Chapter 9

34 2 0
                                    

Third Person's POV

Nagtanong si Andrei na nagdahilan kung kaya't na mula ang pisngi nito at naging dahilan ng kaunting pagtawa ni Lexi.

"Uhm, Lex. May tanong ako, kailan mo ba ko sasagutin?"

Hinawakan ni Lexi ang magkabilang pisngi ng manliligaw, dahilan para magkatinginan sila.

"Naiinip kana ba?"

"I-i mean, h-hin—"

"Kami. Naiinip na kami." Isip ni Xena.

"Dapat pala tape recorder nalang. Umalis na kaya tayo dito?" Suhes ni Xena.

"Ah, sige." Naglakad na si Xena habang nakayuko.

Akala nya nakasunod na si Nixie sa kanya, pero nandoin pa din ang dalaga at nakamasid tsaka palang sumunod.

"Sasagutin kita sa isang kondisyon." Sabi ni Lexi na narinig ni Nixie.

Natigilan si Nixie. Napaisip sya kung anong 'kondisyon' ang tinutukoy ni Lexi bago tuluyang sumunod sa kaibigan.




Drei's POV

1:00 PM palang ng tanghali ay nasa kotse na kami ni Lexi para maipaliwanag nya na kapag nasa bahay na nila kami kung paano yung plano.



_____


Nasa bahay na kami ni Lexi ng nagpaalam sya para mag bihis.

Nang makababa na sya, bigla nalang syang sumampa sa couch na kinauupuan ko.

May dumating naman na maids na may dalang pagkain. Pag kababa ng pagkain inutusan naman ni Lexi na umalis ang mga kasambahay pati yung mga taong nakapaligid sa bawat sulok ng bahay nila.

"Kailangan maipalabas mo sa campus na hindi mo na ako nililigawan." sabi ni Lexi habang kumukuha ng merienda.

"Paano ko magagawa yun?" Tanong ko kay Lexi, napataas nalang ang kilay nya.

Lexi's POV

Napataas ako ng kilay dahil sa tanong nya.

"Ang tanga naman nito. Kung hindi ko lang gagamitin toh eh.." Bulong ko sa sarili.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang dapat nyang gawin.


_____


Hinatid ko sya sa may labas ng bahay at nag paalam na ko sa kanya. Nag madali naman akong pumasok ng bahay para tawagan si Xavier.

Calling Xavier . . . .

"Hello, babe!"

Napingiwi ako dahil endearment nya.

"Pumunta ka na dito. Madami tayong pag-uusapan." Sabi ko sa kanya at agad na pinutol ang linya.


_____

May bigla bigla nalang pumasok at sumigaw ng, "Na miss kita, BABE!" At hinug ako bigla. Ew.

"Get off me!" Bulyaw ko. At napansin ko naman na nag iba ang mood nya.

Napaupo nalang sya sa kabilang couch. Tss, napa irap nalang ako. How childish.

"Stop that childish act at makinig ka sakin." Tumango naman sya agad.

"Make that Xena girl fall for you and break her heart.. Blah blah blah, you know how it works naman na eh, alis ka na, shoo!"

"Anything for you, princess." Ugh. Stop with the endearments.

"Yah yah. Whatever, bye, shoo! Bilis!" Hays. Nakaka stress. 2 down. Last one to go.

I'll make them suffer. Bakit? Nakukuha nila lahat ng mga gusto nila. Atensyon. Fame. Pagmamahal ng mga magulang. Pinakakilalang kompanya, hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo. Hindi na kailangan ng pamilya nila na magpakahirap pa para lang maging kilala.

At ako, wala ng nakukuha sa magulang ko na kahit isang papuri manlang. Lahat halos ng relatives namin laging ako nalang binubungangaan, even my own parents.

"Wala kang kwentang anak kung hindi mo magagawa ang pinagagawa ng mga magulang mo."

"Iyan na ba ang anak na pinagmamalaki ni Ocampo? Bakit parang palamon lang naman?"

"Galingan mo pa kasi. Kapag di mo ginalingan magiging pabigat ka lang sa mga magulang mo."

"Ano ba yan?! Walang kwentang anak!"

Wala pa sa kalahati ang mga yan. Kaya kong tanggapin lahat ng mga sinasabi ng mga Tita at Tito ko. Pero ang sabihan ka ng sarili mong magulang ng 'walang kwentang anak'.

Lahat nalang ata nasa Reyes, Rivera, at Dela Cruz na. Sila ang may kasalanan kaya wala ng panahon ang magulang ko sakin.

-flashback-

"Ma, pwede ba kayong umuwi dito ni Papa sa pasko?" Hindi maalis sa mukha ko ang saya nung sinagot ni Mama ung telepono.

"ANO BANG SINABI KO SAYO?! HINDI BAT SINABI KONG, HINDI. NGA. PWEDE!! NAPAKAKULIT MO TALAGANG BATA KA! WALA KA NA NGANG NAGAGAWA MABUTI! PALAMUNIN KA LANG! WALANG KWENTA!"

Pagkasabing pagkasabi ni Mama nun binabaan nya na din ako ng linya. Napaupo ako sa kinatatayuan ko habang nagpupunas ng luha.

Maya maya pa ay may lumapit sakin na isa sa mga katulong namin sa bahay.

"'Nak, alam mo namang nagpapakahirap ang mga magulang mo para maging pinakakilalang kompanya sa buong mundo hindi ba?" Napatango nalang ako habang nakatingala kay Nanay.

"Oh iyon naman pala eh. Ginagawa din nila yun para makapasok ka sa isang magandang paaralan. Kaya tumahan kana dyan at pumunta kana sa iyong kwarto." Tinulungan akong makatayo ni Nanay at hinatid nya din ako hanggang sa kwarto.

-flashback ends-


Pinahid ko na ang ilang mga luha na kanina pa tumutulo sa pisngi ko at tsaka ako umakyat ng kwarto.

Pinanghahawakan ko ang sinabi sakin ni nanay na hanggang hindi nagiging pinakakilalang kompanya ang kompanya nina Mama ay hindi nila kami mabibigyan ng atensyon ng kuya ko.

Kung hindi namin makuha ang atensyon na kailangan namin. I'll make them suffer first.



Drei's POV

Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto bumungad na kagad sakin si Xen.

"Hi, kuya!" Maligayang bati nya kaya napangiti ako. Pero agad din 'yong nawala nung mahagip ng mata ko si Sam.

Kaya nga kaya ng konsensya ko?

"Ayy, nga pala kuya. Dito nalang muna sila ah. Para sabay sabay na kaming pumasok bukas." Naagaw ng atensyon ko si Xen na bakas ang tuwa dahil kasama nya ang mga kaibigan nya.

Napatango nalang ako at tsaka umakyat na papunta sa kwarto ko.

Kaya ko nga ba talaga? Kapag sinaktan ko si Sam paniguradong masasaktan din ang kapatid ko.

Kakayanin ko to




Para kay Lexi...

Fake LoveWhere stories live. Discover now