Chapter 10

40 3 2
                                    

Xen's POV


OMAYGHAAADD! I love youu, Rilakkuma! Nakakapanggigil kaaa! Grrr.

"ARAAAYY!" Napabangon kagad ako ng may biglang sumigaw sa tabi ko. Ano ba yan! Panira ng moment namin ni Rilakkuma eh!

"ARAAYY! Xen bitaw!" Dumilat ako at nakita ko may kagat kagat akong braso.

"Halaaa! Sam, sorrrryyy! Di ko sinasadya. Bakit naman kasi nasa may bibig ko yang braso mo? Ikaw tuloy yung nakagat ko." Napakamot ako ng ulo nung nakita ko kung gano kalalim yung nakagat ko. "Halaaa! Sam, sorryy talagaa!"

"Puta!" Napalingon ako dun sa nagmura. Nakakunot na kagad ung noo ni Nix ni hindi pa nga nakakabangon.

Lagi pa naman yang badtrip pag nagigising.

"Halaaa! Nix, sorrryyy!" Niyugyog ko siya kaso lalo atang nainis. "Halaaa! Sorryy talaga!"

Maya maya lang napabangon ako kasi may naamoy akong pagkain. "Mmm! Foodieee here I com—"

"Kakagising mo lang pagkain agad ang iniisip. Tch." Sabi ni Nix na bumalik sa pag ka higa.

"Ayy, oo nga." Pumunta na 'ko sa banyo at naghilamos. Ayan! Tapos na! Foodie just wait for your Mommyy!

Lumabas na 'ko sa kwarto. Mamaya na sina Sam baka maghihilamos pa.

"Oh? Kakagising n'yo lang pagkain na din kagad iniisip n'yo?" Kasi naman parang kasunod ko lang bumaba sina Sam at Nix.

Tinignan lang ako ng bahagya ni Nix at umupo na sa tabi ni Sam.



Drei's POV




7:00 A.M

"Shit! Baka makahalata sina Xen na ang tagal ko. Bilis! Takte! Ang tagal naman tumulo nung eyedrops!" Pinisil ko yung bote nung eyedrops nang—"Lintek! Napadami! Yaan na nga! Takte!"

Third Person's POV

"Bakit ang tagal ni Kuya Drei?" Wika ni Sam.

"Pa kuya-kuya ka pa dyan!" Wika ng kapatid ng binata habang tumataas baba ang kilay.

"Kakatukin ko nalang sa taas, wait." Wika naman ni Nixie. "Baka machambahan ko na malaman kung ano mang kondisyon yun."





Nanahimik muna ang dalaga, nang narinig nyang wala namang nagsasakita, kumatok na sya sa pinto habang sinasabi ang mga katagang, "DREI! KINGINA! KAKAIN NA! TUMA-TAE KA BA DYAN?! PUTA! ANG BAHO! BILIS-BILISAN MO DYAN! MALE-LATE NA TAYO!"

Binuksan na ng binata ang pintuan at tumungo na papunta sa hagdanan ng hindi pinapansin ang dalaga.

"Aba! Langya lang! Walang respeto, toh ah! Dyan ka na nga, badtrip." Sabi ng dalaga at binangga ang binata tsaka nilagpasan.


"Badtrip talaga. Malalaman ko din yan sa katagalan, Andrei Reyes."





Dave's POV



Naku! Ang ganda talaga ng gising ko! Lalo na't nakita ko yung napaka gwapo't hot kong mukha!

Pumunta na kong banyo para hilamusan ang napakagwapo kong mukha bago ako bumaba at kumain.

"Yo, mga tol! Ang gwapo ko, right?" Tanong pagkababa ko.

"Bitch, where?" Sabi ni Nix kaya napaismid nalang ako.

"Geh na nga. Kahit masamang magsinungaling." Sabi ng magaling kong pinsan.

Kala ko kakampi ko. Hindi pala at itong si Sam naman nasamid. 'Di ko kaya tulungan to kay Drei.

"Ayaw pang sumang-ayon, pogi naman talaga ako eh." Napairap nalang ako sa kanila.

"Hindi ka pogi. Cute ka lang—"

"Talagaa?!" Gulat na tanong ko.

"5 percent cute, 95 percent malibog." Sabi ni Nix habang humahalakhak.

"Okay lang! Atleast cute! Drei Yeobo! Sinabihan n'ya ako ng cute oh! 'Di ka ba nag-je-jelly!? De joke! Yuck! Kadiri noh! Pero, ano nga! Sagot!"

Aba! Tinanguan lang ako ng loko!

"Kuya, ba't di ka nagsasalita? Napipi ka ba?" Wtf, Xen?!

"Yuck! Xen ang libog mo! Anong na-pepe?!" Sabi ko habang napapalayo. Grabe naman 'tong si Drei tinuturuan kung pano maging malibog si Xen. Tsk tsk tsk..

"Puta— Hoy, kalibugan nyo ah! Ang aga aga!" Saway ni Nix.

"Kala mo sya hindi—"

"Nabusted ako..." Sabi ni Drei.


Natahimik ang lahat nung biglang binitawan ni Drei ang mga salitang iyon..


"Busted? Talaga ba?" Nakangising tanong ni Nix.

Piling ko talaga may alam itong babaeng to, hindi nya lang sinasabi.. Kaso, hindi naman kasi 'yan 'ung ikinababahala ko.

"Takte! Ang ikli naman ng sinabi—HUWATT?! BAKETT?!?! Binusted n'ya ang Yeobo ko! She must diee!" Sabi ko habang nanlalaki 'ung mga mapupungay kong mata.

"Nabusted ka?!?!" Sina Xen at Sam talaga. Paulit-ulit.

"Kung alam n'yo lang kung bakit ako nabusted.." Madramang saad ni Drei. Ah! Alam ko na!

"BAKKEETT?!?!" Sinabi nung tatlong babae. Kaso si Yobeo, snob.

"Siguro na-attract ka ng charms ko? Yobeo ang sweet mo, omygod. Hihihi~"

"Yuck, incest." Sabi ni Nix habang nakatingin samin.

"Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang tunay na mahal ko eh!" Sabi ko tas nagflying kiss.



"Joke lang. Loyal ako kay Yobeo eh. Diba?" Tsaka ko inangkla sa braso si Drei.

"Okay." Sabay subo ni Nix sa pagkain nya. Malapitan nga.

"Wag ka nang magtampo, mahal—"

"Tigilan mo ko, ihahampas ko sayo yung kaldero." Banta ni Nix. Napaismid nalang ako. Naglalambing na nga eh.

"Krrr.." Napatingin ako kay Xen na halos mag-laway na habang nakatingin sa mga nakahandang pagkain. Umupo na din ako sa isang bakanteng upuan habang nakatingin pa din sa kanya at sinusubaybayan ung mga kilos nya.

Kukuha yan ng pagkain eh, habang nag-uusap ung iba. Naku! Mga galawang Xena Reyes—uyy! Ayun! Nakakuha na ng tinapay, kanin, ham, at itlog! Tsk tsk tsk, wala manlang nakapansin.





____


Nixie's POV


Papasok na sana si Drei sa driver seat pero napigilan ko s'ya.

"Oh, ba't ka papasok dyan? Baka naman mabangga tayo. Nang lulumo ka dahil binusted ka diba? Maliban nalang kung.." Pinutol ko ang sarili kong pagsasalita at nginisian lang sya.

Halata namang nagulat at naguguluhan sya sa pinagsasabi ko.

Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na sa driver's seat. Nakita ko ding pumasok si Dave sa shotgun seat.




____



Nakarating na kami ng parking lot ng school nang makita namin si Lexi na may kasamang lalaki na naka-all black.

"Tch. Malandi alert." Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakatingin ng masama si Drei kung nasan sina Lexi..




Fake LoveWhere stories live. Discover now