Chapter 17

58 2 5
                                    

Dave's POV






Ang tagal naman nung lalaking yun! Kukuha lang ng damit, parang buong gamit na ata kinuha nya na.

"Kuya, matagal pa ba 'yon?" Tanong ni Xen kay Drei na halatang inip na inip na din. Ako din eh, kanina pa 'ko inip na inip. 'Wag n'yang sabihin na magsasama na sila nitong si Xen sa dami ata ng kinukuha n'yang gamit.

"Hintayin nalang natin s'ya, Xen.." Maiinis na halos na sabi ni Drei. Naku, tagal talaga!

Maya maya biglang lumabas si Xavier na may isang bagaheng dala. Napatingin din yung Ivan na halos makatulog na sa braso ni Nix.

"Tss. Ang kapal talaga ng muka." Sabi ni Nix na halatang tinutukoy si Ivan.

Nakakainis tong lalaki na toh! Nung una ko ngang makilala si Nix, isang buwan pa bago ko sya maka usap ng maayos. Pero itong Ivan na toh-

"Nixie, mahal ko!" Napalingon naman kagad sya ng may namumulang pisngi. HEOOLL! At nagbl-blush talaga s'ya dun sa Ivan na yun, ah!

Napakunot 'ung mga sexy kong kilay nung ngumiti sakin ng matamis si Nix. Hindi ko alam kung sarkastikong ngiti ba yun o ano pero, shit! Kapag eto naaalala yung 'muntikang' pagkakahulog nung ulo nung Ivan na 'yon! Ewan ko nalang! Nagseselos akoo!

"Mahal mo? Talaga ba?" Sabi n'ya habang nakangiti. Po- wala na! Ng dahil sa Ivan na 'yan eh! pakyu.

"A-!"

"HELLOOO! Tapos na 'kooo!" Nag-igting yung panga ko ng marinig 'ung boses ng lalaking-basta!

"Mukha nga eh. 'Di ka naman siguro papasok dito kung 'di ka pa tapos." Bulong ko. Napapikit nalang ako tsaka sumandal.

Nang maramdaman kong nasa bahay na kami, nauna na kong bumaba.

"A-anong nangyare 'don?" Rinig kong tanong ni Xavier.

"Oh, hijo, ba't ganyan ang itsura ng mukha mo ngayon?" tanong ni manang, pagkapasok ko.

"Gwapo pa din po ako! Ako lang po kaya pinakagwapo dito!" Sabi ko pagkaupo ko sa hapagkainan tsaka ngumuso. Tss, akala ba ng Ivan na 'yon mas gwapo na s'ya sakin?!

Nagsi-upuan na din yung ibang kasama namin. Yung Ivan nag aalangan pang umupo sa tabi ko. Maupo ka nalang! Nagaalala ka bang mas magwapuhan sakin si Nix kesa sayo?! Ha, dapat langg! Dahil mas gwapo talaga ako kesa sayo!



"Kuya- bakit kanina ka pa nguso ng nguso d'yan?" Sabi ni Xen tsaka salpak ng kutsara sa bibig n'ya. EW. Ganito ba 'to kagutom lagi para kumain ng ganito? O sadyang ganyan lang talaga s'ya araw-araw?

'Di ko s'ya sinagot tsaka bumalik nalang sa pagkain. "Halaa! Nixx, anong nangyare?" Buling ni Xen pero rinig na rinig pa din naman. Tch. Bubulong na nga lang, rinig pa.

"Malay ko." Sabi ni Nix tsaka inom ng tubig. Hmp, buti pa si Xen napansin ni Nix. Tas ako...


Nang mauna akong matapos kumain, umakyat nalang ako. Bukas o kung kailan nalang yung dare nina Sam. Na badtrip ako dun sa Ivan na 'yon eh!





Third Person's POV


Nagising sina Ivan at Xavier sa mga naririnig na mga kulitan at hiyawan mula kena Xena, Samantha, Andrei at Dave.


"AHH, WHOOOO! YASSS! ALIS NA 'KO! BABYEEE! FOOD, HERE I COMEEE!" Lumabas sina Xavier at Ivan at nakita nilang halos kumaripas ng takbo ang dalagang si Xena.

"OYY, BESSS! I'M OUTTT! BALA NA KAYO D'YAANN!" Nakita nilang ngumiti ng pagkalaki-laki si Samantha tsaka sumunod sa kabababang dalaga.

Nagtaka ang dalawa kung ano ang ginagawa ng apat. At kung bakit parang siyang-siya sila sa pagbaba.

Fake LoveWhere stories live. Discover now