Brandon's POV
Nasa canteen kami ng mga barkada (kasama ang kambal ko na si Bradley) ko at nagkukwentuhan.
'Ang gwapo ni Brandon. Waah!'
'Hindi kaya! Mas gwapo si Bradley.'
'Che! Bet ko silang dalawa.'
'Sino ba jan si Brandon?'Kamote! Walang katapusang pagko kompara. Oo, nakakasawa talaga mapagkompara sa ibang tao, lalo na sa kapatid mo. Sasabihin kung sino mas gwapo, mas magaling, mas mabait at kung ano pang gusto nilang sabihin.
Nababanas talaga kami ni Bradley jan. Kaya kami ni Bradley, di na lang sila pinapansin. Buong buhay namin kinokompara na lang kami palagi.
Madami sakin nagkakagusto pero ni isa wala akong gusto. Barkada lang talaga ako.
"Mga bro, bili na tayo ng mga pagkain." Pag aya samin ni Klein Gordosa, barkada rin namin. Siya ang pinaka chickboy dahil sa isang week lang, 8 babae na ata pinapabagsak.
"Halika na!" Sabi naman ni Jed Paslao. Eto ung pinakamakulit samin. Parang tanga lang na sasayaw sayaw sa di niya kilala. Tas sasabihin niya pa "Tignan nyo ko!" Tas sasayaw siya ng Lamby lanby dance ampota! Ambakla HAHAHA!
Tas Tumayo na kami at halata sa mga tao na umiiwas sila dahil kilala sa campus.
"Excuse me. Darating ang mga gwapo." Pagbibiro pa ni Harley Yujeros, eto yung pinaka 'ggss' sa barkada namin. Feel na feel niya yung paglalakad niya sa hallway. Para syang may powers at nagpadaan ang mga taong nakapila.
"Libre ko na mga order nyo." Isang bored look na tingin samin ni Franz Desquiao, ang pinakamayaman samin. Isang sabi niya lang sa gusto nya e aba! Andiyan na agad.
"Yun na lang sakin Franz." Sabi ni Bradley, ang kakambal ko. Nagorder na nga sila na libre lahat ni Franz.
"Ehem!" Sabi ko dahil may isa pang stay strong na babaeng nakapila sa harap namin.
Napatingin naman sya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Anong problema mo?" Saad nya pa.
"Ikaw. Nakaharang ka kasi sa pila." Sumbat ko naman. Napangiti sya at sinabing...
"For your info, pila to. Kung sino ung unang pumila sya din ung unang taong makaka order. And pangalawa, kanina pa ko dito at kakarating nyo lang ata. Ako pa pagsasabihan mo ng nakaharang?!" Angas nyang sumbat.
"Pre angas ng babaeng to." Bulong ni Klein sakin na natatawa tawa pa.
"Kaya nga e." Napapangiti namang sambit ni Harley.
"Miss... Hindi mo ata kilala pinagsasabihan mo nyan." Napangiting sabi ko sakanya.
"Well, wala akong pake kung sino man kayo." Sabi nya at kinuha na ang order nya.
'Ooowwww!'
Asar pa ng mga ibang tao dito sa canteen. Siguro nagulat sila na ginanon lang ako ng babae.
"Pre, duwag ka na pala sa mga babae." Natatawang tugon sakin ni Jed.
"Lul, pinigilan ko lang sarili ko. Kailangan kasi ng pagtitimpi sa mga ganong klaseng babae." Pagpapaliwanag ko naman sakanya.
"Aaaaahhhh ganon naman pala pfft! Hahahaha!" Sabi nilang lahat habang nagtitinginan pa.
❤❤
Bradley's POV
"Mga pre punta muna ko sa music room may naiwanan pala ko don." Pagsabi ko sakanila at humiwalay na sa kanila.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ung babaeng kasumbatan ng kambal ko kanina.
Nakita nya rin siguro ako. Ngumiti naman ako sakanya para friendly naman kahit papaano.
"Ha-ha!" Sabi nya sakin kaya tumigil ako para pakinggan ang sasabihin nya. "Kung akala mo madadaan mo ko mga ngiti mong yan para magkaayos tayo hindi! Di ko makakalimutan ang pagmamaliit mo saking sabi kanina. Kala mo kung sino ka!"
Natatawa pa ko kaya nagsalita na agad ako "Wooh! Easy." Sabi ko ng nakataas pa ung dalawa kong kamay. "Hindi ako yung tinutukoy mo-"
"Hoy! Di ako tanga para utuin mong hindi ikaw yon. Kamukhang kamukha mo sya kaya don't me!"
"Hindi, i mean, kambal ko sya. Okay?" Pagpapaliwanag ko naman sakanya. Natigilan naman sya.
"Weeehhh?!" Sabi naman nya. Natawa naman ako sa reaksyon nya, kasi lunaki pa ung butas bg ilong niya.
"Hahaha oo. Kaya ako na lang magso sorry sa ginawa ng kambal ko. Ganon kasi talaga yun."
"Hoy! Baka naman inuuto mo lang ako." Sabi nya at may tingin pang naninigurado.
"Hindi a. Promise! Ako walang nunal, sya meron." Pagpalaliwanag ko.
"Hmm, oo nga noh. Sige una na ko at baka mapagalitan pa ko." Paalam nya naman sakin at ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad para kunin ung naiwan kong gamit.
❤❤
Author's Note:
Hope you like the first chapter. Please vote and comment.
Follow me on my social media accounts:
Twitter: DearChinderella
Instagram: dearchinderella❤❤
BINABASA MO ANG
Twin Hearts
Teen FictionDalawang magkapatid ng ipinanganak ng sabay. Lahat ng saya, lungkot, galit, inis, kalokohan pinagdaanan nila ng sabay. Pero paano kung iisa din ang kanilang babaeng magustuhan? Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang pipiliin? Twin Heart...