Chapter 13

41 4 4
                                    

Dave's POV



"Shet! Ba't ba ang gwapo ko?! Ang hot ko pa! Ano kayang kabutihan ang ginawa ko nong past life ko at ang hot ko?" Bumangon na 'ko para maligo at para na din makita na nang mga tao yung napakagwapo kong mukha.

Syempre, hindi ko na tatago 'tong mukhang 'to! Hindi naman ako ganon ka selfish para ipagkait 'tong gwapo kong mukha sa mga tao.

Pagkatapos kong magbihis lumabas na 'ko ng kwarto at pagkasarang pagkasara ng pintuan ko nagbukasan naman yung pintuan nina Xen at Drei. See? Ganon sila ka atat makita 'tong gwapo kong mukha, tsh.

"Xen, kumain kana kaya muna?" Rinig 'kong tawag ni Sam kay Xen mula sa loob ng kwarto.

May narinig na 'kong yabag ng paa mula sa kwarto ni Xen. Bigat naman ng paa neto.

Bumaba na kaming lahat habang si Xen nakaupo pa din sa may hagdanan at papikit pikit pa.

"Xen, bumaba kana d'yan madaming ulam, oh." Sabi ni Drei habang kumukuha ng kanin.

"Oo nga! Nandito din ako!" Dagdag ko kaya lahat sila nabilaukan. Man, ang gwapo ko naman para mabilaukan sila.

"Kadugyutan mo nanaman, ah.." Pag babanta ni Nix pagkatapos uminom ng tubig.

"Anong dugyot dun? Ang sarap ko kaya." Sabi ko tsaka pinakita 'ung killer smile ko na halos lahat ng tao pati ata hayop nahuhulog sakin.

Tignan n'yo si Lexi, patay na patay sakin 'un. Kaya lang lumalapit kay Drei kasi daw nahiya pa ang gaga.

"Pano ko ba toh naging kaibigan" Rinig kong bulong ni Nix.

Sasagot na sana ako nung—




"Kalabaw! Este, baboy pala! Oh, shit! Xen, ok ka lang?" Sabi ko habang tumatakbo kay Drei na tinutulungan si Xen na makabangon.

Inakay ko sa kaliwang braso si Xen habang si Drei naman sa kanan. Inupo namin s'ya sa may salas tsaka ako bumalik sa may dining area pagkatapos kong magpaalam kay Xen. At naabutan ko pa na nakatayo 'ung dalawang babae at gulat na gulat.

Dahil siguro nakita ako.

Pero pagkaupo ko palang bigla akong iniwanan nung dalawa para pumunta kay Xen, tsh. Hiya pa 'ung dalawang yun.



Xen's POV


Shit is real na talaga! Ang balak ko lang naman talaga ay h'wag pumasok ngayong araw at magkunwareng mahulog sa hagdanan para hindi makapasok. Kaso, shit. Nagkatotoo na mahulog ako sa hagdanan.

"Ayos ka lang ba? Ipapatawag ko si Doc. Ramirez. Sandali lang!" Kacringe naman 'tong si kiya. Nagpaikot ikot pa sa buong salas eh katabi ko lang naman 'ung phone.

Dinampot ko 'ung telepono tsaka binigay kay Kuya. "Hello? Hello, Shakeys?" Sabi ni Kuya. Kinuha ko sakanya yung telepono, "Ahh, hello? Si Xena Reyes to, ahh, oo. Tulad pa din nung dati. Ayy, sige sige. Thanks!"

"Kuya, okay lang ako. Kumain kana dun." Nguso ko dun sa dining are kasi papalapit sakin sina Sam at Nix at wala na ding kasama si Kuya Dave. Tumango si Kuya tsaka ginulo 'ung buhok ko. Sabay naman non ang paglapit nina Nix.

"Do I have to be proud or what?" Tanong ni Nix. Ngumiti ako ng super lapad.

"Hehehe, sorry. Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog talaga ako dun sa hagdan eh." Sabi ko habang nagpepeace sign.

Bumuntong hininga si Nix tsaka umalis. Napatingin nalang ako kay Sam na napapailing.

"Sabi naman kasi sayo eh. Nagpanggap ka nalang sana na may sakit. Mukhang hindi ka din naman papaalisin ng bahay ni Kuya Drei kapag may sakit ka eh." Hinila ko si Sam ng dahil sinabi n'ya at sinabing wag s'yang maingay.

"Kasi alam ni Kuya na kahit may sakit ako, papasok pa din ako. Tsaka, shh! Atin lang yun nina Nix." Pabulong na sigaw ko sakanya. Napatango nalang si Sam.

"Oh gusto mo bang dalhan kita ng pagkain d'yan o ihatid nalang kita sa kwarto mo?" Tanong n'ya. Sumenyas nalang ako na pakihatid nalang ako sa kwarto na ginawa naman n'ya. Shet! Kala ko masaya to. Magpapahinga lang pala ako buong araw nang may masakit na katawan. Hayyss.





