normal

2K 94 15
                                    

**

"KUYA, aalis ka ba?" Tanong ni Nate sakanya bago buksan ang ref. Nakita kasi nitong pababa ang Kuya niya.

"Hindi naman." Sabay suot ng T-shirt na puti. "Bakit mo natanong?" Mukha naman kasing hindi siya nakapanglakad. Nakashorts nga lang ito at nakat-shirt.

"Wala, akala ko lang. Kanina ka pa kasi magdamag sa kwarto."

Napangisi nalang siya. Lagi naman silang magdamag sa kwarto eh. Simula nang umuwi siya 2weeks ago, lagi silang nasa kwarto ni Lines. Minsan lang sila lumabas ng bahay din. Nanonood lang sila ng movie gaya ng lagi nilang ginagawa dati. Minsan naman, tinuturuan niya itong maglaro ng dota--pero di rin naman nagugustuhan ni Lines kaya sa ps4 nalang sila naglalaro.

May mga games ngang nagpapatalo nalang siya para kay Lines, eh kahit madali lang ang laro sakanya. Makita niya lang na masaya si Lines, panalo na siya.

"Ba't ka nakangiti?" Napa-angat siya ng tingin nang tanungin siyang muli ni Nate. "Ano?"

"Sabi ko bakit ka nakangiti? Wala namang nakakatawa or ano ah?" Sabi nito at uminom ng tubig.

"Wala lang." He even wiggled his eyebrows. Talagang nanumbalik na ang sigla at saya ni Lawrence pero alam niyang may kailangan pa siyang gawin--ay iyon ay kitain si Arthur.

"Kuya, can I ask you something?"

"Kanina ka pa nga tanong ng tanong eh."

"Usapang lalake lang ha?"

"Hmm, ano 'yon?" Sabi nito bago uminom ng beer.

"Mukha naman akong tanga kung tatanungin ko kung virgin ka pa. Pero how often do you do it?" Curious na curious na tanong ni Nate. Tinapunan siya ni Lawrence ng tissue. "Seryoso ka ba diyan?" Medyo na awkward lang siya kasi di naman nila hilig pagusapan ito. Ang lagi lang nila pinaguusapan ay tungkol sa pelikula at laro na bonding nila talaga. Tsaka hindi niya alam bakit bata pa ang tingin niya kay Nate--siguro dahil nasanay siya. At si Nate ang bunso ng pamilya.

"Curious lang ako! Tsaka sainyo nga lang ako an curious eh." Sinamaan pa siya ng nakababatang kapatid ng tingin. "Kasi yung mga kaklase ko sa states, nakatry na sila pero ako, hindi ko alam feeling nun." Sinubukan naman ni Lawrence maging maayos kausap kasi mukhang seryoso ang kapatid. Wala pa kasing naging girlfriend na matino si Nate.

"Well ang masasabi ko lang, mahal ko kasi si Ate Lines mo kaya...." Iniisip niya kung anong magandang term dun pero wala siyang maisip. Napalunok nalang siya. "Kaya okay siya."

"Kuya, para sa mga lalake okay na okay ang sex."

"Mas masaya siya gawin kapag mahal mo yung tao." Napainom tuloy si Lawrence ng beer niya. Hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka curious ang kapatid niya pero pinilit niyang maging seryoso at di matawa.

Mukha namang di satisfied si Nate. Mukha itong nagiisip pa. "Simula nung nakarating ka ba dito? Ginagawa niyo lagi?"

"Siyempre namiss ko eh."

"Ohhhhhh!" Napatakip pa si Nate ng bunganga niya dahil naastigan siya sa sagot ng kapatid.

"Gago ka, Nate!"

"Hahahaha wala lang! Pero kasi diba, wala naman." Nagisip ulit ito. "Nung first niyo ni Ate Lines gumamit kayo ng protection?" Tanong niya pa.

Namumula tuloy si Lawrence sa mga tanong ng kapatid niya. "Pag ikaw narinig ng Ate Lines mo."

"Kapatid mo naman ako tsaka di ako kasing bastos niyo ni Papa. Curious lang talaga."

"Mukhang di ka na curious eh, mukhang nakikichismis ka na!"

LAWRENCE AND LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon