cibs

3K 121 22
                                    


**

"AKALA ko ba andito si Lines?"

"Siyempre niloko lang kita para pumunta ka. Tara pasok na." Sinamaan ko ng tingin si Daddy bago sumunod sakanya na may talong balikat. Tangina. Akala ko magkakasama na ulit kami. Akala ko lang pala. Marami talagang nasasaktan sa akala lang.

Nasa 3rd row kami ni Daddy. Dati-rati, nasa gitna naming dalawa si Lines. Minsan lang kasi makanood si Mommy—laging nagwo-work. Si Lines naman, lagi ko'ng kasama. Simula bata pa kami sinasama na kami ni Dad. "Sobrang ganda raw ngayon." Bulong niya sakin. Hindi ko siya pinansin at prenteng umupo nalang. Ang tagal naman magsimula.

Mas gaganda 'to kung kasama ko siya. Pero hindi, e. Wala eh. 'Di na nga yata mauulit 'yon. Napahinga ako ng malalim pagkaramdam ko ng sakit. Kumikirot na naman ang puso ko. Kelan ba titigil 'to? Siguro kapag namatay na 'ko ano?

"Dami mo'ng dama." Tinignan ko si Daddy at nakatingin siya sa stage at nakakunot ang noo. Madami talaga akong dama. Porket siya stable na.

"May dinner bukas ah."

"May dinner naman lagi."

"'Wag ka ngang pilosopo, Lawrence."

"Saan ba?"

"Sa tabi nating bahay. Sa right."

Napasimangot ako. "Bakit 'di mo nalang sabihing kina Lines?"

"Eh baka umiyak ka na naman eh." Siniko ko si Daddy at sinamaan ng tingin. Siniko niya rin ako pabalik. "Kelan?"

"Bukas pa naman. Birthday ng Tito Alfred mo, remember."

Ano ba bukas? Ah.. nov 16. Nga pala.

Maya-maya lang, nagsimula na ang pinakainaabangan nilang lahat. Oo, nilang lahat lang. 'Di ako kasali. Hindi ko naman gusto. Hindi ko naman talaga 'to gusto dati. Pero noong nalaman ko'ng sasama si Lines kay Dad kasi gusto niya—back when she was still 7 years old, ginusto ko na rin. Na-appreciate ko siya. Akala ko nga yung course na kukunin niya is something related to theater and etc. Pero mas gusto niya palang maging doctor. So kinuha niya medtech habang ako, political science. Kalokohan.

Hindi, gusto ko naman talaga maging abogado. Naalala ko dati........ wala. Wag nalang pala.

"Dad," Bulong ko sakanya habang nasa kalagitnaan na ang play. "What?"

"Labas lang ako."

"Gusto mo na ba umuwi?"

"Pwede ba? Gusto ko na magpahinga.."

Nginitian niya ako. Kahit na alam ko namang minsan nang-aasar siya—alam ko rin na ngayon, hindi. "Sige na, mag-grab ka nalang. Bat kasi 'di mo dinala kotse mo."

"Sige Dad. Thank you."

Nag-excuse ako sa mga dinadaanan ko habang paalis. Nang makalabas na 'ko, sumakay na 'ko at tinext si Mama kung nasa bahay siya. Gumala pala sila nila Ninang.

Pagkarating ko sa bahay, bumungad sakin si Nate ang mga kaibigan niya. "Kuya!"

"Hmm?" Huminto ako sa gitna ng hagdan at hindi siya nilingon. Sobrang pagod lang talaga ako. Sa lahat. Sa lahat ng nararamdaman ko.

"May...nilagay nga pala ako sa desk mo. Geh! Yun lang!" Napakunot ako ng noo pero 'di ko na siya nilingon. Too tired to look back. Pagod na naglakad ako papuntang kwarto ko.

Dumiretso ako sa desk na sinasabi niya. Mayroong cupcake don. Ube pa. Tapos may note.

I hope this will make you feel better. Even a little bit.

Your awesome brother,

Nate

Napangiti agad ako. Sobrang close naming ni Nate. Kami 'yong tipo ng magkapatid na bilang lang sa isang kamay ang ilang beses na nag-away. Sobrang nagkakasundo kami at yeah, corny man sabihin per mahal naming ang isa't-isa talaga. These few months lang naman kami 'di masyadong nagkakausap. Siguro kasi dahil sakin. Naiintindihan naman niya. Mamaya ko nalang kakain. Nagbihis na 'ko at iniwan ko ang sarili ko'ng may boxers na suot. Hawak-hawak ko ang cellphone habang nakahiga, nakadaob. Tinext ko siya.

Thank you Nate.

Inilock ko ang phone at binuksan ulit ito. Lockscreen ko kasi ang picture naming dalawa when we were still 6 years old. Nilock ulit tapos inunlock.

Miss na miss na kita, alam mo ba? Umupo ako sa kama at dumungaw sa bintana. Kaharap lang ng bintana ko ang bintana ng kwarto niya. Dito ko siya unang nakita eh. Nawitness ko ang pagbabago ng ibang bagay sakanya kasi sabay na kaming lumaki.

Nakasara 'to. Hindi pa ba siya nakakauwi? Dapat nasa bahay na siya ngayon eh. Memorize ko ang schedule niya. Inalam ko through a friend. Saan ba nagpunta 'yon? Baka mapano pa siya niyan.

Humiga ako ulit sa kama at tinignan ang gilid ko. Si Rach. Yung teddy bear na bigay niya sakin. Napangiti ako ng malungkot at humiga. Niyakap ko 'yon.

"Pano ba 'yan, Rach. Ako nalang talaga yata ang yayakap sa'yo.." Napansin ko'ng pumiyok ang boses ko. Iyak ka na naman. Isang gabing iyak na naman ba? Pang bakla putangina. Pero wala akong magagawa, ganoon talaga.

"Cibs, balik ka na sakin..." Niyakap ko si Rach. "Pabalikin mo na siya sakin, Rach. Hindi ko na kaya eh." 

LAWRENCE AND LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon