 ni Zeminah?! Waaahh! Sana nga." Sabi nya. Di na ko nakapagsalita at napa facepalm na lang.
"17th rose... Brandon Joshley Co." Halatang may halong lungkot si Brandon. Pumunta na sya ng harap at sinayaw si Zeminah.
"18th rose... Bradley Joshua Co." Lumapit na ako sa harap kung saan sumasayaw pa sila ni Zeminah. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Brandon dahil alam ko...
Galit sya.
"M-may I dance with her?" Nanginginig ko pang tanong sakanya na parang ayaw nya ng bitawan si Zeminah.
Nagtitigan lang kami. "Oo... Pero sa susunod, hindi na." Naglakad sya at binalikatan pa ko.
Nagulat ako sa sinabi nya lalo na sa inakto nya sakin. Mangyayari nanaman ba yung dati? Sinayaw ko nga si Zeminah.
"Bradley... Alam kong mahirap to para sayo pero ako na ang unang magsasabi sayo...
...Hindi talaga ikaw ang pinili ni Mama. Ako ang nagpapili sayo. Bradley, mas gusto kita kaysa kay Brandon. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ko maipaliwanag yung nararamda--"
"Shh," napayuko na lang ako. "Zeminah... May gusto din ako sayo pero pinipilit kong huwag kasi may gusto sayo yung kapatid ko, yung kambal ko. Ang hirap makita na nagpaparaya ka kahit ang sakit. Ayokong saktan yung kapatid ko kaya please, huwag na lang. Pilitin mo na lang na magustuhan sya. Mahal kita pero para sa ikasisiya ng kapatid ko...
...magpaparaya ako."
❤❤
Author's Note:
Ey wait! Di pa po yan yung ending kaya continue pa po. Last 2 chapters na po kaya please guyz, suportahan nyo po.
Please VOTE AND COMMENT! Kahit 2 na ko makatulog basta lang dito. Kayo ang inspirasyon ko at ang eyebags ko ang saksi dito.
Thank you!
Love,
FP
BINABASA MO ANG
Twin Hearts
Dla nastolatkówDalawang magkapatid ng ipinanganak ng sabay. Lahat ng saya, lungkot, galit, inis, kalokohan pinagdaanan nila ng sabay. Pero paano kung iisa din ang kanilang babaeng magustuhan? Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang pipiliin? Twin Heart...