Drei's POV

Napatingin pa ako sa kwarto ni Xen bago lumabas. Si Nixie daw magdrdrive nung kotse ni Dave, kaya magkasama sina Dave at Nixie sa iisang kotse. Habang ako naman, kasama ko si Sam sa kotse ko.



Katulad ng sinabi ni Lexi, kailangan kong mapalapit sakanya. Shit! Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimulang magusap eh.

"Uhh, Kuya, sa may coffee shop nalang po ako ahh." Sabi ni Sam.

"Huh? Why? Sa may gate nalang." Sabi ko habang lumingon sa kanya habang nakangiti.

"Eh, malayo po yung parking lot po dun sa may gate. Tapos po dun po sa may coffee shop, isang liko nalang po nandun na po yung parking. Ang epic kasi nung school ang layo nung parking lot, tch." Bulong n'ya. Napatawa nalang tuloy ako ng dahil sa sinabi n'ya.

"Sige na. Ihahatid na kita. Sa may front gate lang naman eh." Natatawang sabi ko habang lumilingon lingon sakanya. Napatingin s'ya sakin ng masama na ikinatawa ko.

"Tse! Bala ka sa buhay mo!" Sabi n'ya sakin habang umiirap na ikinatawa ko lalo. Cute.

Nakarating kami sa front gate ng school ng walang nagiimikan saming dalawa. Pabagsak nyang sinara 'ung pintuan tsaka umalis habang nakapout. Napangiti nalang ako sa kinikilos n'ya.




Lexi's POV




"Babe naman. Bakit ba bawal na tayo naman yung magkasama? Tsaka sino naman 'yang kasama mo?" Tanong nitong ni Xavier. Kaya ayaw ko dito eh. Ang kulit.

"Kasi nga hindi pwedeng nakikipagbutihan ka dun sa Xena na 'yun tapos makikita nila tayong magkasama! Tanga ka ba?!" Napatango nalang si Xavier tsaka umalis. Buti nalang at umalis na 'un kundi hindi ko na talaga s'ya papansinin.

"Baby, alis na tayo?" Tanong ko dito sa kasama ko. Hinatak ko lang to kanina, sumama naman kagad. Well, gwapo naman s'ya. Pero hindi ko s'ya type.


Hinatid n'ya lang ako sa classroom tsaka s'ya umalis.

"Hon, sino 'yun?" Tanong ni Z? Wait, s'ya ba si Z? Oh well, sadyang madami lang talaga akong naging mga boyfriends kaya hindi ko sila matandaan.

"Ahh, 'yun ba? Kaibigan ko lang 'un. Sabi ko nga wag na 'ko ihatid kaso ang kulit eh." Sabi ko tsaka umupo sa lap n'ya. Buti nalang hindi pumasok yung teacher namin. Kundi sisitahin na naman kami nun. Porket kasi ako maganda at s'ya, panget.


Pagkatapos ng klase uuwi na sana ako kesa may makulit na naman na humarang.

"Hey, how's your day?" Tanong ni Drei. Lumingon muna ako sa likod kung nagaayos pa ba ng gamit yung kasama ko kanina.

"Halika ka nga muna dito." Hinatak ko s'ya pababa kung saan wala ng tao, dahil baka makita nung kasama ko kanina at ng kung sino sino pa. Makalat pa, malaking problema pag nagkataon.


"Why?" Lumingon lingon pa s'ya sa likuran ko bago ako tignan.

"Bakit mo ba 'ko pinuntahan sa room namin? Sa susunod sabihin mo muna sakin kung makikipagkita ka o hindi. Hindi yung basta basta ka nalang na susulpot. Malay mo ba kung ipagkalat ng iba yan. Edi wala na lahat sa plano? At kapag nangyari yun 'di na kita sasagutin maliwanag?" Napatango nalang s'ya. Tumalikod na 'ko pero ang hindi ko inaasahan ay makikita kong naglalakad papalapit samin si Dave na halatang papunta kay Drei.


"Yeobo!" Sigaw ni Dave. Halatang wala naman s'yang narinig. Sana..

Tinignan pa muna ako ni Dave bago s'ya umakbay kay Drei. "Bakla.." Bulong ko tsaka umalis.

"At least 'di kasing panget mo. Bitch!" Napalingon ako at naglalakad na palayo sina Drei at Dave.

UGH! Naglakad na 'ko kung nasan 'ung kotse ko tsaka ko s'ya tinawagan.

"Coffee shop." Sabi ko pagkasagot n'ya. Sinimulan ko nang paandarin yung kotse ko papunta sa pagkikitaan namin..

Fake LoveWhere stories live. Discover now