Truth has Revealed

67 6 1
                                    

Brandon's POV

"Kaps, tulog ka na?" Tanong ko kay Bradley.

Gabi na kasi at tahimik. Di ako makatulog kasi may gusto akong itanong kay Bradley.

Nasa double deck kami. Ako sa baba at sya ung nasa taas. Gusto ko lang mangambala dahil wala akong karamay para magpuyat.

"Di pa kaps, bakit?" Tugon niya sakin kaya bumuntong hininga ako, di ko alam kung tatanungin ko pa ba.

"Kaps..." Tanging sabi ko sakanya.

"Oh?"

"Di ko kasi alam kung paano ko sisismulan e." Sabi ko naman. Tangina ang bakla ko ngayon.

"Kaps, wala namang ganyanan. Ngayon ka ba aamin kung kailan noon, magkasabay pa tayo maligo ng hubo't hubad?" Sabi niya sakin, napatayo naman ako at sinuntok sya sa braso.

"Gago!" Sabi ko sakanya at napatawa naman siya ng malakas.

"Hahaha eh ano ba un?" Tanong nya sakin na natatawa tawa pa.

"Kaps... Kasi... Hays... Sige na nga! KINAIN MO BA YUNG GUMMY BEARS KO SA REF?" Tanong ko sakanya.

Natahimik sya ng mga 10 seconds. "PFFFTT! HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA TANGINA SERYOSO KA PA JAN A. HINDI AH! INUBOS MO NA YUN NUNG ISANG ARAW HAHAHAHAHAHA!"

"Gago, uto-uto sa tingin mo ba ayun talaga ung tatanong ko? Hahaha." Pagpapaliwanag ko naman sakanya.

"HAHAHA e ano ba kasi yun?"

"Gusto ko lang itanong kung... May natitipuhan kang babae ngayon." Seryoso kong tanong sakanya.

Natahimik ulit sya. "A-ah, ikaw muna."

"H-huh? Meron kasi kaps."

"Sino? Sher mo naman kaps!" Sabi nya at napaupo pa sya sa double deck at sumilip pa sakin.

"Bumalik ka nga jan sa hinihigaan mo! Mukha kang halimaw e." Sabi ko at binato pa sya ng unan.

"Lul! Oh eto na." Sabi nya at bumalik nga sa kinahihigaan nya.

"Putspa! Di ko kasi aakalain e, tipo ko lang naman pero di pa literal na gusto..."

"E sino nga?"

"Yung babaeng nakaawayan ko sa canteen ng pumila tayo. Kasi alam mo kaps, grabe, mabait sya! TANGINA ALAM KONG ANG BAKLA PERO WALA KONG MAGAGAWA. TAS NAGKAUSAP KAMI NG MAAYOS. NILAPIT NYA PA YUNG MUKHA NYA SAKIN. Kaps, nag blush ako HAHAHAHA SYEMPRE JOKE LANG!"

"H-Hahaha, ah ayun ba? U-uhmm, mukha ngang mabait sya." Tanging sagot nya lamang.

"Talaga! E ikaw kaps, may gusto ka ba? Alam kong meron kaya wag ka na magdeny. Sino ba ha?" Tanong ko sakanya na may tono pang nangaasar.

Natigilan sya ng mga 50 seconds. Siguro natatawa pa ang mokong. "U-uhmm, s-si Briana."

"Tangina, si Brianna?! Kaya pala may spark sainyo lagi pag magkasama kayo." Sabi ko naman sakanya.

"A-ah oo, sige, tulog na ko kaps. Naantok na ko e." Saad nya.

"Sige kaps. Ako din!"



❤❤

Author's Note:

Hmm, ano na kayang mangyayari sa susunod? Thank you po sa pagpapatuloy na pagbasa sa story ko.

Please VOTE and COMMENT! I love you guyz😘

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon