Chapter 4

102 7 4
                                    

Xen's POV




"Xen bumaba kana!!!" Sigaw ni kuya mula sa baba kaya naman mas binilisan ko ang pagbibihis para hindi na magalit.

Alam na alam ko na yan, pa si kuya hindi nga lasing, pero pag tinopak daig pa uminom ng alak for three consecutive days.

"Ang tagal mo naman ayan tuloy hindi na mainit ung pagkain." Sermon na naman ni kuya.

Tsk, minsan talaga hindi ko kilala Kung sino ang dapat dinadatnan eh kung babae o lalaki.

"Sorry naman po kuya. Syempre ang daming cheche bureche ng uniform namin eh." Sabi ko kay kuya.

Eh totoo naman kasi. Idagdag mo pa ung kapal nung uniform namin. Parang niluluto nga kami dun sa uniform namin lalo na pag summer.

"Sige na kumain kana." Nilagyan ako ni kuya ng fried rice, hotdog, itlog, at ham sa plato ko nagpalaman naman sya ng tinapay inilagay ito sa platito at ibinigay sakin.

Kaya nga tama ung sinabi ni Nix eh kaya ako lumalaki kasi ang dami kong kumain... Well, kuya always forces me to eat so much kaya ito ang nangyari.

"Ubusin mo lahat yan ahh." Nakangiting sabi ni kuya. See? "Hindi ka tatayo dyan ng hindi mo ubos lahat yan okay?" Seryosong sabi ni kuya, kaya napa tango nalang ako at bumalik sa pagkain.

Mayamaya pa ay natapos na ako at inayos ang mga gamit ko kaya naman nauna nang tumayo si kuya kesa sakin. "Xen, ilabas ko lang sa garahe ung kotse ah." Mapait ang reaksyon ni kuya nung sinabi nya 'yon.

I wonder why? Well.... Kanina kasi habang kumakain ako tutok na tutok yung mukha nya sa cellphone nya tapos minsan nakikita ko pa syang kumukunot kunot ung ulo o kaya naman ay parang maiinis na ewan.

Nang matapos na kong ayusin ang mga gamit ko tumayo na ako at nagpaalam sa mga tao sa bahay.

Habang naglalakad ako nakita ko si kuya sa may pintuan at may kausap. Mmm... Makapag-eavesdrop nga.

"Lex, naman oh. Pagusapan natin to oh?" Paki usap ni kuya.

Napatango naman ako. Pero meron sa sarili kong naguilty dahil sa tingin ko dahil sa paguusap namin ni Lexi kaya ganyan ang kuya ko ngayon.

"Lex? Mmm.. Sige magusap nalang tayo sa school. Pero.... Sana maintindihan mo...." Yun lang at ibinaba nya na ang linya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagtago matapos ibaba ni kuya ung tawag.

Lumingon si kuya sa likuran kaya naman tinding gulat at kaba ang nakita ko sa kanyang mukha.

Aaminin kong ito ata ang first time kong magseryoso sa harapan ng kapamilya ko. "Xen? Narinig mo ba ang lahat?" Kinakabahang tanong ni kuya. Kaya naman nagtaka ako.

Bakit naman kaya kinakabahan ang isang to? May itinatago kaba kuya?

"Hindi ko alam. Hindi ko naman nakitang tinawagan mo sya o tinawagan ka nya." Seryosong sambit ko at tska lumabas ng bahay at iniwan sya sa may pinto.

Hindi ko alam kung bakit ako naging seryoso agad ng dahil lang doon.

Sumakay na ko sa kotse ni kuya at mayamaya lang ay naramdaman kong bumukas ang kabilang pintuan.

Pumasok na si kuya at nagsimulang ii-start ang kotse nya. Hanggang sa makarating kami sa parking ng school hindi kami nagimikan at nanatiling seryoso ang mukha ko.

"Thanks." Papalabas na sana ako ng kinuha ni kuya ang kamay ko.

"We have to talk." Seryosong sabi ni kuya as in super seryoso pero hindi ako natakot don.

Fake LoveWhere stories live. Discover now