Zeminah's POV
Nagulat ako ng in-add ako ng kambal. Syempre di naman ako snob kaya inaccept ko din.
Mas nagulat pa ko ng magchat pa sila ng sabay sakin. As in, sabay talaga!
Hindi ko na alam e, mabait silang dalawa. Si Brandon kahit asungot un, mabait din pala sya.
Pero...
Feel ko....
Mas lamang yung focus ko kay...
Bradley.
The way na nagcha chat kami, sya ung una kong vini view kaysa kay Brandon.
Brandon's POV
Dumating ang mga araw. Madalas kong nakikita si Zeminah-- dahil na rin siguro na lagi ko syang hinahanap.
"Uy, hi Zeminah." Bati ko sakanya."Ahmm, hi Brandon. Bakit ka pumunta dito?" Tanong nya sakin.
"Sus! Nagtaka ka pa e lagi naman kitang pinupuntahan dito. O, eto pala chocolate." Binigay ko sakanya yung chocolates na binili ko para sakanya.
"A-ahhm, bakit? Anong meron?"
"W-wala lang. Peace offering?" Di ko siguradong sagot ko. Gusto ko lang naman talaga syang makita.
"Ah, sige salamat." Pabalik na sana siya sa room nila since recess naman ngayon.
"Wait!" Pagpigil ko sakanya.
"Ano yun?"
"M-may gusto lang sana akong sabihin." Humarap naman sya at umaktong pariringgan niya ko. Napalunok ako. "M-may gusto na kasi ata ako sayo." Pautal utal ko pang pagsabi.
"Brandon, alam ko. Halata naman e." Sabi niya at nagsmile pa sakin.
"Pwede ba?"
"Anong pwede ba?" Tanong nya na nagiisip isip pa.
"Pwede bang manligaw?"
"U-uhmm, di ko pa alam e kasi ba--"
"Maghihintay ako! Gagawin ko lahat. Zeminah, di ko alam kung bakit to nangyari sakin pero nagustuhan kita. Ikaw lagi kong hinahanap. Ikaw lang yung babaeng pag nakita kita, lalakas yung kabog ng dibdib ko. Alam kong ang bakla Zeminah pero ito yung nararandaman ko." Pag amin ko sakanya.
"Ikaw bahala. Kung kaya mong matagalan yung panliligaw HAHAHA!"
"Baliw ka naman e. Syempre oo!"
Bradley's POV
Iiwasan si Zeminah.
Iiwasan si Zeminah.
Iiwasan si Zeminah.
Arg! Parang di ko kaya. Kanina pa ko nagmumukhang giraffe sa sobrang extend ng leeg ko para lang makita ko sya.
Bakit pa kasi pareho kami ng magugustuhan e.
Baka maulit nanaman yung dati.
"Hoy pre ano bang problema mo? Para kang Ninja turtle jan!" Sabi ni Harley sakin.
"Eh, kasi e..."
"Inlove ka noh?" Tanong sakin ni Klein. Di naman ako makatingin sakanila ng diretso kasi, takte! Di ko kaya e.
"Oo yan sigurado yan pre!" Pangungutsa naman ni Jed.
"Eh, sino ba ha?" Sabay akbay pa sakin ni Klein. Lumingon lingon muna ko sa iba't ibang direksyon para masure kung wala si Brandon.
Wala si Brandon dahil may group meeting sya kaya pwede kong makwento kila Klein ung tungkol dito.
"A-ano kasi e... Si Zeminah."
"Ow shet! Yung babaeng nakaasaran ni Brandon sa canteen?!" Mukha silang mga tarsier sa laki ng mata nila.
"E di ba... May gusto din si... Brandon dun?"
"Ayon na nga yung problema pre e. Nangyari nanaman yung dati." Tugon ko naman.
"Pre, iwasan mo na lang si Zeminah. Ikaw na magparaya." Advice ni Jed.
"Tanga! Edi sya naman masasaktan." Pagkontra naman ni Harley.
"Para sakin pre, mas maganda kung ipagpatuloy mo na lang pero wag mo lang papaalam kay Brandon. Wala namang masama sa may gusto nyo ung isang babae e, ang masama lang e ung mas gusto nya ung isa kesa sa isa."
Napaisip ako sa sinabi ni Klein. Tama sya. Mawawala rin naman to at kailangan di ko hahayaan ang sarili kong ma-fall ng tuluyan kay Zeminah.
"Eh teka! Ano ba nangyari ung sa 'dati' at ayaw nyo na ulit mangyari ha?" Tanong samin ni Harley.
❤❤
Author's Note:
12 na pala jusmiyo! Ano nga ba ang nangyari dati? Malalaman po natin yan sa next chapter.
Please VOTE and COMMENT sa story parts dito. Thank you! Follow me and request to followback.
Love,
FP.
BINABASA MO ANG
Twin Hearts
Teen FictionDalawang magkapatid ng ipinanganak ng sabay. Lahat ng saya, lungkot, galit, inis, kalokohan pinagdaanan nila ng sabay. Pero paano kung iisa din ang kanilang babaeng magustuhan? Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang pipiliin? Twin Heart...