Chapter 1

227 12 5
                                    

Sam's POV

"Xen.. May aaminin ako sayo.."


"Ows?" Takang tanong sakin ni Xen.


"Uhm.. Ano kasi. Ahm, G-Ganto kas—" Nauutal na sabi ko sakanya.

"Dalian mo naman! Papabitin ka pa eh!"

"A-Ano kasi e.. c-crush ko kasi yung k-kuya mo.."

Ako nga pala si Samantha Dela Cruz. I'm not your typical student since andami kong drama sa buhay— katulad ng nangyayari ngayon. HAHAHA.

"ANO?!" Sigaw ni Xen na dahilan para mapatingin samin ang ibang students. "Hehe. Sorry po, nabigla lang." Paumanhin ni Xen sa mga students na napatingin.

"Bakit? Paano nangyari yun? Kailan pa? Bat parang hindi naman? Hala pa—" Sunod sunod na tanong ni Xen.

"Huy, pwede ba? Eh pano makaka sagot yung tao, sunod sunod yang tanong mo?" Inis na singit ni Nixie.

Sila sina Xena Reyes at Nixie Rivera mga kaibigan ko simula pagkabata. Nagkakila-kilala kami simula ng dahil sa mga magulang namin na magkakaibigan din.

"Okay, okay. Eto na." Malumanay na sabi ni Xen.


"Ewan ko talaga kung kelan o paano nangyari. Basta nagising nalang ako na pag kinaka-usap ko sya, bigla nalang akong naiilang na ewan. Aish! Basta, ang hirap i-explain!" Sabi ko.


Kaya bigla namang kumunot yung noo ni Nix at tinignan ako habang naka ismid.

Ganon ba ka cringey yung sinabi ko?

Umiling-iling nalang si Nixie at nag make face na para bang nandidiri.

"Omg. May pumutok ba, beh?" Sabi ni Xen na may nakakalokong ngiti. Binalewala ko nalang sya, dahil magsisimula na naman sya sa mga nakakadiring jokes nya.

"Grabe ka naman, Nix. Diring diri ka sa sinasabi ko. Ano bang mali dun?" Pagpapa-cute na tanong ko kay Nixie.

"Wala naman akong sinabi na nangdidiri ako ah?"

"Pero halata sa expression mo eh.." Naka nguso kong sabi.

Hindi nya naman ako kinibo at patuloy na umiling-iling at ganon pa rin ang expression sa muka nya.

Eto talagang babaeng toh.. kahit kelan. Tsk, tsk, tsk.

"Ewan ko sayo, Sam. Basta iwasan mo yung kuya ko. Dahil alam mo namang may nililigawan na yun at mahal na mahal nya yung nililigawan nya. Tsk." Paalala ni Xen na halatang naiinis sa fact na may nililigawan yung kuya nya.

"Gago naman yung nililigawan ni Andrei eh. Mukang clown sa kapal ng kolorete sa muka. Idagdag mo pa yung sama ng ugali nya." Naka ismid parin na itsura ni Nixie habang dinescribe si Lexi.

"Para ngang may 'monthly overflow of the womanhood' yung nguso nun sa kapal ng lipstick nya eh! HAHAHAHA! TINALO PA SI MCDONALDS!" Humalakhak si Xen na nakipag-apir pa kay Nixie.

"Grabe naman kayo kay Lexi.." Manghang sabi ko sa kanila.


"Tss. Totoo kaya! Halos buong lalaki dito sa campus ay nakama nya na bago pa sya ligawan ni Andrei! Malandi talaga.." Inis na paliwanag ni Nix.

"Oo, tama! Tska idagdag mo pa yung regla nya sa nguso." Pag sangayon ni Xen.

Mga pinagsasabi talaga neto.


Maya maya pa ay...


"Oh nandyan na pala si Lexi idol!"


"Ang ganda ganda mo Lexi Ocampo!"


"Ang sexy mo talaga Lexi Ocampo!"


Yan ang mga sigaw ng ibang students nung nakita nilang pumasok ng canteen si Lexi.

"Arte naman ng Lexi na yan. Kala mo kung sino. Buti nga may humahanga pa dyan eh." Pagpaparinig ni Xen kay Lexi na agad namang lumingon sa pwesto namin.


Kahit kailan talaga tong Xena Reyes na to oh..

Maya maya pa ay nakita kong lumalapit sa pwesto namin si Lexi na may hawak hawak na juice na may madaming YELO!

Maya maya pa ay nakalapit na si Lexi sa table namin at sinugod si Xen.

"Anong sabi mo?! Ha?!" Nanghahamon na sabi ni Lexi.

"Ang sabi ko maarte ka!" Nakangising
sagot ni Xen. Uh-oh.


"Oops.. Sorry nadulas sa kamay ko. Natapon tuloy.." Pekeng simpatsya ni Lexi. Si Xen naman parang wala manlang naramdaman.

Humalakhak muna sya bago, "Tanga ka ba? Magtatapon ka ng inumin na may yelo, hindi mo man lang pinatagal ng ilang minuto? HAHAHAHA. Paano ako mahihimasmasan nyan? Tska paano madudulas sa kamay mo? Bakit? May lubricant ba yan?" Pang asar ni Xen.

Nag sitawanan naman yung mga students at napapahiya namang umalis si Lexi.


"Xen.. bat mo naman ginawa yun? Malalagot ka sa kuya mo pag nalaman nya toh.." Sabi ko kay Xen na nag-aalala para sa kanya dahil kapag nakarating to sa kuya niya siguradong malalagot siya.


"Hayaan mo yung kuya ko! Ayaw na ayaw ko talaga dun sa Lexing yun. Tsk." Parang walang pakeng sagot ni Xen.

"Tss. Ilang oras na sermon ang aabutin mo kay Andrei nyan." Comment naman ni Nixie.

"Bahala silang dalawa! Dahil ang ganong klaseng tao? Hinding hindi papasa sakin!" Sabi ni Xen na parang siguradong sigurado na siya.

"Hays.." Bumuntong hinga ako.







Fake LoveWhere stories live. Discover now