Chapter 15

44 2 7
                                    

Nixie's POV


"Good morningg!" Bungad sakin ni Xen nung mamulat ko 'ung mata ko. Ang lapit pa ng mukha n'ya sakin.

Hindi ako nag salita dahil malamang mabaho pa yung hininga ko. Kaya binato ko nalang sa kanya yung unan.

Gusto ko lang matulog ng tahimik? Imposible ba yun?

"Ayy, badtrip ka pa ba?" Tanong n'ya kaya..

"Ano ba yan, Xen?!" Bumangon nalang ako tska lumakad papuntang banya

"Sam, anyare? Hindi pa naman 20 ngayon. 19 palang diba?" Pabulong na tanong ni Xen, rinig na rinig naman. Tch.

"Anong hindi 20 ngayon?! 20 na ngayon, uy!" Bulong din ni Sam na mas rinig pa kesa nung kay Xen.

Napailing nalang ako bago pumasok sa banyo.

Ano naman kung ika-dalawampu na ng buwan ngayon? Tss. Matagal nang nawalan ng halaga ang petsa yan.

"Good morning, babes!" Sabay akbay ni Dave pagkalabas namin. Tinanggal ko yung pagkakaakbay n'ya kaya bigla syang nagulat.

"Ano bang trip nyo ngayon? Aga aga, binabadtrip nyo ko." Bulong ko tsaka bumaba na. Bumulong na naman sila pero rinig pa din naman, tch.

"Hala! Anong nangyare sa ating dalawa? Pero, 'ung totoo? Anong nangyare?" Kausap ni Dave sa sarili n-nya.







Habang kumakain kami..

"Nakuu. Kuya, 'di ka kasi sumama eh. Sayang, nanalo ako ng Rilakkuma. Tsaka ansaya nung laro namin! Lahat kami nakakuha ng stuff toy." Sabi ni Xen habang kumukuha ng mga kakainin n'ya pa.



Naalala ko tuloy yung nakita ko sa arcade kahapon..








_____



Pagkatapos namin kumain, nagtanong si Dave, "Gusto mo magdrive? Tapos gala ulit tayo mamaya, ikot-ikot lang tayo." Sabi n'ya habang nakangiti. Bakit ba sila ngumingiti ng ganyan?

"Wala ako sa mood. Sa ibang araw nalang." Umiling ako tsaka umalis na.







_____



Pagkadating namin sa parking lot lumabas na kagad ako. Pero, halos lahat ng tao nakangiti at yung iba naghahalikan pa. Napairap nalang ako. Nasa school naghahalikan, mga malalandi— 'Di na nahiya, tch!

Umakyat nalang ako. Kaso may isa pang..

"One week na tayong magkakilala pero wala pa din tayong picture."

"Ano naman?" Sabi ko tsaka naupo na.

"Sige na! Picture na tayo!" Sabi n'ya habang niyuyugyog 'ung upuan ko.

Napayukyok nalang ako sa upuan. "Ugh, leave me alone."

"Hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari ipaglalaban kita.." Sabi n'ya kaya napatingin ako sakanya.

"Ano bang trip mo? Naka-high ka ba?" Sabi ko tsaka yumukyok uli.

"Nixie, sige na. Picture lang naman eh. Sige na? Pleasee?" Sabi n'ya habang nagpupuppy eyes.

Yumukyok uli ako, "Tigilan mo ko, Salvador. Utang sa labas, tigilan mo ko."


Bakit ba kasi ako kinu-kulit nito? Nakakainis naman, oh!







Ivan's POV


Napabuntong hininga nalang ako. Ba't kasi ayaw nyang magkaron kami ng picture?

Bigla n'yang inangat yung ulo nya tsaka tumigin sakin parang naaalibadbaran. Ano bang nagawa ko?

"Magpaka totoo ka nga, Salvador. Naka drugs ka ba?" Tanong nya tsaka pinatong yung siko nya sa lamesa at pinatong nya yung muka nya sa kamay nya. "Tska, first name basis na pala tayo? Wag mo kong tawagin na Nixie, di pa tayo close." Utos nya.

Nagtinginan lang kami hanggang sa..

Dumating yung dalawang kaibigan ni Nixie at natigilan habang dahan dahang lumilingon sakin bago umupo sa upuan nila tsaka tanungin si Nixie.

"Halaa! Nix, okay ka langg? Halaaa! Sorrrryyy!" Sabi ni Xen. Ba't s'ya nagsosorry? Kakadating n'ya lang naman ah.

Inalis na ni Nix yung tingin nya sakin at binaling nya dun sa mga kaibigan nya. "Okay lang. Badtrip lang talaga 'ko ngayon." Sabi ni Nix na bumuntong hininga at yumukyok uli.

Hinampas ni Sam ng mahina si Xen, "Sabi sayo wag kang OA eh!" Bulong na sigaw ni Sam tsaka umupo ng maayos.

Ganito pala silang tatlo. Ang saya siguro kung naging kaibigan ko din sila noon. Lalo na si Nixie..

Nung dumating na yung teacher, umayos na ng upo si Nixie pero mukhang wala pa din s'yang pake, lalo na kung yung sinasabi nung teacher, tungkol sa buhay n'ya.

"Ser, kasama ba yan sa exam?" Bulong ni Xen.

"Sir, pwede bang magturo ka ng maayos? Puro ka kwento ng buhay mo, wala naman kaming mapapala dyan." Sabi ni Nixie, may bakas din ng pag ka inis sa boses nya.

Napahalakhak ako kaya halos lahat napatingin sakin. Pero, humalakhak din sina Sam habang pinagpapalo pa yung desk nila. "Sorry, Sir. I didn't mean to—haha—laugh. I'm sorry." Sabi ko tsaka umayos ng upo.

"Samantha Dela Cruz! Xena Lorrainne Reyes!" Seryosong sabi ni Sir kaya napahalakhak nanaman 'ung dalawa.

"Wooohhh!" Pagpapakalma ni Xen sa sarili n'ya. "Wait lang, Ser—woooohhh!" Sigaw n'ya ulit tsaka huminga ng malalim bago umupo ng maayos, kaya umupo na din ng maayos si Sam.

Tumingin ako dun sa katabi kong nakatingin pa din dun sa teacher namin na parang naghihintay ng may magandang sabihin.




Dave's POV

Hinihintay namin ni Drei yung tatlo. Shet! May plano ako, at sinisiguro kong magpapasalamat sakin si Sam.

"Ba't ka napapangisi d'yan?" Lumingon ako kay Drei habang nakangiti ng nakakaloko.

"Papasalamatan mo 'ko." Sabi ko tsaka mas nilapadan 'ung ngiti ko. "Samanthaaaa! Kanina pa kita— ka namin hinihintay!" Sigaw ko nung nakita ko kagad sila. Buti nalang 'di pa malabo yung mga mapupungay kong mata.

Nakita kong napatingin sakin pati na din kena Sam yung mga kumakain. Siguro naiinggit sila kasi wala ni isa sa kanila yung tinawag ko. Tsk tsk tsk..

"Hay, nako. Ayan nanaman sya." Rinig na rinig kong sabi Nix.

Nung nakarating na sila..

"Kuya Dave ba't ka ba—"

"Let's play a game! Truth or dare." Tumayo ako at kinuha yung wala ng laman na water bottle na naubos ko na kanina sa room.

For sure, ang hot ko nung inuubos ko yung tubig. Halos magsilaglagan 'ung mga panga nung mga kaklase namin, HAHAHAHA

Hindi naman na sila kumontra pa kaya pinaikot ko na 'ung bote. Nung tatapat kay Xen 'ung bote..

"Shit!" Sigaw ko na parang nadulas para magsitinginan sila sakin at para na din malipat ko kay Drei 'ung bote. Gumagana talaga yung charms ko!

"Kuya, okay—"

"Okay lang! Gwapo pa din ako, don't worry. So, si Drei pala, truth or dare?" Tanong ko habang nakangisi.

"Dare. Dave, ano—"

"Kiss mo si Sam... sa lips."



"Sabi nang may kalokohang binabalak toh eh."

"Haa? Bakeett? Sa lips talaga?"

"Oh, yas! Daebak! Daebak!"

"Sa l-lips?"

Fake LoveWhere stories live. Discover now