not yet, why?

2.2K 104 22
                                    


**

UMUPO muna ako sa kama ko dahil alam ko'ng dito didiretso si Dad. At tama nga ako, may narinig akong yapak ng mga paa. And it gets nearer and nearer. Kumatok muna siya bago pumasok. "Hi, Dad." Tumayo ako nakipag manly hug sakanya. Umupo siya sa may study table ko at ako naman sa edge ng kama.

"Ano? Lagi mo nalang akong uotusan para ihatid sundo si Lines?"

"Sorry, Dad. I can't do...anything."

He sighed. "Hindi naman all the time I will be there. Okay lang naman sakin and you know that. I want her safe. We all want her safe pero pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Lawrence." Nakayuko lang ako. Wala, e. Wala akong magawa.

"She doesn't want me near her." Nakakalungkot mang isipin pero 'yon ang gusto niya. Kung dati rati'y gusto niyang laging nasa tabi niya ako iba na ngayon. Ayaw niya nga akong makita man lang.

"Hay nako. Paano mo nga ulit nalaman ang schedule niya?"

"Kaibigan ko 'yong boyfriend ng kasama niya sa hospital. He was my classmate way back in Elementary." It was Dean. Girlfriend niya kasi si Jela. Kaya naman gumawa ako ng paraan para malaman kung anong oras siya uuwi so I could watch out for her. Kung nakasakay ba siya ganon.

Alam kong ang creepy at weird pero wala na akong ibang alam paano malaman na safe siya.

At oo, pag si Dad may pinupuntahan na di naman kalayuan sa hospital kung saan siya nagwo-work I'm asking him kung pwede namang sunduin niya para mas okay. Para mas safe.

"Kausapin mo siya. Pursue her. Kulitin mo."

"She doesn't like that."

"I know. At ayoko namang mainis siya sayo o mahirapan din si Lines. But you two—niloloko niyo na ang sarili niyo. Halata naman kasing mahal niyo pa ang isa't-isa, pinapahiraman niyo lang. What's the point in it?" Sumandal siya sa upoan ko. "Nakakahilo kayong mga bata kayo. Dati lang hindi naming alam ni Alfred anong gagawin kapag naglalaro kayo at sobrang gulo ng bahay. Hanggang sa maha-heart attack na kami dahil ayaw niyo nang maghiwalay. Hanggang sa nagtatabi na kayong matulog. Hanggang sa naging kayo na. Hanggang sa di na kayo mapigilan talaga."

"Dad..."

"Time flies nga naman. Ngayon nahihilo ako dahil nagkakasakitan kayo."

Yumuko ako ulit. I don't know what to do anymore. Ang hirap tangina.

God knows how much I want to be with her again but she's pushing me away. I can't blame her but I really can't understand. Ang hirap ba magbigay ng second chance?

After all that we've been through, I think I deserve a second chance.

I'm not just her ex boyfriend. I'm her bestfriend. I'm her childhood bestfriend. Alam ko lahat sakanya. I've always been there for her. Tingin niya ba dahil lang sa isang pagkakamali hindi ko na deserve 'yon?

"You are both breaking each other's hearts."

Napaangat ang tingin ko kay Daddy. "I will help you, okay? But please, 'wag kang basta tumingin nalang. Okay? I will try na magkalapit ulit kayo. She can't resist me and your mom. Hay nako. I don't imagine being this desperate for you both to end up together." Napailing pa siya pero nabuhayan naman agad ako.

"What will you do?"

"Just wake up early tomorrow."

"Bakit? Sunday bukas ah?"

"Hindi ba't gumigising ka ng maaga dati para magsimba kayo? She likes going to church early. Tayo kasi hapon kaya di ka sanay pero ikaw ang nag-adjust." Naparolyo pa ang mata ng Tatay ko. "Hindi ka na nga sumama samin. Hayop ka."

LAWRENCE AND LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon