safe

1.6K 109 20
                                    


**

IT was already 10PM, hindi pa rin siya lumalabas ng hospital. Nasa labas ako, hawak hawak sa kanang kamay ang Starbucks na binili ko. 

Hinihintay ko si Lines na lumabas. Gabi na kasi, wala rin ako masyadong gagawin. Gusto kong safe siya makauwi. May times kasi na mahirap umuwi eh, tapos baka ano pang mangyare sakanya. 


Tinext ko na siya kanina around 8pm. Sabi ko na susunduin ko siya. 9pm andito na ko. Wala pa rin siyang reply hanggang ngayon. Maybe her battery is dead. Pero kahit na. Hihintayin ko pa rin siya. 


Tinext ko siya ulit. Baka naman kasi busy lang 'di ba? Hindi niya lang napansin. 


Hi, Lines. I'll wait here sa labas, sa tapat ng Watsons. 

Nagpapatugtog lang ako sa loob ng sasakyan when my phone suddenly started ringing. Pagkatingin ko, it was my Dad. "Hello, Dad." 


"Asan ka na? Bakit di ka pa umuuwi?" 


"Nasa hospital ako kung saan siya nagwo-work. Susunduin ko siya." 


"Wow naman. Pero sige okay 'yan, para makapag solo kami ng Nanay mo." 


"Gross,"

"Anong gross ka diyan? Magle-late night drive lang kami. Napaka dumi ng isip mo, Lawrence." 

Napailing ako. Baliw talaga 'to. "Sus, if I know, hihinto lang kayo sa kalsada."


"Ikaw ah, kakanood mo ng movies." 

Kung yung iba, ang linya ng parents nila ay "Ayan kaka computer mo!" Sakin iba. 

"Tss, sige na, si Nate ba, asan?"


"Ayun, nasa kwarto niya. Pagkahatid mo, uwi na agad ah?" 


"Yup, Dad." 


"Good. Atsaka yung sinabi ko sa'yo. Okay?"


"Andami mong sinabi, alin dun?"


"Tangina kang bata ka. Bahala ka na nga!" 


Natawa ako. Parang tropa lang talaga 'tong si Daddy eh. "Sige na, enjoy. Bye, Dad." 


"Bye, din. At enjoy na rin. Hahaha!" 


Inoff ko na ang call at naghintay nalang ulit. Wala pa rin siyang text eh. Nagt-twitter nalang ako at nag facebook. Ayun, I ended up stalking her. May mga tagged photos yung ka intern niya, mga kaibigan niya. 


Ang ganda niya. Samantalang ako, tanga. 


Tumingin na naman ako sa entrance kung andoon na siya...napaayos nalang ako ng upo nang makita ko siya. May kasama siyang babae. Naglalakad sila at naguusap. 

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse kaso napahinto ako nang may sumalubong sakanyang lalake. Agad na kumunot ang noo ko. 


Tangina, sino 'to? 

Nginitian niya pa 'yong lalake. Sh-t, sino to? Agad akong lumabas ng kotse at malakas na isinarado yung pinto. 

Sa sobrang lakas napatingin silang tatlo sakin. Agad naman nawala yung ngiti sa mga labi niya at umawang pa nga yun. Mukha siyang nagulat. 


Naglakad ako palapit sakanila nang ganon pa rin ang tingin. Sa lalake talaga ako nakatingin. 

Sino ba 'to? 

Nang makatayo na ko sa gilid ni Lines, napatingin ako sakanya nang magsalita siya. "L-lawrence..." 


"Nabasa mo yung text ko?"


"Ha? Ah, lowbatt ako eh." 


"Sabi ko susunduin kita." 


"Ah, ganon ba? Sorry di ko nabasa."


"Okay lang, tara na?" Dire-diretso kong tanong.

Napatingin siya sa lalakeng nasa harap niya. "Uhm, Arthur...ano, thank you sa food kanina ah. Sakanya nalang ako sasabay kasi magkapit bahay lang kami.." 

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. 


"Ah, okay lang, Lines. Bukas nalang kita susunduin? Ayos lang?" 


"Ah--"


"Actually, bro. Susunduin ko rin siya ulit. Sabi kasi ni Tito ako nalang magsundo sakanya since wala naman akong gagawin after school and to make sure she's safe." 

Napatingin sakin si Lines, asking if it's true pero hindi ko na 'yon pinansin. "Let's go?" 


"Ah, okay.." Tapos tumingin ulit siya dun sa Arthur na 'yon. "I'm sorry." 

Ngumiti ng tipid yung lalake. "No, you don't have to be sorry. Sige, I'll visit you nalang here some other time. Atsaka, if ever you're free."


"Sure, thank you, ah." Anong sure? Hindi pwede! Hindi pa rin pwede!


"Hatid ko nalang si Rhian."


"Okay, sige."


They bid their goodbyes at umalis na ri kami. Tahimik lang siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad na sinuot sakanya yung seatbelt. "I can handle..." Pero wala na, tapos ko nang gawin. 


Napakamot nalang ako kasi mage-eleven na traffic pa rin. What the hell. I breathed deeply. 

"Sino yung Arthur?" 


"Schoolmate." 


"Bakit ka niya sinusundo?" I swear, I sounded like a jealous boyfriend. That is somehow true. Jealous. Yung boyfriend lang hindi. Aray. 


"He...I mean, he wanted to make sure na...I, I am safe." 


"Tss," Medyo umusad na kaya naman kahit papano malapit-lapit na kami. 


"Sinabi ba talaga 'yon ni Dad?"

Ayun. Kakausapin ko si Tito mamaya but I'm sure enough na papayag siya. "Yes," I lied. 


I heard her sighed deeply. Kaya napatingin ako sakanya. "Why? Ayaw mo ba?"


"It's just funny how you want me to be safe when infact you...." 


She looked at me and smiled sadly. 

"You hurt me so bad. And that wasn't safe at all." 


**

LAWRENCE AND LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon